Chapter 20

123 5 0
                                    

Nagising ako nang parang lumulutang, nauuhaw na parang ewan. Busog kahit walang laman ang tyan. Hangover sucks.

Bumaba ako para uminom ng tubig, stay hydrated everyone. Nasa penthouse kami ng Hotel dahil mga hindi na kaya mag drive. Nasa lamesa na ang lahat ng makababa ako.

Maingay sila Kuya at tulala ang girls, si Tyche lang ang hyper malamang nandito si Kuya e. Hindi ko alam kung bakit inisa isa ko sila, may hinahanap ako na ewan.

"Sinong hinahanap mo? Hindi pwedeng matulog dito si Kulot magagalit ang Kuya mo."
Tuloy tuloy na sabi ni Tyche kahit puno ang bibig niya.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya, pahamak hindi si Nick ang hinahanap ko.

Inirapan ko sila at nilagyan ng Nutella ang pancake.
"Hindi naman siya ang hinahanap ko, nagtataka ko kung bakit kulang sila?" sabay nguso ko kila Kuya.

"Ah! Si Ares ba? Hindi naman siya dito natulog ang aga niya nga umalis e . Hmmm mga 2 am ata?"
Nagpatuloy na siya sa pagkain at naramdaman ko na tinignan ako ni Jah pero hindi ko nalang pinansin.

2 am? Nasa garden kami ni Nick that time ha, bat' di ko siya napansin. Speaking of Nick may lakad nga pala kami ngayon. Nagmadali ako kumain at tumayo na.

"Tapos ka na?"
Tanong ni Kuya, busy pa sa kwentuhan uung iba.

"Yup, may lakad ako ngayon nakalimutan ko."

"Akala ko pa naman makakapag shopping tayo ngayon."
Reklamo ni Tyche.

"Bawi ako bukas okay?"
Paakyat na ko ng kumanta ang mga bruha.

"Baby niya si Kulot inaalis niya kanyang lungkot~"
Nagtawanan naman sila at umakyat na 'ko habang napapailing. Mga siraulo.

Nagbukas muna 'ko ng phone habang naghahanap ng susuotin. May message si Nick at agad ko naman binuksan.

Nick:
Hey, goodmorning!

Nag message siya ng 6 am at 11 am na sis!

Me:
Goodmorning hehe sorry late na 'ko nagising.

Nag reply naman siya agad, kainis naman ang bilis mag reply.

Nick:
Haha mukhang pagod na pagod ka. Gusto mo iresched nalang natin para makapag pahinga ka?

Ha?! Ang tagal ko inantay tong official date namin tapos maaadjust?

Me:
Nako hindi okay lang. Nakatulog naman ako ng mahaba.

Ayos lang ba reply ko? Baka masyadong halata na gusto ko siya maka date? Wow e nag kiss na nga kami mag iinarte pa ba ko?

Nick:
Okay see you later :) I'll pick u up.

Hay nako 'wag mo nga 'ko ngitian.

Me:
Nasa Hotel kami, malapit lang naman to sa Mall kaya dun nalang tayo magkita mapapalayo ka pa e.

Nick:
Are you sure?

Me:
Yup!


Naligo na 'ko at nag ayos, hindi matanggal ang ngiti sa mukha ko at pumasok si Jah sa kwarto.

Dumeretso siya sa higaan at may hinahanap.

"May date ka?"
Pagkatapos niya mahanap ang phone niya sinundot niya ang tagiliran ko.

Nagtinginan kami at sabay na tumili.
"O.M.G! Finally hindi ko na siya matitignan lang sa malayo."

Right Love At The Wrong Time (MI AMOR SERIES #1)Where stories live. Discover now