-------
"I'm nervous" humawak sa braso ko si Vinh habang nakahawak pa sa kaliwang dib-dib.
Nasa back stage kami ngayon, at naghihintay na lang na tawagin para makatugtog na. Nagbibihis na yung boys, at si Tiffany na lang ang nag-aayos ng sarili niya.
"Wag kang kabahan" nakangiting lumabas mula sa dressing room si Duri at saka pinisil ang ilong ni Vinh. Inirapan naman siya ni Vinh.
"Cr lang ako" paalam ko sa kanila.
"Bilisan mo lang" nagulat ako ng lumabas si U-jin sa dressing room at pinitik ang noo ko. Napahawak naman ako doon at sinamaan siya ng tingin.
Nilagpasan ko na siya dahil baka kapag nakipag asaran pa ako ay hindi na ako maka ihi at tawagin na kami. Baka sa stage pa ako maihi 'no! Pumasok ako sa isang cubicle at nagbawas ng tubig sa katawan pagkatapos ay lumabas na ako at naghugas ng kamay sa lababo at naglagay ng alcohol sa kamay.
Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin.angibabaw ang aking kaputian dahil itim ang suot namin ngayon at puti naman ang pang ibaba. Nakasuot ako ng square neck sando crop top na black at black leather jacket habang naka bun naman ang aking buhok. Sa pang ibaba naman ay white wide leg pants at black boots. Minimal make up lang din ang ini-apply namin sa mukha.
Paglabas ko sa cr ay lumabas na ako at naglakad sa hallway papuntang back stage. Nagulat ako ng biglang may magsalita kaya agad akong napatigil.
"Miss?" tawag sa aking ng nagsalita. Tumingin naman ako sa likod ko kung may ibang tao. Nang mapansin kong wala ay tumingin ako sa nagsalita at itinuro ang sarili ko, naninigurado kung ako nga ang tinawag niya.
"Oo, ikaw. Are you a model?" seryosong tanong ng lalaki o mas magandang sabihing.. bakla?
"A-ako po? Naku! No, no. I'm not" pagtanggi ko sa kanya saka ay natawa.
"Koreana ka ba?" seryoso pa ding tanong niya sa akin, pero this time ay nakangiti na.
"Ah, opo" nahihiyang sagot ko.
"Do you have any plans to be a model? Sayang kasi ang ganda mo na bumagay pa sa height mo, maganda din ang iyong tindig. Akala ko nga ay model ka!" sunod na sunod na sabi niya sa akin. Nahiya naman ako dahil doon kaya umiling na lamang ako.
"Ah, model po? Hindi po 'e" nagpilit ako ng ngiti pero feeling ko ay naging ngiwi iyon.
Ako model? Nahihibang na ba siya?
"Ito calling card ko iha ha, tawagin mo ako pag napagdesisyonan mong mag model para-" inaabot niya sa akin 'yon pero hindi na niya natuloy ang sinasabi dahil biglang dumatin si U-jin.
"Yeona!" tawag sa akin ni U-jin mula sa 'di kalayuan.
Pinilit iabot sa akin ng bakla ang card saka ngumiti at umalis na. Napakurap kurap ako dahil doon pero wala na din naman akong nagawa kundi tanggapin ang card.
Napatingin naman ako sa paparating na U-jin. Nakasuot din siya ng black leather jacket at black turtle neck naman sa pang-ilalim. Maganda din ang pagkaka-ayos ng kulay brown niyang buhok. Naka white pants siya partnered with white boots na may black na sintas at black na swelas.
"Bakit kausap mo iyon? Ano 'yan?" turo niya sa card na hawak ko.
"Ah wala, tara na! Tayo na ba?" hinigit ko siya para maglakad na pero hindi siya gumalaw.
YOU ARE READING
Once Upon a Fan
FanfictionOnce Upon a Fan is a story of a girl named Yeona who fell inlove with an idol that she knew very well, right before he became famous. Yeona is a pure Korean living in Philippines for a long time because of her condition called cold urticaria and whe...