Nasa hapag na sila ng oras na iyon at walang tigil sa katatanong ang mommy niya kay Sebastian. Hindi na nga nakakasubo ito dahil bawat segundo ay mag tanong ang mommy niya na magalang at masiglang sinasagot naman niya.
"So are you two back together?" nasamid siya sa sinabi ng nanay niya. Agad naman siyang inabutan ng tubig ni Sebastian...
Matapos niyang mahimasmasan ay nanlalaking matang tumingin siya sa mommy niya.
"Mom! Ano ba yang tinatanong niyo sa kaniya! Nagkataon lang na magkasama kami ngayon dahil private plane niya ang ginamit namin pauwe... And beside may girlfriend yung tao kaya wag kayo mag isip ng ganyan" hindi niya alam kung narinig ng tatlong kaharap niya ang bitterness sa boses niya sa huling pangungusap na binanggit niya...
"Hon. Stop asking Sebastian. Marami pang oras para diyan.. Hayaan mo munang kumain ang mga bata.." sabi ng Daddy niya.
Hindi na nga nagtanong pang muli ang mommy niya ng sunod sunod..
Matapos nilang kumain ay nagtungo na siya sa dati niyang kwarto dito sa mansion nila..
Paakyat na siya ng hagdan ng tawagin siya ng daddy niya..
"Yes dad? " nagtatanong ang mata na bumaling siya sa ama...
"Ihatid mo muna si Sebastian sa guest room na tinutulugan niya noon.. " palagi kasi ang binata sa kanila noong magnobyo at nobya palang sila. open sila parehas sa parents nilang dalawa..
Akala nga ng mga ito ay sila na hanggang sa huli. akala niya din naman pero. ...... Napabuntong hininga nalang siya dahil sa tinatakbo ng isip niya. 'Don't think too much' bilin niya sa sarili.
Nauna na siyang umakyat sa hagdan papunta sa 2nd floor kung saan andun ang kwarto niya at kwarto na tutuluyan ng lalaking nakasunod sa kaniya. Hinarap niya ito.
"Alam mo naman kung asan ka matutulog mauna na ko. " sabi ni Dawn sa kaniya bago nagmamadaling tinungo ang pintuan ng kwarto ngunit napatili siya ng hapitin siya nito at isinandal sa pader.
Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito. Pati narin ang mainit na hininga nito sa leeg niya. Nakasubsob kasi ang mukha nito sa leeg niya. Ayaw niya ang init na pinaparamdam sa kaniya ni Sebastian. He is in relationship at wala siyang balak makasira ng relasyon.."S-sebastian let me go please" tanging nabanggit niya dahil nanghihina siya sa ginagawa nito.
"No. You will sleep beside me tonight. Bayad mo na sa pagsama ko sayo dito" nag init naman ang ulo ni Dawniella at malakas na tinulak ito para napaharap sa kaniya.
"Hindi ko sinabing samahan mo ako.. I will gladly book a flight because I can afford it. Wag kang mag alala babayaran kita. Name your price" nanggigigil na wika nito sa binata...
Napabuntung hininga nalang ito.
"That is not what I meant baby. I just want you to sleep beside me. I miss your smell. " inamoy amoy nito ang buhok niya. pilit niyang wag magpaepekto dito... Hindi pwedeng maging marupok. Siya din ang magdudusa if she will cross the limit... Tanggap niya na. Na she and Sebastian will never be back again. Its been 8 years. She didn't know what Sebastian is aiming for but hindi siya magpapaapekto dito. Saka kung gusto nga siya balikan nito dapat bumalik siya agad pero hindi. Maraming taon na ang nakalipas.
Malakas niya itong itinulak at mukhang di inaasahan yun ng binata kaya agad siyang nakawala sa yakap nito... Mabilis siyang pumasok sa kwarto niya at ini-lock iyon.
Malakas ang kabog ng dibdib ni Dawniella sa presensya ng binata... Hindi naman niya initatanggi na may nararamdaman pa siya dito pero never niyang aaminin iyon para narin sa sarili niya. She know that Sebastian is just playing with her. At yun ang nagpapasakit sa kaniya....
A/N:Short update lang po hope you like it. Please kindly vote comment and follow me. Thank you so much 💜
BINABASA MO ANG
The CEO's First Love(COMPLETED)
RomanceSebastian de Leon & Dawniella Fuentes story The CEO's Series #2 November 20,2020-COMPLETED