Chapter 14

62 2 0
                                    

Naglalakasang speaker ang sumalubong samin ni Tyche sa bahay nila Jay. Sinundo niya ko dahil nauna na ang girls. Bati dito, bati doon nasa labas ang iba at ang iba naman ay nasa loob ng bahay.

I'm wearing racerback croptop and highwaiste short nag fish tale nalang ako na messy, while Tyche is wearing oversize shirt and short shorts naka bun naman ang buhok niya.

"Hey Harisson buti nakapunta ka."
Nakipag high five si Jay sakin at kay Tyche.

"Kuya is not here."
Nagkibit balikat ako at natawa kami pareho.

"Takas ha, nasa loob sila Jah puntahan ko lang yung iba. Enjoy the night."

Iniwan na kami ni Jay at naglakad na kami papasok sa bahay, 9 pm na kaya medyo marami na ang tipsy ang iba ay may kababalaghan nang ginagawa sa sofa.

"Ang tagal niyo naman kanina pa kami dito."
Hagikgik ni Jah habang nakikiñag beso samin, lasing na.

"Sorry inantay ko pa kase matulog sila Yaya."

Naglakad kami papunta sa kusina at nandoon ng iba't ibang klase ng alak.

"Kuha na kayo tapos labas tayo."
Nagtatatalon na sabi ni Jah grabe ang aga pa para tamaan siya. Tinaas ko ang isang baso tinatanong kung gusto niya.

"Nako pass pahinga muna ko di ako makakatagal hanggang mamaya."

Hinila na namin siya ni Tyche palabas para hanapin pa yung tatlo. Luminga linga ako habang papunga kami sa pool side.

"Looking for someone?"
Tinaasan pa ko ni Tyche ng kilay. Inirapan ko naman siya. Yeah I was looking for Nick.

"Hi girlssss."
Nakita narin namin sa wakas si Shain kasama niya si Mau , nandito sila sa isang table kasama yung iba naming schoolmates.

"Nasaan si Marthy?"
Oo nga wala si Martha.

"As usual,akala mo hunter."
Sagot ni Mau sabay lagok ng tequila.

"E si Nick? Kanina pa mababali ang leeg ng katabi ko."
Siniko ko siya at inirapan naman niya ko. Nakakahiya may iba kaming kasama sa table.

"Hmm." Naglibot ang mata ni Jah na parang may hinahanap. "I saw him kanina with his other cousins e." Habang nakapasak ang lemon sa bibig niya ay may tinuro siya. "Oh over there, Nick!" kumaway pa ang gaga.

Jusko nakakahiya talaga ang mga babae na to pag tinamaan na. Nagpaalam ata si Nick sa mga kasama niya at kumaway sa amin, naglakad din papunta rito. Shet.

"Hi,pasensya na hindi ko kayo agad nakita ang kukulit kase ng mga pinsan ko e."
Namumungay na ang mga mata niya tanda na may tama narin. He's wearing a simple shirt and his jersey shorts, sa pagkakaalam ko may laro sila kanina e.

"It's okay kakarating lang din namin."
Sagot ko naman agad dahil baka may masabi pa ang madadaldal na'to.

"Upo ka muka dito kanina ka pa hinahanap ni Athena Raia."
Nagtawanan pa ang tatlong bruha kaya sinipa ko sa ilalim si Jah.

Naupo si Nick sa katabi kong upuan dahil umalis ang kaninang nakaupo doon. Buti nalang at malaki laki ang lamesa namin at busy rin sa kwentuhan ang ibang nakaupo rito.

"Talaga? Why?"
Inabutan siya nila Mau ng shot at nilagok niya agad ito pagkatapos niya akong tanungin.

"Ha? Nako hindi naman. Don't mind them, they're drunk already."
Pahamak. Napa shot nalang din tuloy ako.

Sa pagkakaalam ko wala ang nga barkada ni Kuya dito dahil puro schoolmates lang namin ang invited, so safe ako ngayon.

Habang lumalalim ang gabi unti unti ng nalalasing ang mga kasama ko, paunti unti lang ang shot ko dahil ayoko magka hang over bukas. May balak akong mag simba pagkatapos ng pagtakas ko ngayon.

Right Love At The Wrong Time (MI AMOR SERIES #1)Where stories live. Discover now