Chapter 11

11.3K 277 7
                                    

MABILIS na bumangon at tumakbo si Dawniella ng magising siya. Parang bumaligtad ang sikmura niya at nagsuka.

"God!" bulalas ng sobrang paghihina niya. Naramdaman niya naman na may humagod sa likod niya.

"Hey baby? Are you okay?"

Bumaling siya kay Sebastian na may nag aalalang tingin.

"Sebastian" yumakap siya sa binata sa sobrang panghihina. Binuhat naman siya nito at maingat na inihiga sa kama.

"May gusto ka bang kainin? Inumin? Juice or something?" sunod sunod na tanong nito...

"I'm okay. I just need to rest."

"Okay baby. Mukhang sinagad mo ang katawan mo this past few days. You should rest. Andito lang ako" hinalikan siya nito sa noo bago siya nakatulog ulit....

Pinag mamasdan ni Sebastian ang dalaga ng tumunog ang kaniyang cellphone. Sinagot niya ito agad dahil takot siya at baka maistorbo ang tulog ng dalaga. Humalik muna siya noo bago siya tumayo at lumabas sa kwarto nito.

"Mom?" bungad niya sa nanay niya na siyang tumawag.

" Is it true?"

Tanong ng nanay niya. Siya naman ay clueless.

"What?"

"Na nagkabalikan na kayo ni Dawniella?" tili pa nito matapos nito binanggit ang mga sinabi.

Napangiti siya. Both side nila ni Dawniella ay sobrang kasundo nila. At mukhang hindi lang siya ang magiging masaya if ever na maging sila ulit ng dalaga. Yung totoong sila na.Hindi lang sa harap ng camera at mga taong taga hanga nito.

"Son,are you with her? Can I talk to her?"

"She's sleeping mom. Tomorrow we will visit you"

"Yey! Okay son. You should rest too. Love you!" napangiti naman siya.

"Yeah yeah. Love you too mom"

Matapos niyang ibaba ang tawag ay pumunta siya sa kusina ng dalaga at naghalungkat.

Nang wala siyang makitang pwedeng lutuin ay bumaba siya at bumili sa malapit na starbucks.

Iniisip niya kung paano niya mapipigilan ang dalaga sa pagrerenew nito ng kontrata sa kumpanya niya ng hindi nagagalit ito sa kaniya....

Matapos niyang maayos ang kakainin ng dalaga ay pumunta na siya sa kwarto nito at sakto namang gising na ulit ito. Nag alala naman siya baka nagsuka na naman ito.

"Hey! Are you okay? Nagsuka ka na naman ba ?"

"N-no. Nagugutom lang ako."

"Okay. Here is your breakfast baby"

Akmang iinom na ito ng kape ng biglang na naman itong tumakbo at nagsuka. He's damn worried now!

"Hey! " hinagod niya ang likod nito.
Bumuntong hininga siya.

"That's it baby. Pag papacheck up kana"

Tumango nalang din siya. Sana wala siyang malalang sakit. Bata pa siya. Marami pa siyang pangarap na hindi pa naaabot ..

MAGKAHAWAK kamay silang nagpunta sa hospital. Habang hinihintay nila ang doctor para malaman ang resulta ay bumaling siya kay Sebastian. Kinuhanan kasi siya ng dugo para iexamine.

"Baby,what if may malala akong sakit? Ayaw ko pang mamatay. Marami pa akong pangarap!" naiiyak niya na sabi dito...

"No baby wala kang sakit. Andito lang ako"

May hinala na ang binata. Matagal niya ng hinihintay itong mga sintomas na ito.... Sana nga lang ay tama ang hinala niya na buntis ito. Lihim siyang napangiti ng maisip ngang baka buntis ang dalaga. Kaso biglang nabago iyon ng maalala niyang magagalit sa kaniya ang dalaga . Pero hindi niya hahayaang ipalaglag nito ang anak nila dahil lang sa mas mahal nito ang propesyon.. Dumilim ang anyo niya sa naisip niyang iyon at napansin ng dalaga.

"Hey. anong iniisip mo? Bakit madilim ang anyo mo?"

"I'm okay. "

Tumango lang ito at sabay silang napatayo ng tawagin sila ng sekretarya ng doktor.....

Umupo sila sa harap ng doktora ng makalapit sila dito.

"What the result doc? May sakit ba ako? " tanong ni Dawniella sa doctor. Ngumiti lang ito.

"No Miss Fuestes. Wag kang mag alala, normal lang ang nararanasan mo. "

Napamaang siya. Paano naging normal ang pag susuka at madalas na pagkahilo.
..

"What do you mean doc?" naguguluhang tanong niya.

" Normal lang sa buntis na kagaya niyo Miss Fuestes ang pagkahilo at nagsusuka" napamaang siya sa sinabi ng Doctor.

"W-what? Doc. Nagkakamali kayo hindi po ako buntis. Baka over fatigue lang doc dahil sa pagod ko nitong mga nakaraang araw"

Bumaling naman siya kay Sebastian. Walang makitang emosyon ang mukha nito.

"Baby. We should go to another doctor. Baka mali lang siya" nanginginig na siya. Hindi siya pwedeng mabuntis. Hindi niya pa natutupad ang pangarap niya.

Tumayo na sila at inakay siya nito palabas matapos nagpasalamat sa doctor... Nang makalabas sila ay nagsalita ito.

"What? Ayaw mo sa anak natin? Ipapalaglag mo? " walang emosyong sabi nito ng makita ang mga luha niya sa mata.

"Sebastian. Marami pa akong pangarap "

Mas lalong dumilim ang anyo nito.

"Hindi ako makakapayag Dawniella. I will not let you kill my child" mabilis siya nito na iniwan. Napaupo siya sa upuan sa labas ng clinic ng doktor na nagsabi na buntis siya.

Napatakip siya sa mukha niya at humagulgul.

Hindi pa siya ready. Pero ng makita niya ang walang emosyon na mata ni Sebastian ay mas lalo siyang nabahala. Hindi niya na kayang mawala ulit ito sa kaniya. And if giving up her profession is to make Sebastian stay then she will sacrifice it.... Bumuntong hininga nalang siya at sinundan ang binata. Buti nalang hindi pa siya nito iniwanan at nasa labas lang ito ng kotse nito at hinihintay siya. Wala paring emosyon ito pero pinagbuksan siya ng pintuan. Hindi siya umimik hanggang sa maihatid siya nito sa condo niya pero hindi na siya nito sinamahan sa taas.  Nang makababa siya ay umalis na agad ito. Tinanaw niya lang ang papalayong sasakyan nito.
Napabuntong hininga nalang siya.

'Galit nga ito'



A/N: Stay safe mga bebe.

The CEO's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon