Chapter 19

72 2 0
                                    


Si Nick ang sunod, nginitian nya ko kaya nginitian ko din sya. Nagtilian ang mga kaibigan ko at sinabayan pa ng schoolmates ko.

Napansin tuloy ng echoserang mc.

"Hmm I smell something mukhang nandito ang manliligaw o boyfriend?"
Nagtawanan tuloy ang bisita nakakahiya! Echoserang mc.

"Happy birthday, you're really stunning."

Paniguradong namumula na ko ngayon.
"Thank you. Sorry about that."

"It's alright.Pinaiyak ka ng mga pinsan mo, namumula tuloy ang ilong mo."

Yan hirap sakin ang dali mamula ng ilong ko at pisngi.

"Oo nga e mga pasaway."

He really look good tonight, napansin ko din ang piercing sa right ear nya.

"Sana magustuhan mo ang regalo ko, nagpatulong pa ko kay Mommy para maghanap ng mareregalo sayo."

"Ano ka ba for sure magugustuhan ko yon." basta galing sayo, cherez "Hindi naman ako mapili sa regalo, kahit nga wala."

"That's why I like you, hindi ka maarte tulad ng ibang babae."

He like me? He? Like? Daw? O my

"Ha?"

"Nevermind, happy birthday again at baka magwala na ang Kuya mo."

Nakabusangot si Kuya na lumapit sakin.

"Masyadong natuwa ang Nickolot na yon kakahawak sa kamay at bewang mo!"

"So possessive Kuya."

"Tsk!"

"Wow dito mo talaga ko aawayin? Ngayon talaga?"

Inirapan nya ko at bumuntong hininga, my Kuya is si cute. Iw.

"Malaki ka na talaga."

"Wag mo ko paiyakin, wag ka na tumulad sa mga pinsan natin."

"Syempre, ano sila lang? Ako din dapat magpapaiyak sa'yo."

Ang sama ng mga ugali.

"Alam mo ba na may regalo si Mommy sayo?"
Hinampas ko ang braso nya.

"Ang sabi ko wag mo ko paiyakin."

Hindi nya ko pinansin at nakatingin lang sya sa gilid ko.

"Sabi nya ibigay ko daw yon sa debut mo. Minsan nga na aattempt ako na buksan yon e, kaso baka multuhin ako ni Mommy." natawa kami pareho "I'm sorry kung masyadong mahigpit si Kuya, I'm sorry kung palagi kitang inaasar, I'm sorry kung may pag kukulang si Kuya sayo."

Umiling ako dahil sa sinasabi nya, ano ba to teleserye.

"Ayoko lang na pati ikaw mawala sakin, ayoko lang na masaktan ka, ayoko lang makita ka na umiiyak nanaman."

Ngayon lang umiyak si Kuya sa harap ng maraming tao, yung iba tuloy umiiyak kahit hindi naririnig ang sinasabi ni Kuya.

"Sshhh I know. Alam ko na iniisip mo lang yung makabubuti sakin, I'm so thankful kase ikaw yung naging Kuya ko. Ikaw yung karamay ko kahit minsan gusto na kita balian ng buto."

"Aba't siraulo ka ha."
Tinawanan ko lang sya. Para kaming iyak tawa dito.

"Ngayon legal age ka na, pipilitin ko yung sarili ko na hindi maging mahigpit sayo, alam mo na yung tama at mali. Siguradong natutuwa si Mommy kase napalaki ka nya ng maayos kahit na palagi mo akong tinatakasan." niyakap nya ko at hinalikan sa ulo "Mahal na mahal ka ni Kuya, pero ang baho mo."

Right Love At The Wrong Time (MI AMOR SERIES #1)Where stories live. Discover now