Chapter Five

485 57 1
                                    

Zephyr Blade POV

Patakbo akong lumabas galing sa silid ng animal na yun. Grabe naman siya akala mo kung sino at kung makapanglait wagas! Inaamin ko naman na gwapo siya pero hindi naman yata tama na maliitin niya ako ng ganun-ganun lang! Lalo na't hindi naman siya ang nagpapakain sakin nu!

Dahil dun ay hindi ko na alam kung saan ako dinala ng pagtakbo ko basta ang alam ko lang ay nandito ako ngayon sa isang garden at nakaupo sa isang bench  habang pinagmamasdan ang mga makukulay na bulaklak na mas nagpaganda ng paligid.

Ang ganda dito sobra! Feeling ko nawala lahat ng problema  ko lalo na dun sa antipatukong ungas na yun tsk. Haaaayyy...dito nalang kaya ako tumira para mawala lahat ng stress ko. Masyadong nakakahagard!

"Nasan kaya ako?" Tanong ko sarili habang nililibot ang mata ko sa paligid. Kaya binunot ko ang mapa  na binigay ni HM sakin kanina at nagbakasakali na makikita ko kung saang parte ng akademyang ako naroroon.

Kaya sinumulan ko nang hanapin sa mapa kung saang lupaok ako naroroon dahil hindi biro ang laki nitong mapa na sa tanya ko ay kasinlaki ng one half illustration board.

Ito! Ito na siguro yun? Pero bakit ganun ang pangalan?

"Garden of death." Basa ka sa lokasyon na nasa mapa

Garden of Death? Well yan lang po ang may garden dito sa mapa kaya sa tingin ko yun na yun.

"Pero bakit garden of death ang tawag dito? Parang paraiso nga dito tapos ang pangit ng pangalan nanbinigay dito. Mga tao talaga ang lalakas ng sayad sa utak." Sabi ko sa sarili

"May dahilang kung bakit ganyan ang pangalan nito" sabi ng isang tinig na nagpabalikwas sakin sa gulat.

Luminga linga ako sa paligid para hanapin  kung saan nanggagaling ang boses na naririnig ko. Subalit wala akong nakita.

Baka mamaya naeengkanto nako dito. Lord basbasan niyo po ko.

"Nasan ka! Please naman oh! Magpakita ka na! Natatakot nako alam mo ba yun." Natatakot na sigaw ko dahil baka mamaya minumulto na pala ako dito! Hindi pa handa ang beauty ko na makakita ng white lady baka himatayin pa ako.

"Nasa likod mo ko." Sabi ng isang tinig sa likod ko kaya agad akong lumingon at tiningnan ito.

Pagharap ko dito ay bumungad sakin ang isang kulay puting leon na triple ang laki na siyang nagpagimbal sakin at ikinanginig ng tuhod ko. Meron itong dalawang malalaking ngipin na lagpas sa mukha nito na kung sasakmalin ka ay siguradong mamatay ka dahil sa sobrang tulis niya. Natatakpang din ang kalahating mukha nito ng maskarang kulay pula na may lining ng ginto at itim sa may katapusan. At isa pang napansin ko ay ang pagkakaiba ng itsura ng mata niya dahil yung isa'y natural na mata ng leon at yung isa nama'y katulad ng mata ng dragon na siyang ikinatatakot ko ngayon dahil kasalukuyan itong nakatingin sakin na siyang ikinakaba ko dahil sa takot na baka saktan ako ng nilalang na nasa harap ko nagyon huhuhu.

Kaya dahan dahan akong umatras na siyang inihakbang niya papalapit sakin. Kita ko rin nagkakaroon ng puting apoy ang lupang natatapakan niya ngunit agad din itong nawawala pag naihakbang niya ang kanyang paa na nababalutan ng puting crystal na kumikinang sa sinag ng araw.

"Wag kang mag alala at hindi kita sasaktan." Malumanay na sabi nito ngunit hindi ko manlang nakitang bumukas ang bibig niya nung magsalita ito na siyang ikinataka ko.

"A-anong k-klaseng nilalang ka! At bakit hindi bumubukas ang bibig mo pag nagsasalita! Scripted ba yan at nirecord mo lang?!" Pasigaw na tanong ko. Syempre di lang pusa ang nacucurios,bakla din nu!

"Ako si Zhyto isa sa mga nilalang na nagmula sa banal na kalupaan o mas kilalang Mystique Forest ng mga mages at patawad ngunit ganto lang talaga ang aking paraan ng pagsasalita at para sa kaalaman mo tanging ikaw lamang ang nakakarinig at nakakaintindi sakin na siyang katangian ng isang spirit master." Sabi niya na nagpagulo sakin.

Ellexiou's Academy (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon