HINDI na napigilan ni Sebastian mainis sa dalaga. Ayaw niyang mag kunware na okay lang sa kaniya. Mapapalampas niya ang pagpili nito sa propesyon niya kaysa sa kaniya noong sila pa pero hindi niya na ito hahayaan kung pati sa anak nilang nasa sinapupunan nito ay gagawin. Hinding hindi siya makakapayag.
Pinaharurut niya ang sasakyan niya patungo sa sarili niyang condo. Hahayaan niya munang mapag isa ang dalaga para makapag isip ng maayos .
Nakashower at nag hahanda na siya sa pagtulog nang mag ring ang kaniyang cellphone. Its Dawniella. Bigla siyang kinabahan baka kung ano na naman ang nangyare dito... Mabilis niyang sinagot ito...
"Hello?"
"S-Sebastian" nasaktan siya sa tono ng boses nito. Halatang kanina pa ito umiiyak dahil namamalat na ang boses nito...
"Are you okay? Nagsuka ka ba ulit? Wait for me. I'm coming!"
Lihim niyang minura ang sarili niya... Hindi niya kayang manatiling galit sa dalaga.. He's worried. Damn. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyare sa dalaga.. Sana isinantabi niya nalang yung galit niya at sinamahan at nanatili ito sa tabi niya.
"Fvck!" mura nito sa sobrang inis dahil sa pag aalala..
Mabilis siyang nag door bell nang makarating siya sa tapat ng condo ng dalaga...
Maya maya ay bumukas ito at bumungad sa kaniya ang namamagang mata ng dalaga.
"Are you okay ? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong niya dito pero hindi ito umimik.
"Fvck Dawniella. Magsalita ka naman. "
Napakurap ang dalaga.
"Y-Yeah. I-I'm okay" mahinang tinig nito.
Mabilis naman niyang hinapit ito at mahigpit na niyakap. Sobrang nag alala siya dito. Hindi niya kayang may masamang mangyare dito.
"You should rest" maingat niyang pinangko ito at dinala sa kwarto. Maingat niya din na inilapag.
"You need something? " umiling lang ito.
"Sleep. Matulog kana. Bawal sayo ang magpuyat " tumango naman ito at akmang aalis na siya ng mabilis na hinawakan nito ang braso niya. Nagtatanong na bumaling naman siya dito .
"S-Stay" hindi makatingin ng diretso sa kaniyang sabi nito....
Lihim naman siyang napangiti at maingat na tumabi sa dalaga. Hinapit niya ito at pinaunan sa kaniyang braso.
"Sebastian?"
"Hmmm?"
"I want to keep this baby. " bigla siyang napaupo sa sinabi ng dalaga na iyon at masayang bumaling dito.
"Really?"
Ngumiti din ito at pinantayan ang saya na nararamdaman niya..
"Yeah. So don't be mad at me anymore" nanunubig ang mata nito at malapit ng bumagsak ang mga luha na namumyuo sa mga mata nito.
"Ofcourse not. I'm not mad baby. I'm just worried. What if you choose your career again over me and our baby."
Umiiling na umiiyak ito.
"Hush baby. Stop crying please "
"Sorry baby " umiiyak na sabi nito sa kaniya.
"Its all in the past now baby. Wag mo nang isipin yun." hindi parin ito tumigil umiyak.
"Stop crying baby. Please? Makakasama sa inyo yan ng baby natin. "
Pinunasan nito ang mga luha bago yumakap sa kaniya....
"Let's sleep baby. " hinaplos haplos niya ang buhok ng dalaga. Mahimbing na natutulog na ito...
He's damn happy now. Dawniella accepted their baby already. Maingat siyang lumabas at mabilis na tinawagan ang taong makakatulong sa binabalak niya.
PASAKAY sila ni Sebastian sa sasakyan nito nang isang araw ay bigla nalang siya nitong pinabihis at may pupuntahan daw sila...
"San tayo pupunta?"
"It's a surprise" sabay kindat nito sa dalaga...
"Sebastian. Sabihin mo na"
"Baby. Malapit na tayo. Just want"
"You always day na malapit na tayo but until now wala parin tayo dun" naiinis na wika niya sa lalaki. Natawa naman sa kaniya ito na siyang ikinairap niya. Mas lalo itong tumawa nang makita ang umirap niyang mata.
"You're so adorable baby"
"Inirapan na nga adorable pa daw. King bigwasan ko kaya to."
"Hey baby. I heard that!" mabilis na tugon nito...
Hindi nalang siya umimik at isinandal ang ulo sa bintana ng kotse at di niya namamalayan na nakatulog na pala siya. Yan ang malaking ipinagbago niya. Dati dati hindi siya madaling makatulog sa byahe pero kahit yung one hour na byahe lang ay makakatulog pa siya. Magugulat nalang siya umaga na at nakabihis na siya at nakayakap na sa kaniya ang binata. Hindi hindi siya pinapabayaan ni Sebastian.... She can feel the love of Sebastian to her. Gusto niya nang lagyan ng label ang relasyon nila but she want Sebastian to do the honor.. Maghihintay siya dito. She know he loves her so much. Buong buo ang tiwala niya dito....
Nagising siya sa mahinang pag yugyog sa kaniya ng binata.... Inilibot niya ang tingin. Nasa loob parin sila ng kotse pero kita niya ang labas.. Nasa isang isla sila. Isla kung saan nakatira ang magulang nito. Sinalubong sila nang mga ito...
"OMG! You're really here iha. I miss you so much!" nagbeso beso sila ng ina ng binata.. Noong sila pa ay sobrang close sila sa both side ng family and yan ang pinapasalamat niya ng sobra... A supportive parents.
"I miss you too tita"
"At mag seselos ako kapag ako dimo namiss" isang matandang lalaki ang palabas sa malaking pintuan ng mansyon ng mga de Leon.
"Tito! " patakbong niyakap niya din ito. Sobrang namiss niya ang pamilya ng binata...
"Yeah yeah. Imissyou too sweety!" natatawang wika ng ama ng binata. Close din sila nito dahil talagang tinuring siyang anak dahil nag iisang anak din si Sebastian at gusto nilang magkaanak ng babae pero di na sila biniyayaan pa ng isa pang anak. ..
Maya maya ay tumabi sa kaniya ang binata.."Huwag niyo nga iniipit si Dawniella. Maiipit din ang baby namin" nakasimangot na sabi ni Sebastian. Sabay na suminghap ang dalawa.
at nanlalaki ang mata na tumingin sa kaniya.
"You're pregnant? We should celebrate"
"Congrats son" mahinang tinapik ng ama ng binata ito...
At gaya nga ng sinabi ng ina ng binata. They celebrate it and she enjoyed. .
A/N: So guys. Hindi ko na kayo matiis na humihingi ng update kaya kahit masakit ang ulo ko nagsulat parin ako sa abot nang makakaya ko. Sana nagustuhan niyo. Leave a comment down below. Private message niyo din po ako. Nag rereply po agad 💜
Stay safe everyone!
BINABASA MO ANG
The CEO's First Love(COMPLETED)
RomanceSebastian de Leon & Dawniella Fuentes story The CEO's Series #2 November 20,2020-COMPLETED