At tila ba gumuho ang mundo namin ng mabasa yun, labis kong ikinabigla ang mabilis na pamamaalam ni daddy dahilan para ikalungkot ko ito ng sobra. Pinilit kong umiyak ngunit walang luha ang ni isang tumulo mula sa mga mata ko. Halos 8 araw din kaming nagburol para sa kaniya dahil inantay pa din namin ang ilan sa mga kamag anak namin sa ibang bansang dumating at tila lahat sila na gusto akong kausapin ay naging bigo dahil wala man lang ni isang salita ang lumabas mula sa bibig ko, maghapon lang tulala, walang ganang kumain at palaging nakasimangot, lahat yan pinagdaanan ko hanggang sa matapos ang libing niya.
Alam ko na dapat ko ng tanggapin na wala na siya pero napakahirap lalo na kapag minahal mo ng sobra yung tao na yun. At dahil dun sa pagluluksa ko may naalala akong isang tao na tila kinalimutan ko na din higit sa pagkamatay ng daddy ko.
Si J..Janna.
Agad akong gumayak at nagbihis para sa pagpunta sa kanila, bumiyahe ako ng napakatulin para makarating agad sa kanila hanggang sa.
BOOM!!!
Nagkaroon ng banggaan at isa ako sa naapektuhan, banggaan ng Truck at ng motor ko. Agad na lumabas ang driver para tingnan ang lagay ko, minura at pinagsabihan ng kung ano ano pero hindi ko ito pinakinggan, kumuha ako ng pera sa pitaka ko at isinulpak sa bunganga nito para matahimik na siya at agad na iniayos ang motor at parang walang nangyaring bumarurot ulit ako ng paandar hanggang sa makarating sa bahay nila.
--
"Tao po! Tao po! Tita Marie? Janna?" sigaw ko mula sa gate habang kumakatok. Maya maya pa ay nakita ko na lumabas si Tita Marie, ang mommy ni Janna at halata sa muka nito ang galit at pagkadismaya.
"Tita, si Janna po? Pwede po ba siyang makausap?" tanong ko at yumuko siya at umiling.
"Blake, sobra mong nasaktan ang anak ko sa nagawa mo. Ilang araw na siyang umiiyak dahil iniisip niya na niloko mo siya." mahinahon nitong pagpapaliwanag at tumingin ng diretso sa mga mata ko.
"Andyan po ba siya? Kakausapin ko po siya, aayusin ko po ito. Pangako, please tita payagan niyo lang po ako na makausap siya." sabi ko na hindi mapakali pero pinapakalma nito ako at pinipigilan na pumasok sa loob.
"Wala na siya, Blake. Lumipad na siya ng ibang bansa kasama ang daddy niya at nagpasiyang doon na tapusin ang pagaaral nito para makalayo sayo at makalimot sa sakit na ginawa mo." sabi niya na nagpakabog ng dibdib ko.
"Hindi yan maaari, hindi yan totoo tita. Papasukin niyo ako pakiusap, kakausapin ko siya." sabi ko at tinitigan lang ako nito bago nagsalita.
"Simula sa araw na ito pinuputol ko na ang kung ano man ang relasyon niyo at kung ano man ang koneksyon natin, Blake. Ayokong mapunta ang anak ko sa taong alam kong sasaktan lang sya, sana maintindihan mo. Iniingatan lang namin siya dahil siya lang ang anak naming at babae pa." sabi nito na lalong dumurog sa pagkatao ko. Nang bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob.
Nang makita ko itong sumilip mula sa bintana ng kwarto niya.
Si Janna.
"Ayun siya oh, Janna! Magusap naman tayo." sabi ko na buong galak at nagmadaling pumasok sa loob ng bakuran nila na dahilan para magtago ito.
"Ahh, okay po. Naiintindihan ko na, pasensya na po sa abala." sabi ko ng mapagtanto ko ang lahat. Kasabay nun ang matamlay kong paglalakad palabas ng gate at patungo sa motor ko. Nag isang sulyap pa ulit ako sa bintana ng kwarto nito at matagumpay ko siyang nakita pero hindi ko na binalak na pumasok dahil tuluyan na ding isinarado ng mommy ni Janna ang gate ng bahay nila. At ipinaandar ko na ang motor ko at nagmukmok sa bahay.
--
END OF FLASHBACK>>
"Mahal padin kita." sabi nito sakin habang namumugto ang mga mata sa kakaiyak.
"Mahal padin kita pero, paano siya." nagaalangang sabi ko at nilingon si Mico, dahilan para ikatawa nilang dalawa.
"Magpinsan kami, akala ko naman makukuha mo na noong una palang kaming nagkasama. Tsaka, eto si pogi talaga ang bet ko." sabi ni Mico at kumapit ng mahigpit sa braso ni Roberto.
"Hoy bakla ka! Don't touch my Dhie, akin lang yan!" sigaw naman ni Rosie at nagmamadaling tumayo para paglayuin sila Mico at Roberto.
"So ibig sabihin tayo na ulit Mhie?" tanong ni Roberto na tinanguan naman ni Rosie at naghalikan sila bago nagyakapan.
"Eh siya, paano siya? Diba crush mo siya?" sabi naman ni Janna at itinuro si Reign na nasa likuran ko.
"Ahh hehehe wala pong kami, we're just flirting habang parehong walang jowa, friends at hanggang dun lang yun tsaka best buddy ko yan sa laro. Ingatan mo yan." sabi nito at itinap ako sa likod.
Nagkatitigan kami at nagngitian sa isat isa na parang mga timang at dahan dahang naglapit ang mga muka namin.
Dahan dahan.
Eto na.
Malapit na.
Tapos?!
Wtf!!
Biglang pumreno ang operator dahilan para mabigla kami at bumagsak, ako sa ibabaw niya at nakatukod ang mga kamay ko sa itaas ng balikat niya.
Naiisipan kong ituloy ang halik na naudlot at alam kong gusto niya din yun.
Kaya gaya kanina dahan dahan ulit nagdikit ang mga muka namin.
Dahan dahan.
Pumikit ako para mas feel ko.
Eto na.
Malapit na talaga.
"Ang tagal niyo!" sigaw ni Reign at itinulak ako pababa sakto sa labi nito at tinitigan namin ang isat isa. Kasabay ng hiyawan at tilian ng mga tao sa loob na nakakakita.
"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ni Roberto na ikinatawa ng lahat.
"Mabuhay!!!" sigaw nila pare pareho hanggang sa..
Binuksan ng operator ng pintuan sa gilid ng train at masiglang binati kami.
"Bumaba na kayo Reunioners, andito na tayo sa ating destinasyon. Welcome sa Sta. A..Aray!" sabi nito ng biglang talunin ng zombie mula sa kung saan, agad naman kaming bumaba at sinugod ang zombie na umatake sa kaniya at napatay namin to.
"P..pumunta kayo sa P..principal's O..office, may radyo dun kung saan m..makokontak niyo ang Air Strikers na tutulong sa inyong marescue at madala sa ligtas na lugar." nahihirapang sabi nito at hirap na inaabot sa amin ang susi ng bigla namang..
"Akin na to mga tukmol!" tinalon ni John ang susi mula sa kung saan at pumasok sa campus, at walang ano anong pinindot ang bell nito dahilan para maalarma ang mga zombie sa paligid.
"P..patayin niyo na a..ako bago pa ako maging katulad nila!" sabi nito na tila ba walang nakakarinig.
no, hindi ko kaya. hindi namin kaya.
"Akin na ito!" sabi nito at agad na gumapang sakin at kinuha ang baril kong nakasukbit sa bulsa at itinutok nito sa sentido nito, nagulat kami sa bilis ng pangyayari.
Ngumiti ito samin at sumaludo bago tuluyang ipinutok ang baril at kumalat sa lupa ang dugo nito. Agad akong sumaludo at tumakbo na kami sa loob ng campus.
paalam, Mr. operator

BINABASA MO ANG
Train to Sta. Cruzan ( Zombie Series 1 )
TerrorZombies don't die, THEY MULTIPLY. Isang road trip ang napagpasyahan ng eskwelahan kung saan naroroon din ang isang estudyanteng nagngangalang, Blake Faulkerson. Madami silang pagdadaanan patungo sa kanilang paroroonan, sa lugar kung saan walang kasi...