𝗣𝗟𝗔𝗡
*DING
DONG*
Pindot ko sa doorbell dito sa labas ng gate
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang lalaking tumulong sakin at ang panaginip ko, panaginip na napakasakit.....
"Pasok ka ma'am" tawag pansin sakin ng isang katulong na siyang nangpabalik sakin sa ulirat.
Napayuko naman ako dahil dun hindi ko alam na may tao na pala sa harapan ko. hays ang layo layo at ang lalim na ng mga iniisip ko. Winaksi ko nalang ito at tumangon pumasok sa loob
"SWEETIE HOW ARE YOU? ARE YOU OKAY? BALITA KO NAHIMATAY KA SA SCHOOL NYO . sorry sweetie hindi ka man lang tinulungan ng mga kapatid mo..."bungad sakin ni mommy na siyang ikinangiti ko pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi, hindi ko nalang iyon pinagtuonan nang pansin at yumakap sakaniya bigla.
Ramdam ko ang gulat sakanya dahil sa pag react ng kaniyang katawan sa yakap ko. Hindi ko din alam kung bakit ako napayakap sakanya ng bigla, siguro ay namimiss ko lang si Ina dahil lagi niya kong tinatanong kung ok lang ba ako o ayos lang ba ako.
FASTFORWARD
Nandito ako ngayon sa kwarto ko nakahiga at nakatulala lang sa kisame dahil andaming gumugulong katangungan sa isip ko..
Una yong napaginigip ko o sabihin nalang natin na isa iyong memorya na siyang gustong bumalik.. Pangalawa ung lalaking tumulong saakin at ang paghalik niya sa noo ko na siyang nagbigay saakin nang paru paru sa tiyan at hindi mapigilang ngumiti dahil doon.. Pangatlo ay bakit ko nagawang sampalin ang babaeng sumugod saakin sa cafeteria kanina.
Wala parin akong kaalam alam sa nangyari kung bakit ko nagawa iyon at parang kapag nasobrahan ako sa galit ay nakakaya kong makasakit sa iba. Para bang may comocontrol na ibang tao sa katawan ko at parang may demonyong gusto lumabas sa katawang ito kapag sinasaktan.
Nabalik ako sa ulirat nang maalala ang memoryang napaginipan ko kanina at kung sino rin ang mga kalalakihang sumaksak sa kapatid kong si Elysa.
Bakit naman nila iyong gagawin? Bakit nilagay nila sa gantong sitwasyon ang katawang ito? Ano ang kasalanan ni LiteLi sakanila?
Ang gusto kong gawin ay alamin kung sino ang mga iyon. At linisin ang pangalan ni LiteLi at ako para hindi ako magdudusa ng matagal o baka mapatay pa nila ako base sa nakikita ko sakanilang lahat. Psra nadin maramdaman ko ang pagmamahal ng mga kapatid ko.
Sa pag iisip ko nang sobra ay hindi ko alam na tumutulo na pala ang mga taksil kong luha. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak siguro ay nakakaramdam ako ng awa.
Pinahid ko nalang ito at pinikit ang mga mata dahil nadin sa pagod at sa sobrang daming nangyari.
BINABASA MO ANG
I was Reincarnated ON-GOING (EDITING)
De Todo𝑀𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑘𝑟𝑒𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑔𝑜, 𝑠𝑖𝑘𝑟𝑒𝑡𝑜𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑦𝑎𝑛𝑖𝑛, 𝑠𝑖𝑘𝑟𝑒𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑘𝑖𝑙𝑎𝑏𝑜𝑡, 𝑚𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑛𝑎ℎ𝑜𝑛 𝑝𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑖𝑘𝑎'𝑦 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑎𝑔𝑜. "𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐀𝐘...