Chapter 9

59 2 0
                                    

Nagising ako na barado ang ilong ko, feeling ko nakalutang ako at ubos na ubos ang laman ng tyan ko.


6 am palang, dapat ang gising ko sa mga gantong 11 am. Lakas talaga ng pinainom nila.


Natutulog pa si Tyche sa tabi ko kaya tumayo ako para mag banyo.


Nagkagulatan pa kami ni Janine dahil kakalabas nya lang ng banyo, magtu-tooth brush nako para mawala ang lasa ng ininom namin kagabi.


"Oh anyare sa ilong mo?"
Suminghot ako at ngumiti nalang sa kanya. Panigurado namumula ang ilong ko.Ang sakit ng ulo ko. Hinawakan nya ang noo ko.



"Medyo mainit ka ha. Timpla kita kape?"


Tanong nya habang naglalakad papunta sa mini kitchen, ako naman pumasok na sa banyo.


"Nope! Gusto ko ng coke."
Pinasak ko na sa bibig ko ang toothbrush. Naghilamos lang at lumabas na.


"Nagpadala nalang si Cal ng breakfast sa kanya kanyang room tutal mga puyat daw tayo. After breakfast nalang daw tayo bumaba."


Naglakad kami papunta sa balcony para dun kumain ng breakfast. Kumuha ako ng rice dahil wala talagang laman ang tyan ko dahil siguro sa sinuka ko.


"Inom ka muna tubig para dika ma dehydrate. Dapat nga dika muna mag coke kase maaga pa. Kaso yan din iniinom namin pag may hang over."
Natatawang sabi ni Jah at binigyan din ako gamot para sa sipon ko.


"Umakyat kaba kagad pagkagaling mo don?"


"No, I'm with Ares. Tumambay kami saglit dyan sa may buhanginan."


Tinaasan nya ko ng kilay kaya tinaasan ko din sya.


"Hmm kaya pala."


"Anong kaya pala?"


"Kaya pala sinipon ka kase nahanginan ka at natuyuan ng damit."
Kinindatan pa ko, issue to sigurado.


Natatawa nalang akong umiling at nagpatuloy na kami sa pagkain. After that I already take a bath kase amoy sakin yung alak, baka rin mabawasan yung bigat ng pakiramdam ko.Consequences of being stubborn huh?


Nakapag ayos na kami at lahat hindi parin gumigising si Tyche. Ako nalang ang nag ayos ng gamit nya. Mamayang hapon pa naman kami aalis, mag snorkling daw kami sa kabilang island. Nice ha kung kelan barado ng sipon ang ilong ko.


Medyo bitin ang dalawang araw sa mga activity na gusto namin gawin kaso kailangan pa namin mag empake ni Kuya.


Ten am nung bababa na kami kaya ginising na namin si Tyche.


"Ang sakit ng ulo kooooo!"
Naka dapa parin sya sa kama.


"Kailangan na natin bumaba andyan na daw yung bangka na sasakyan natin."
Naghahanap ako ng susuotin, pero ang bigat talaga ng ulo ko. Feeling ko sasabog. Imbis na swimsuit kumuha ako ng hoodie at shorts.


Nagbihis lang si Tyche at bumaba na kami. Sa dagat nalang daw sya maliligo. Dahil huli nanaman kami nag aantay na sila sa harap ng bangka na magdadala samin sa kabilang Island.


"Lamig na lamig?"
Tanong ni Kuya habang nakataas ang kilay.


"Don't start a fight, I'm not in the mood."
Dere deretso akong naglakad papunta sa bangka, inalalayan naman ako nila Rhaj paakyat.

Tumabi ako kay Shain at Grey. Kinapa ni Grey ang noo ko.


"May sinat ka ha, gusto mo sa room nyo ka nalang samahan kita."

Binatukan sya ni Neil na katabi nya lang.


"Ba't ikaw ang sasama siraulo kaba?"


"What? I'm trying to be nice here."

"Halika na Tin magpaiwan nalang tayo." Hihilahin na dapat ako ni Maurhine.


"Ayos lang ako, sinisipon lang talaga ko." Nginitian ko nalang sila, sayang naman last day na namin dito.
Nakasakay na sila lahat. Lumipat si Grey sa harap namin dahil baka mabatukan nanaman daw sya ni Neil.


Kaya si Ares ang pumalit sa pwesto nya. Dapat si Tyche ang uupo sa tabi ko kaso tinabig sya ni Ares using his butt! Kaya naman tumilapon sya kay Kuya. Siraulo! Unti unting lumalabas ang tunay na kulay.

Maayos na kaming nakaupo lahat. Picture dito picture doon, malakas ang hampas ng hangin sa mukha ko at napapayakap ako sa sarili ko dahil ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

I really love the nature. The color of green that makes me calm. The different kind of fish in the sea. The wind brushed to my skin. Hinayaan kong hanginin ang buhok ko.

"Model ng rejoice te?"
Napapikit ako sa sobrang inis kay Ares panira ng moment.


"Shut up Ares for pete sake, I'm not in the mood."
Nanatili akong nakatalikod sa kanya dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha nya, I don't even know why.

Naramdaman ko ang paghawak nya sa buhok ko, tinatali nya pala. Sorry sya tinatamad ako mag ipit.

We stopped near to this beautiful island, medyo kalmado ang tubig dito. Kanya kanya na silang talon ang langoy kung saan mas maraming isda. Nagpaiwan ako dito at nag cellphone nalang, wala naman signal din dito.

"You sure, you don't want to come?"
Tanong ni Kuya at hinawakan ang noo ko.

Umiling nalang ako at nag thumbs up.

"Uminom ka ng maraming tubig."
Inabutan nya ko ng bottle water at bumaba kasunod nila.

Naiwan naman na nagsusunblock si Ares hindi kalayuan sakin. Nakita ko syang kumupit ng sunblock sa bag ni Grey. Lumingon sya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Arte."
Bulong ko at hindi na sya pinansin naaalibadbaran talaga ko sa kanya.

Right Love At The Wrong Time (MI AMOR SERIES #1)Where stories live. Discover now