Zephyr Blade POV
"Good morning class, alam kong aware kayo na ngayon isasagawa ang weapon summoning." Sabi ni Mr. Marasigan, kasalukuyan kaming nasa open field ngayon. Kasama si Trix na nasa kaliwa ko at si kumag naman sa kanan ko.
"I know na nagkaroon tayo ng problema kahapon sa activity na ginawa natin . Pero agad naman itong naayos, as you can see buong- buo si Mr Alcantara at Mr. Royal." Aniya niya at tinuro kaming dalawa ni Dwyne na kasalukuyang nasa tabi ko.
At take note po. Lagi po siyang nakasunod sakin simula nung magising ako...
At hindi ko maiwasang mahiya pag naaalala ko yun.
Flashback
Sobrang ganda ng panaginip ko, kasalukuyan ko daw kayakap ang destiny ko.
Sana ganto nalang palagi panaginip ko.
Kahit hindi na ko magising, okey lang.
Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko dito at mas siniksik ang sarili ko sa kanya.
Narinig ko naman itong umungol.
Teka? Ba't parang narinig ko talaga.
Pinisil-pisil ko pa ang balat nito. Parang totoo talaga eh.
"Nag-eenjoy ka yata sa ginagawa mo." Natatawang sabi ng isang tinig.
Putek! Hindi lang to panaginip.
Agad akong nagmulat ng mata at bumungad sakin ang nakangising mukha ni Dwyne. At dun ko lang napagtanto na wala itong damit pang itaas kung saan ako nakayakap ng mahigpit.
Nakakahiya.
Agad akong kumalas ng yakap dito at sinipa ito paalis ng kama.
"Bakit ka nasa kwarto ko!" Namumulang sigaw ko dito.
Bumangon ito mula sa pagkakahulog at umupo sa gilid ng kama.
"Baka ikaw ang wala sa kwarto mo." Nakangisi nito sabi.
BINABASA MO ANG
Ellexiou's Academy (BxB)
FantasiHindi lahat ng mababait sayo ay totoo. Minsan kailangan mo ring makiramdam dahil baka mamaya nasa likod mo na pala ang sasak-sak sayo. BL STORIES ENJOY READING!