Janna's Pov
"Guys we must do something, tatawagan ko ang mga police." nerbyosong suhestiyon ni Shaine at akmang tatawagan ang mga police sa cellphone niya pero bigo siya, dahil walang sumasagot.
"Maaaring maski sila ay naapektuhan ng lumalaganap na virus na to, kaya wala tayong aasahan kundi ang mga sarili natin." sabi ni Mica at tumayo sa taas ng desk na kumuha ng atensiyon sa mga tao.
"Listen guys, kailangan nating magtulungan para makapag survive. Sir operator, may magagamit ba tayo ditong kahit anong panglaban sa mga zombie sa labas?" tanong nito at itinuro sa amin ng operator ang mga gamit sa loob ng stock room.
At totoong maraming gamit nga dito kagaya ng baseball bat, crowbar, palakol at iba pa. Agad namang inutusan ni Mica ang mga kalalakihan na kumuha ng armas at manguna papunta sa tren na sasakyan namin.
Hanggang sa..
"Eerrrrr!" kaluskos mula sa kung saan at paglingon ko mula sa likuran.
Andaming zombies!
"RUN BITCH! RUNNNNN!" sigaw ng kung sino at nagkaniya kanyang takbo na ang lahat makaligtas lang, sumunod ako sa lalaking unang nakapitan ko at wala na akong pake kung sino man yun dahil takot din akong makagat ng mga zombie.
Agad kaming umakyat ng second floor kung saan kami dadaan patungo sa kabila kung saan nandoon din ang tren na sasakyan namin. At gaya ng inaasahan ko katulad ng mga nasa pelikula ay napakarami ding zombie ang nandoon at sinalubong nito kami, mabuti nalang at may karamihan kami kaya makakalaban kami.
Tadyak.
Suntok.
Watch me whip.
Talon.
Hampas.
Dapa.
Nae nae.
Ilag.
Takbo.
Halos yan lang ang paglalarawan ko habang nakikipagbuno kami sa mga zombie, mabilis kaming tumakbo papunta sa pintuan at maswerte hindi ako nagalusan. Nakakalungkot lang na may ilan padin na nakagat at inabot ng mga zombie at minalas na naging katulad nito, gaya nila Shaine at Ma'am Elsa.
Hindi ko padin maalis ang kamay ko sa pagkakakapit sa kung sino man ang lalaking sinusundan ko sa sobrang takot ko, nakasuot ito ng jacket na maong at nakasumbrero kaya hirap ako na maaninag siya. Kaya napagpasiyahan ko na silipin ang muka ng misteryosong lalaking ito.
"Okay ka lang ba?" sabi nito at ngumiti sa akin.
I..ikaw?
--
Blake's Pov
"Okay ka lang ba?" sabi ko at ngumiti ako sa kanya dahilan para itulak niya ako.
Hindi ko din inaakala na hindi niya ako makikilala porket nagsuot ako ng makapal na jacket mula sa stock room ng station na to, pero ayos lang. nikikilig aku ihh.
Kasalukuyan kaming pababa sa hagdanan papunta sa kabilang parte ng station nito ng may nakita kaming isang lalaking nakatayo sa isang open area.
"Teka, pulis ba yun? Tara humingi tayo ng tulong!" sabi ng isang lalaking kasama namin at masiglang tumakbo papalapit sa pulis na yun. Tinitigan ko ito ng mabuti at parang may kung ano akong napansin mula dito.
"Ako lang ba, o talagang may mali sa pulis na yun?" sabi ni Roberto at nakita naming unti unti itong kumikilos, dahan dahan papabilis at tinalon ang lumapit ditong lalaki at kinagat.
"Tumakbo na tayo papunta sa tren!" sigaw ng operator at tumakbo na kami sa itinuturo nitong lugar.
--
"Paaandarin ko na to!" sigaw niya at nagsimula na ngang gumalaw ang sinasakyan namin. Nandito kami sa pangatlong pwesto ng tren kung saan tanaw namin na madami pang mga nahuli sa pagdating at kapwa din silang hinahabol ng mga zombie. hindi sila aabot?!
"Akina ang kamay mo!" sigaw ko habang pinipilit abutin ang kamay ng isa sa mga taong tumatakbo.
"Lumayas ka diyan, makakapasok ang mga zombie!" sigaw ng boses mula sa likod ko at dali daling isinarado ang pintuan ng tren kung saan kami naroroon, maswerteng mabilis ang pagkilos ko binawi ang kamay ko para hindi maipit. Agad akong lumingon upang malaman kung sino yun at nagulat ako sa nalaman ko.
Si John.
--
"Hayop ka!" sigaw ko at isang malakas na suntok sa panga nito ang pinakawalan ko dahilan para matumba ito at mapaatras.
"Wala kang puso! Yan ba ang dahilan kaya maski si Shaine hinayaan mo lang na patayin nila, wala kang kwenta!" sigaw ko habang pinipigilan ako ng mga tao habang hawak hawak ako sa aking braso. Kitang kita ko na takot na takot ito at tila ba ibang iba na si John na dating binubully ako, ngayon tila para itong isang duwag na asong bahag ang buntot.
"T..teka, hindi k..ko ginusto ang nangyare kay S..Shaine. Kasalanan niya yun dahil mabagal siyang tumakbo at hindi niya naiwasan ang mga zombie na sumugod sa kanya." pagpapalusot nito na lalong nagpadagdag sa galit ko.
"T..tsaka hindi natin alam kung infected na yung gusto mong papasukin kanina, iniligtas lang kita. I..iniligtas ko lang kayo! Yun lang ang magagawa ko." dagdag pa nito na nagpatayo sa mga balahibo ko.
Kasabay ng isang malakas na sampal ang inabot nito sa isang babaeng kasama namin ngayon.
Mula kay Janna, habang dahan dahang tumutulo ang luha nito.
Ngunit tila ginalit nito si John at ambang gaganti dito. Nang bigla itong pigilan pa ng isang lalaki.
Si Mico.
"Babae lang ba ang kayang mong patulan? Bakit hindi ka kaya humanap ng kasing laki mo para magkaalaman, papalag ka?" sabi nito at hinawakan sa kwelyo si John na natameme sa nangyare.
--
Ilang minuto ang nakalipas ng makatanggap ako ng isang text message at ito ay galing kay Rereign029
"kamusta ang lagay niyo? Nasaan kayo?" tanong nito na agad kong nireplyan.
"Okay lang kami, nandito kami ngayon sa pangatlong bahagi ng tren, ikaw? Kayo, nakasakay ba kayo?" reply ko.
"oo, nandito kami ngayon sa ika-anim na parte kung saan magkabilang kwarto pala ay may zombie, kailangan namin ng tulong." reply nito na nagpakabog ng dibdib ko.
May mga survivors sa kabila.
--
"Hayaan mo na sila!"
"Ang cute ng author, series 3 na po!"
"Magpapakamatay ka lang!"
"May infected na dun!" sigaw ng mga tao sa paligid ko habang nagiisip ng mga paraan para iligtas ang mga tao sa kabila.
Napatigil ako sa pagiisip at napatalon sa gulat ng naramdaman kong may humawak sa balikat ko, paglingon ko at nandoon sila Mico, Roberto, Joshua Ethan at Angelo.
"Sabihin mo lang kung papaano kami makakatulong at susundin ka namin. Sama sama tayo dito sa reunion, kaya sama sama dapat tayong makakarating ng buhay." sabi sa akin ni Mico at nginitian ako.
BINABASA MO ANG
Train to Sta. Cruzan ( Zombie Series 1 )
HorrorZombies don't die, THEY MULTIPLY. Isang road trip ang napagpasyahan ng eskwelahan kung saan naroroon din ang isang estudyanteng nagngangalang, Blake Faulkerson. Madami silang pagdadaanan patungo sa kanilang paroroonan, sa lugar kung saan walang kasi...