Chapter 13

59 2 0
                                    

At dahil nag cine pa kami at traffic dito sa Manila muntik na kong abutin ng curfew ko. May curfew lang ako pag wala sila Kuya dito sa bahay.

Pagkabukas ko ng pinto sinalubong agad ako ni Yaya na natataranta.

"Ano ka bang bata ka, bakit ngayon ka lang? Hindi ko pa matawagan ang telepono mo malalagot ako neto sa Daddy at Kuya mo."

Hindi muna ko papasukin ni Yaya ang sakit na ng paa ko.

"Sorry dead bat na po phone ko, sila Tyche naman po ang kasama ko. Uhm papasukin nyo po muna ko Ya ang sakit na po ng paa ko hehe."

Naglakad kami ni Yaya papunta sa sala inilapag ko don ang mga pinamili ko. Si Yaya naman nagpunta sa kusina.

"Tumawag na po ba sila?"

Nilapagan ako ng tubig, stay hydrated everyone.

"Ang Daddy mo hindi pa, ang Kuya mo mamaya pa yon dahil hindi pa nakakalapag ang eroplano."

Yeah for sure 8 or 9 pm pa ang lapag non. Kaya ayoko rin sumama ayoko maupo sa eroplano ng halos kalahating araw para lang mainis sa pupuntahan namin.

"Umakyat kana muna at mag bihis ihahanda ko na ang dinner mo."

Umakyat nako dala ang mga binili ko. Ano kaya ang gagawin ko sa dalawang araw ko dito? Sa weekends lang ako may errands.

Nagpalit ako ng damit at inayos ang mga binili kong canvas at mga paint brush. May mga paint pa naman ako dito kaya hindi na muna ko bumili.

Nag message si Tyche sa Instagram na may kakilala daw siyang gagawa ng gown ko. Ang atat ha.

Saktong 6 pm kinatok nako ni Yaya at ready na daw ang dinner. Sakto rin tawag ni Daddy sa telephone dahil iniwan ko ang phone ko sa taas.

Naupo ako sa dining at inabot sakin ni Yaya ang telephone.

"Hello."

"Bakit hindi ka sumama sa Kuya mo? Your tita Sancha is expecting you here!"
Napairap nalang ako sa sigaw ni Daddy. Oh come on plastik yang babaeng yan.

"I'm busy."

"Busy on what? Buying stuff and spending all my money for nothing?!"
Bakit ba ako pinag iinitan neto? Simula ng mawala si Mommy nag focus na siya sa kabila. Hindi naman kami madalas mag away ni Daddy pag sinabayan ko siya sa pagiging iritable niya nagkaka world war.

Matanda na kase kaya mainitin ang ulo.

"Cut all my cards then. I'm going to use my money anyway."
My Mom left us all her money pati narin ang ibang properties, pero binenta namin ni Kuya dahil wala naman makikinabang non. Tinira lang namin ang ancestral house nila Grandpapi at Grandmami.

"Saan kaba nag mana sa katigasan ng ulo?"

"Come on Dad, stop blaming me sa mga maliliit na bagay. Wag mo kong pilitin na makisama sa mga babae na yan dahil kelan hindi yon mangyayare!" Huminga ko ng malalim. "Simula ng mawala si Mom sa kanila na lahat napupunta ang atensyon at pagmahahal na dapat binibigay mo sa legal mong mga anak." Mahinahon kong sabi.

"I- I'm sorry anak I-"

"I'm goin' to eat. May kakausapin pa kong gagawa ng gown ko. Baka kase nakalimutan mo na malapit na ang birthday ko."

Tinignan lang ako ni Yaya at inabot ko sa kanya ang wireless telephone. Kumain na ko at winala sa isip ang usapan namin ni Daddy, ako nalang ang gagawa ng para sa sarili ko.

Umakyat nako at nag message kay Tyche kung kelan kami nag seset ng meeting with her friend.

tymargharette: nakausap mo na si tito na tayo ang kukuha ng designer mo?

Right Love At The Wrong Time (MI AMOR SERIES #1)Where stories live. Discover now