Chapter 11

61 2 0
                                    

"Anak tumayo ka muna at uminom ng gamot."
Nilock ko ang pinto ha, gusto ko lang naman matulog bat may gamitan ng spare keys.

"Ya gusto ko pang matulog."
Nagtalukbong ako ng kumot.

"Uminom ka nga muna, aalis na kayo mamaya kaya kailangan bumaba na ang lagnat mo. Kanina parin tawag ng tawag ang daddy mo kung sasama ka ba."

Pero hindi nya nagawang tanungin kung kamusta nako.

"Alam po ba ni Daddy na may sakit ako?"

"Oo sinabi ng Kuya mo, kaya nga pinadalhan ka nya ng gamot para daw makasama ka."

Great! Pinainom ako ng gamot para makasama.

Ininom ko ang gamot ko at tinignan ang oras sa wall clock.
4 am.

"Hindi po ako sasama."

"Pero-"
Hindi na natuloy ni yaya ang sasabihin nya kase tinalikuran ko na sya. Sorry ya.

Narinig ko ang pagsarado ng pinto ko. Napahinga ako ng malalim at pinipigilan ang pag tulo ng luha ko. "Come on! Don't be such  a cry baby Raia!" Naiinis kong pinunasan ang pisngi ko.

Kanina pa tumatawag si Daddy sa cellphone ko pero hindi ko sinasagot. Natulog nalang ulit ako, hindi pa man din ako nananaginip may kumakatok na sa pinto ko. Gusto ko nga lang naman matulog ano ba!

Inis ko itong binuksan ang kuno't noo ng kapatid ko ang bumungad sakin.

"What do you want?"

"Kanina pa daw tumatawag si Daddy hindi ka sumasagot."

"Hindi ako aalis, kung gusto mo ikaw nalang wag nyo kong istorbohin sa pag papahinga ko."

"Grow up Tin! Nakakainis na yang pagiging immature mo."

"Whatever."

Sinaraduhan ko sya ng pinto at natulog nalang ulit. Tapos na nung Monday pa ang graduation ni Ashley.

Nagising ako dahil kumakatok si Yaya, hindi ba ko pwedeng matulog ng deretso? For peter pan's sake it's only 6 am in the morning.

Binuksan ko ang pinto at nakangiting si Yaya ang bumungad sakin
"Hindi pa sana kita gigisingin kaso may bisita ka sa baba e, paalis narin ang Kuya mo."

Napabuntong hininga ko, sino naman ang bibisita ng ganto kaaga?

"Sige po bababa nako."

Naghilamos at toothbrush lang ako, hinayaan ko nalang ang gulo gulo kong buhok na nakaladlad. Sino ba sya para pag pagandahan ko pa. Di naman siguro si Nick yon.

Bumaba nako sa sala at si Ares lang na naka suit ang naabutan ko. Tumayo sya kaya naglakad ako papunta sa kusina, nasaan ang bisita ko?

"Ya wala naman po ang bisita ko."

Naupo ako sa dining table dahil may nakahain na breakfast na.

"Nandoon sa sala ha, si Ares kanina ka pa inaantay, o eto pala hali ka kumain ka muna hijo bago ka pumasok sa trabaho."

Sumunod pala to dito sa kusina, ano naman ang kailangan nito.

"Salamat po pero malelate na po kase ko sa opisina, gusto ko lang po makausap si Ra- Athena."

"O siya sige iwan ko muna kayo, tutulungan ko si Calvin sa bagahe nya."

Iniwan kami ni Yaya at nagsimula nakong kumain. Nakatayo parin sya sa gilid ko kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Ano bang kailangan mo sakin? Ang aga aga mo mambulabog." Hindi naman ako ganon ka rude kaya tinuro ko ang upuan at naupo sya ron.

"I just want to say sorry okay? I mean it. May nga bagay nga na sakin mababaw pero sayo hindi kaya nakikipag ayos ako sayo ngayon. Kinukulit narin ako ng isip ko at hindi ako makakapag trabaho mamaya ng maayos."

Nginunguya ko ang pancake ko habang pinapakinggan ko siya.

"It doesn't matter. Ano naman pake mo kung galit ako sayo?As if it will affect to your everyday life."

"I don't know. Hindi ako mapakali."

"K. You may go."

"So bati na tayo?"
Sinimangutan ko siya.

"Ano ka bata?"

"Sino ngayon isip bata sating dalawa."
Bulong ko. Bigla naman sumulpot si Kuya.

"Oh Ares papasok kana?"

"Oo dumaan lang ako para makipag ayos sa kapatid mo. Aalis na daw kase kayo kesa paabutin ko pa hanggang sa pagbalik nyo."

Tumango tango si Kuya at naglagay ng asukal sa kape nya.

"Buti naman at gising kana ayusin mo na ang gamit mo malelate tayo sa flight."

"Yaya diba sabi ko po hindi ako aalis?"

Tanong ko sa dumaang si Yaya.

"Ha? E oo nga."

Hindi ko pinapansin si Kuya sa tuwing nag aaway kami kaya bihira nya ko awayin. Pero sa ginawa nya sakin kahapon hindi ko talaga sya papansinin.

Tumunog ang cellphone ni Ares kaya nagpaalam na sya na papasok na daw.

"Tin ano ba ikaw lang ang maiiwan dito, at ayoko magpunta mag isa don alam mo naman naiirita ko sa mag nanay na yon."

Ngayon maghahanap sya ng kakampi, asa sya. Tumayo na ko dahil tapos nakong kumain.

"Tapos na po ako."

"O sige ako na mag liligpit niyan."

Iniwan ko na sila don at umakyat sa taas, ano kaya gagawin ko sa ilang araw na wala sila dito?

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang mga chat nila Jah. May naisip nako na gagawin.

Nag iwan ako ng message sa kanila na mag shopping kami later dahil gusto ko mag paint. Bibili ako ng canvas at brushes. Yun lang ang bibilhin ko dahil for sure icucut ni Dad ang cards ko dahil hindi ako sumama. O kaya mag withraw na agad ako.

Tutal maaga pa naman nag ayos nalang ako ng mga gamit ko at nag search kung saan ako mag eenroll. Kukuha ako ng Political Science kahit na ang gusto ni Dad mag business ako.

Nandyan naman si Kuya wag na nila kong idamay.

Right Love At The Wrong Time (MI AMOR SERIES #1)Where stories live. Discover now