𝗦𝗢𝗠𝗘𝗢𝗡𝗘
SOMEONE'S POV
Nnadito ako ngayon sa hospital binabantayan ang kapatid kong babae habang ito ay natutulog nang mahimbing pagkatapos ang nangyari sakaniya, awang awa ako/kami sakaniya sa sinapit niya, hindi dapat siya madamay sa mga gulo ng iba niyang pamilya.
Araw-araw namin itong minamanmanan at saksi din kami sa mga dinadanas nito paaralan man o bahay niya ay alam namin ang nangyayari. Wala kaming magawa kundi titigan nalang siya sa malayuan. Gustong gusto kong salohin lahat ng kaniyang dinadamdam na sakit pero wala, wala akong magawa at iniintay nalang ang tamang panahon para doon.
Gusto man namin siyang kuhanin sa mga kapatid niyang pinapahirapan siya ay hindi namin magawa. Dahil kung kukuhanin namin siya sa panig nila ay siguradong magkakaroon nang malaking gulo sa pagitan ng 'Vazquez' at 'Vervain'.
Wala rin siyang alam na anak lang siya sa labas.....
Minsan napapaisip na lang kami kung kukuhanin na ba namin siya o hindi
Dahil alam kong hirap na hirap na siya pero tinitiis nya lang....
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako haha
Tinignan ko ito ng biglang gumalaw ang daliri niya
*DUG*
*DUG*
*DUG*Ramdam ko ang pintig ng puso dahil sa kaba, hindi ako mapakali at tila natuod sa kinatatayuan at baka makita niya ako pero hindi pa ito ang tamang oras. Mabilis ko itong hinalikan sa noo at -
Ng unti unti niyang imulat ang kanyang mga mat-
( play the song na nakakaba HAHAHA )
LITELI KAI VAZQUEZ POV
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nilibot ang paningin
Nasan ako?
Iyon lang ang paulit ulit na katanungan sa isip ko.....
Ang huli ko lang naalala ay may bumaril sakin na lalaki bandang tagiliran....
Hindi ko ito mamukhaan pero para siyang pamilyar
Parang si kuya Denver pero hindi pwede yun
Pero parang siya
Kahugis nya ng katawan ni kuya Denver....
Pero nasan ako?
Sino nagdala sakin dito?
Para sakin hospital to dahil may mga aparatos na nakasabit sa pulsoha-
"ANAK OKAY KA LANG BA? MAY MASAKIT BA SAYO?!"natigil ako ng marinig ko ang tili ni mommy sa may bandang pinto kasama si Daddy.
Biglang nanubig ang mga mata ko at nagpaunahan itong malaglag, buong akala ko ay wala silang pake sakin, akala ko hindi na nila ako hahanapin, akala ko nakalimutan na nila ako..
"M-mommy.." mangiyak ngiyak at nanginginig kong sagot at niyakap ito pabalik
"Sorry anak ha....ngayon lang si mommy.....napakawalang kwent-
"Wag mo sabihin yan mommy....basta nandito ka....okay nako" nakangiti kong putol sa sasabihin nito
Kita ko naman itong napangiti at mas hinigpitan ang yaka nito saakin.
"Mommy nandyan din ba sila kuya?"nakangiti kong tanong habang yakap yakap pa rin sya
Tila naman natigilan ito sa tanong ko at tumingin kay Daddy.. at unti unting umiling
Ngumiti na lang ako ng mapait
Dahil alam ko naman....wala talaga silang pake sakin pero umaasa parin ako ng kunti na baka hinihintay din ako sa bahay.
Walang tigil ang pag iyak ni Mommy dito sa kwarto ko dito sa hospital matapos ko ikwento sakanila ang nangyari at ipinakita ang likod kong madaming galos kadahilanan sa paglalatigo saakin, sinulyapan ko si Daddy na hinahagod ang likod ni mommy napansin niya sigurong nakatingin ako sakaniya at tinignan ako nito na may halong galit at awa sa mga mata
"My daugther, im sorry if i didn't protect you from those bastards.." mariin at mahinahong sambit nito saakin bago ako hagkan sa pisngi.
Nanubig nanaman ang mga mata ko at iniisip na sana ganito din sila kuya saakin..
BINABASA MO ANG
I was Reincarnated ON-GOING (EDITING)
Random𝑀𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑘𝑟𝑒𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑔𝑜, 𝑠𝑖𝑘𝑟𝑒𝑡𝑜𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑦𝑎𝑛𝑖𝑛, 𝑠𝑖𝑘𝑟𝑒𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑘𝑖𝑙𝑎𝑏𝑜𝑡, 𝑚𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑛𝑎ℎ𝑜𝑛 𝑝𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑖𝑘𝑎'𝑦 𝑚𝑎𝑔𝑡𝑎𝑔𝑜. "𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐀𝐘...