Chapter 10

61 2 0
                                    

Hapon ng umalis kami sa resort at nilagnat ako ng tuluyan dahil nabasa ako. Hindi binasa pala talaga ko.

*

Tanghalian na ng makabalik kami sa resort, nagkukwentuhan kami ni Shain habang pababa ng bangka. Naghaharutan naman ang boys sa likod namin, inaasar nila si Neil na takot sa isda.


Kami pa namin sila sinasaway sa tulakan nila dahil nadadamay kami, mga isip bata ang tatanda na. Nakisali pa si Kuya.


Turn ko na para bumaba aalalayan ako ni Grey dahil nauna sya samin. Ayaw nya madamay sa harutan ng mga kaibigan niya.


Nasa bandang tuhod namin ang dagat dahil dito huminto ang bangka sasayad na kase ito masyado sa pampang. At dahil sa kaharutan ng mga lalaking to, may bumangga sa akin at nalaglag ako sa bangka. Hindi ako nasalo ni Grey dahil narin sa gulat.

Bumagsak ako sa tubig, tumama pa ang tuhod ko sa maliliit na bato. Napatayo ako agad at tinulungan ako nila Jah.


Tinignan ko kung sino ang nakabangga saakin. "What. The. F" Nakaturo silang lahat kay Rhaj.

"What? Me? Tinulak ako ni Ares!"
Kaya naman tinignan ko ng masama si Ares, ang kumag nag taas ng dalawang kamay na parang sumusuko. Bwiset!

"You freak! Uubusin ko ang buhok mo!"
Susugod na dapat ako sa kanya dahil sa sobrang inis pero pinigilan ako nila Jah. Naiiyak ako sa sakit ng tuhod ko nababasa ng tubig dagat ang sugat ko.

Naiyak nako sa hapdi at inis kaya naartsa ako pabalik sa room namin at iniwan sila don. Narinig ko pa ang pag sisisihan nila ngunit hindi ko na sila pinansin.

Hindi nga ako nag snorkling dahil ayokong mabasa tapos ilalaglag nila ko sa bangka? Pagkabukas ng elevator nagtatakbuhang sumunod pala sakin ang mga bruha.

"Oh my, nagdurugo ang tuhod mo."
Natatarantang sabi ni Maurhine.

Sa matutulis na bato pa ko nalaglag ang galeng. Pinunasan ko ang luha ko at lumabas na ng elevator. Napaka iyakin ko naman.

Binuksan ni Tyche ang room kaya naupo ako sa couch at napahilamos ang palad ko sa mukha ko.

"Ang lalaki na yon humanda sya sakin!"

Hindi ako tumabi sa kanya sa van katabi nya si Grey, nakipag palit ako.
Naka hoodie at nakabalot pa ako ng kumot dahil nga tuluyan akong nilagnat.

Tahimik ang lahat dahil sa pagod, si Neil ang nagdadrive at papalitan daw siya ni Shawn mamaya.

Lumipat si Tyche sa harap namin na upuan katabi nya si Kuya para daw makapag pahinga ng ayos at hindi kami masikip sa likod. Palusot.

May unan na dala si Rick kaya hiniram ko at sinandal ko kay Grey, matutulog nalang ako.

"Drink this before you sleep."
Inabutan ako ni Kuya ng gamot at tubig.


"Hindi ako lalagnatin kung hindi kayo naghaharutan."
Inis kong sabi sa kanya.


"What? Hindi ka naman sadyang tinulak ha? Pinadaan muna kay Rhaj."
Rebat naman nya.


"Oo nga pala kung hindi tinulak ng isa dyan si Rhaj edi sana hindi ako nalaglag."
Ininom ko ang gamot at inayos ang kumot ko.


"Sorry na okay?"
Sorry? Na? Ano sya napipilitan?

"Sorry na?" Pinagdiinan ko talaga yung na. "Kung napipilitan ka lang mag sorry, no thanks." Inirapan ko sya at tinalikuran. Nakaharap ako ngayon sa bintana dito sa side ko.


"Nag sosorry na nga ako diba? Ang liit na bagay pinapalaki mo pa. Para kang bata. Oo nga pala bata ka pa."
Natatawa nyang sabi, kaya hinarap ko sya ng nakakunot ang noo.

"Wow naman! Sino kaya tong naghaharutan ilang beses ng sinasaway pero patuloy parin sa pagtutulakan!" Kumukulo ang dugo ko sa lalaking to. "Atleast akma pa ang ugali ko sa edad ko e ikaw? Ilang taon kana? 20? 21? Pero kung makipag tulakan ka para kang elementary!"

"Tumigil na nga kayo!"
Sumigaw si Kuya kaya lahat kami napatalon sa kinauupuan.

"Hindi mo manlang ako ipagtanggol kapatid mo na yung nagalusan at nagkasakit tapos sisigaw ka lang dyan?!"
Grabe to wala manlang pake.

"You're so stubborn, kung hindi ka nakipag basaan dun sa party hindi ka sisipunin! Wag mong isisi sa iba yung kasalanan mo Raia!"

Wow pinahiya nya ko sa mga tao dito sa loob ng van. Nakita ko ang paghampas ni Tyche kay Kuya. Kinuha ko ang unan na nasa tabi ni Grey at sumiksik ako sa may bintana malaki laki ang pwesto namin dahil tatatlo lang kami dito sa likod pero ayoko silang makatabi.

Tinaklob ko ang hoodie sa ulo ko at dahil malaki medyo sakin to, medyo natatabunan ang mukha ko. Pumapatak nanaman ang luha ko kaya pinunasan ko to agad. Nakakainis ang pagiging iyakin ko. May karapatan naman ako umiyak diba? Pinahiya ako ng sarili kong kapatid sa sarili kong mga kaibigan at kaibigan nya.

Bumibigat ang mata ko dahil sa sama ng pakiramdam ko at sama ng loob.
Mahaba habang byahe to.

Nagising ako dahil may umaalog sakin.

"Tin gising na."
Inaalog ako ni Manong, tsk.


Hinawi ko ang kamay nya at lumabas na sa van. Wala na ang girls siguro nahatid na. Ang boys naman nandito pa, dahil nandito ang mga sasakyan nila.


Papasok na sana ko sa bahay pero hinarangan ako ng lalaking to.

"Look Raia, I'm sor-"
Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil tinaas ko ang kamay ko sa harap ng mukha nya.


"Don't bother, also don't you dare call me again Raia. Were not even close."
Hindi ko sya tinignan at pumasok nako sa loob. Alam kong naghahakot pa sila ng mga gamit, iwan nila yung akin i don't care. Kukunin naman yan nila yaya bukas.

Dumeretso ako sa kwarto ko at nilock na ito, kinuha ko ang cellphone ko sa suot na hoodie at tinignan ang oras.
9:30 palang pero antok na antok nako, kahit na nakatulog ako sa byahe. Medyo maayos na ang pakiramdam ko pero sinisipon parin ako.

Gumapang na ako sa kama at matutulog na sana pero biglang tumunog ang cellphone ko. Si Daddy tumatawag.

"Hello."


"Mag ayos na kayo ng gamit nyo at bukas na ang flight nyo, inaantay kayo ng Tita Sancha nyo."
Great.


"Hindi mo manlang kami kinamusta kung nakauwi ba kami ng buo. Alright nakauwi naman kami ng ligtas Dad, and I'm not going. I'll hang up now."


Pinatay ko na ang tawag dahil ayoko makipag talo kay Daddy. Pagod na pagod nako sa mga babaeng yon.

Right Love At The Wrong Time (MI AMOR SERIES #1)Where stories live. Discover now