Chapter 11 - Last Kiss

26 9 0
                                    

dedicated to Miss. Jane

Blake's Pov

Time check 9:24 am

Kasalukuyan namin inaacess ang telepono sa Principal's Office sa kabila ng pagpigil sa napakaraming zombie na nagpupumilit makapasok sa loob.

"T..tulong po, may nakakarinig po ba sa akin? Andito po kami ngayon sa W..WAMAC Academy, yung campus po. K..kailangan po namin ng R..rescue, kung may nakakarinig man po sa amin pakiusap kailangan po namin ang tulong niyo." pautal utal na sabi ni Janna habang kinakabahan na nagbabakasakaling may makakarinig sa boses nito.

--

"This is General Cortez, anong lagay niyo diyan miss?" pagpapakilala ng boses mula sa kabilang linya.

"A..ako po si J..Janna, Janna Faulkerson. Natrap po kami dito sa WAMAC Academy, at napapalibutan po kami ng zombie ngayon, 7 pa po kaming survivors at kasalukuyang nasa P..principal's Office nitong campus. Kailangan po namin ng rescue." pautal padin nitong sabi at tinitingnan kami habang nagaantay ng response ng kausap nito.

"Okay Miss Janna, nakuha na namin ang location niyo. Mangyaring magantay kayo at 11:00 am at darating na ang helicopter na magliligtas sa inyo." sabi nito na nagbigay sa amin ng lakas ng loob.

"Nakita namin mula sa satelite na may malapit sa inyong maaaring paglapagan ng helipcopter, doon nalang kayo imemeet ng sasakyan niyo. Magiingat kayo." sabi nito bago ibinaba ang tawag na nagpakaba sa amin sa lagay ng sitwasyon namin ngayon.

"Pano tayo makakaalis, napakadaming zombie mula sa labas palang nitong pintuan?" sabi ni Mico habang binabantayan ang pintuan.

Katapusan na namin.

--

Agad akong napasalampak sa sahig at nagisip pa ng paraan. Nilapitan ko si Janna, hinawakan sa muka nito gamit ang dalawa kong kamay at tinitigan sa mga mata.

"No byy, diba sabi mo wala ng mamamatay? Huwag mo namang gawin to, kung kelang nabuo na ulit tayo." sabi nito at nagsimula ng umiyak.

"Pero byy kailangan ko itong gawin, kailangan mong iligtas ang sarili mo. Madami ka pang ibang mahahanap diyan na mas better sa akin, yung hindi ka sasaktan at hindi ka na iiwan. Patawad." sabi ko habang patuloy ang pagpatak ng mga luha niya, pinunasan ko ito gamit ang hinlalaki ko at hinalikan ko ito sa noo.

"Magpapahabol ako sa kanila, pagkatapos ay tumakbo kayo ng matulin papuntang rooftop nitong campus, ilock nyo ang pinto para walang zombie na makapasok dun at magantay kayo ng rescue." sabi ko at tiningnan ko at reaksiyon nila.

"Pwes sasama na din ako, hindi pwedeng ang pinsan ko lang maghirap magisa noh. Magpapakalalaki na ako." sabi naman ni Mico at nginitian nito ako.

"Sigurado ka ba, mamamatay ka lang." sabi ko kay Mico pero ngumiti lang ito sa akin. Mukang wala na talagang atrasan to kaya agad na akong lumabas at nagingay para sundan ako ng mga zombie sa labas, agad namang lumabas din si Mico at pumunta sa kabilang direksyon at magpahabol sa natitirang mga zombie.

--

Agad akong nakarating sa kabilang building kung saan naroon ang ICT Room kung nasaan ang mga Cctv at iniwasan ang mga zombie na sasalubong sa akin.

Hanggang sa..

Dead End.

Wala na akong ibang pupuntahan dahil nasa dulo na ako ng second floor at hinahabol padin ng mga zombie. Agad akong kumabila sa gilid nito at nagaantay sa mga papalapit na mga zombie sa akin. Binabalak kong tumalon.

Pero mukang wala na din akong pagpipilian kundi ito.

3..

2..

1..

--

Janna's Pov

"Safe na guys, kailangan na nating magmadali papunta sa rooftop. Bilisan na natin." sabi ni Ethan at tumakbo na kami ng mabilis kung saan kami magaantay ng rescue para sa amin, naging mabilis ang pangyayari at kada may sasalubong sa aming mga zombie at hinahampas ito nila Angelo at Ethan, pero hindi ako dapat tumayo lang.

Naalala ko yung malaking bag na nakuha ni Blake sa loob ng tren at agad ko itong binuksan.

May dalawang baril dito.

Tiningnan ko si Reign at sinabi ito sa kanya at agad niya kinuha yung isa at sinaksakan ng magazine. Iniabot nito sa akin ang baril na hawak nito at tinuruan niya ako sa paggamit.

"Aim, Shoot and Fire. Ganon lang kasimple, natutunan ko to nung naglalaro pa kami ni Blake ng Ros kaya nainspire ako sa paghawak ng baril." sabi nito at itinutok ang hawak nitong baril sa zombie na hinaharap nila Ethan at Angelo at maswerteng tinamaan ito sa ulo, bagay na ikinagulat ng dalawang kalalakihan.

"Marunong ka na sa paggamit, tig isa na tayo." sabi niya at kinuha niya pa yung isa at kinasahan ng magazine.

Bang.

Bang.

At halos walang hanggang putok ng baril ang maririnig mo sa buong 3rd flood.

"Let's go! Malapit na tayo sa Rooftop!" sigaw ni Angelo kasabay ng pagbukas ng pintuan malapit sa hagdanan patungong rooftop, naglalaman ang kwartong iyon ng madaming zombie at agad na pinuntirya si Angelo dahilan para ikamatay nito.

"Todo na natin!" sabi ni Reign at inubos namin ang lahat ng lalapit sa amin zombie hanggang sa.

"Tara na sa taas!" sigaw ni Ethan pagkaakyat ng hagdaan at dumiretso na kami.

Pagdating dun ay tumingin kami sa baba upang makita ang lagay ng buong campus at nakita namin na napakadami paring zombie ang nagkalat. Tumingin kami sa langit kasabay ng ingay ng isang helicopter at hindi nga kami nagkakamali. maililigtas na kami.

--

"Reign mukang hindi pa tayo tapos sa problema natin." sabi ni Ethan at agad na tumakbo upang harangan ang pintuan upang hindi makapasok ang mga zombie sa kinaroroonan namin.

"Save the survivors!" sigaw ng isang sundalong lumapit sa amin at agad kaming pinasakay sa helicopter. At agad nilang pinaandar ito.

"Pero paano si Ethan? Hindi natin siya pwedeng iwan doon, survivors din siya!" sigaw ko at tumingin kami kay Ethan na hirap na hirap na. Tumingin ito sa amin at sinasabing umalis na kami.

"Sorry Miss Janna, pero malabo na natin silang mailigtas. Hindi ko itataya ang buhay ng ng team ko para iligtas ang mamamatay na." sabi nito na nagpatayo ng balahibo ko.

"Pero kabilang din siya sa team namin! Kailangan din natin siyang isama." pagmamakaawa ni Reign pero tila maski si Ethan ay ayaw nadin magpaligtas ng makita ang luha sa mga mata ni Reign.

Kaya nakangiti itong nagpaalam samin kasabay ng pagbukas ng pintuan at dinumog ito ng mga zombie na umakyat din sa rooftop.

--

Time check 11:11 am

Nailigtas kami ng rescue at dinala kami sa isang lugar kung saan madaming taong naligtas din mula sa mga zombie. At dito, magsisimula ang aming panibagong mundo sa kabila ng pandemyang ito.

"Ligtas na tayo, ang laki ng pasasalamat ko at hindi tayo namatay sa kabila ng mga zombie na hinarap natin." sabi ko at ngumiti kay Reign habang nakatingin sa sugat nito sa binti.

"Oo nga eh, buti ako nakagat lang." sabi nito na nagpakabog ng dibdib ko.

Oh no!

--

Someone's Pov

"Marian, may gumagalaw pa dito! Babarilin ko na ba?" sabi ng kasama ko, agad ko itong sinenyasan na tumigil at lumapit ako upang tiningnan ng sinasabi nito.

"Buhay pa siya! Walang gagalaw sa kaniya, akin lang siya. Anong pangalan mo, Pogi." tanong ko sa lalaking tila pamilyar sa akin.

"B..Blake, Blake Faulkerson." sagot nito na nagpagulat sa akin bago ito tuluyang mawalan ng malay.

Blake Faulkerson?! Sino ka?

Train to Sta. Cruzan ( Zombie Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon