Chapter 4 - Virus

23 11 0
                                    

Blake's Pov

"Psssttttt!!!" sitsit sakin ng katabi ko habang niyuyugyog ako. Agad kong inalis ang sumbrerong nakatakip sa muka ko at tiningnan kung sinong pashneya ang gumigising sakin, nakita ko si Roberto ito at tila hindi mapakali.

"Anong problema mo?! Natutulog ako eh." pagalit ko na sabi sa kaniya na ikinamot sa batok nito.

"Naiihi kasi ako, samahan mo naman ako kahit sa pintuan lang. Ayokong magsabog dito, please." pagmamakaawa nito, at dahil nga sa mabait naman ako ay sinamahan ko na ito papunta sa Cr hanggang sa.

"WAAAHHHHH!!!" tili ng boses ng isang babae mula sa dulo nitong tren, agad namin itong pinuntahan at halos masuka ako sa nakita namin.

Walang habas na kagat kagat ng isang lalaki ang naghihingalong stewardess sa leeg at naliligo sa sarili nitong dugo.

Tumingin sa amin ang lalaking ito, nanlilisik ang mga mata at kapwang may kagat din. Walang ano ano ay sumugod ito palapit sa akin ngunit agad ko itong naitulak palayo.

"Blake, isara mo ang pinto!" sigaw samin ni Sir Gaite at dali dali kong isinarado ang pinto at inilock ito.

--

"Sabi mo iihi ka diba?" tanong ko kay Roberto na bakas padin ang takot sa nakita niya.

"Ahmp, t..tapos na." pautal nitong sabi at nakitang basa ang kinatatayuan nito. naihi sa salawal sa sobrang takot.

--

"T..tama ba yung nakita ko? N..na may zombie sa loob ng tren! Hakd--" sabi nito at agad kong tinakpan ang bibig nito.

"Pwede bang wag kang maingay, nakakalimutan mo na bang nakasakay tayo sa tren at madaming tao. Maaari silang magpanic at hindi natin alam ang mangyayare kapag sinabi natin sa kanila." pagpapaliwananag ko na sinangayunan naman nito. Kitang kita ko sa emosiyon nilang lahat ang takot na mamatay kami ng hindi nakakaabot sa reunion trip na napagusapan.

"Blake, mainam na isara na muna yan hanggang sa makarating tayo sa campus at makahingi ng tulong." sabi naman ni Sir Gaite habang nagiisip pa ng ibang paraan.

Time check 8:25 pm

Mukang safe naman na at naisecure ang likurang bahagi ng tren. Magpapahinga na muna ulit ako.

*beep beep

(Text message yun, hindi busina!)

Nagtext si Rereign029, nakalaro ko siya dati sa isang online games which is yung Rules of Survival pero never ko pa siyang nakikita sa personal.

"Hi Blake, kamusta. Nakita kitang umalis mula sa kinauupuan niyo, saan kayo nagpunta" tanong nito na ikinagulat ko. Agad akong nagreply.

"Ah nagCr lang ako, kasama ka pala sa trip?" reply ko.

"Yeah, actually. Gusto ko na din kasi na makilala ka." sagot nito na ikinangiti ko.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon dito sa gawing lugar ng likuran ng tren kung saan kaming mga nasa bandang likuran lang na nakarinig at nakakaalam ang nagbabantay. Ngayon ay isa ako sa nagpasiyang tumulong magbantay dahil hindi din ako masyadong makatulog sa nakita ko kanina.

"Kape tayo." sabi sakin ng isang babaeng nasa tabi ko at inalok ako ng kape, maganda siya kahit medyo chubby, may dalawang tenga, dalawang mata, ilong na maganda. awts nevermind.

Ngumiti ako at nagpasalamat sa inalok nito ngunit tumanggi ako, sa kadahilanang wala lang. Maya maya pa nananatiling tahimik ang buong tren ng biglang magsalita ang operator sa mic nito na nakaconnect sa mga speaker na nasa taas.

"Good evening Reunioners, as of 20 minutes we are going to lipat lipat in another train, at Wamac Train Station 2. Please be ready, keep safe and enjoy the trip. Thank you." sabi nito bago inoff ang mic dahilan para mapanatag ako. Mahirap mapakalma ang sarili kung may 2 zombie ang nasa stock room niyo at anumang oras ay maaari itong makalabas at kainin ang utak nyo. haysst salamat naman.

--

Maya maya pa, unti unti ng bumibigat ang mga mata ko dahilan para antukin na ako. Nakahalukipkip ang mga kamay ko at nakayuko ako, habang naririnig ko ang dahan dahang yabag ng mga paa na dumadaan sa harap ko at nilagpasan ako nito papunta sa. Sa nakasadong pintuan na kinaroroonan ng dalawang zombie na inilock ko kanina.

Teka..

"HUWAG MONG BUBUKSAN YAN!" sigaw ko na dahilan para magising sila at slow motion akong tumakbo sa kaniya at nangyare ang hindi namin inaasahan. Dilat na dilat ang mga mata nito at walang kisap matang sinugod ang lalaking nagbukas ng pintuan nito.

Run!!!

--

Janna's Pov

"WAAAHHHHH!!!" tili ng isang boses lalaki sa gawing duluhan ng tren at mabilis na tumatakbo sa kinaroonan namin.

"M..may zombie dun! May zombie mga bakla!" sigaw nito habang nagtatatalong itinuturo ang lugar kung saan ito galing.

At nakita kong tumatakbo din galing mula doon sila Blake, Sir Gaite at iba pang mga tao at inilock nito ang pinto pagkatapos makapasok ang lahat ng galing dahilan para maalarma ang ibang tao sa loob.

"May z..zombie sa likuran nitong tren." pautal na sabi ng baklang pumasok kani kanina lang at nanginginig ito habang hawak ang dumudugo nitong balikat.

"Kinagat niya ako, S..sis." sabi nito at ipinakita sa amin ang sugat nito na may bakas ng kagat ng kung ano na nagpakaba sa amin.

Bigla itong bumagsak sa lupa at nag seizure at maya maya ay nagiba na ang itsura nito, namumula ang balat, nangangalit ang mga ugat, bumubula ang bibig at nanlilisik ang mga mata.

"A..aray!!!"

"WAAAHHHHH!!!" tilian ng mga tao ng bigla nitong tinalon ang leeg ng isa sa mga pasahero.

"T..tulungan nyo a..ako." sabi ng nakagat nitong pasahero at pareho silang bumagsak sa lupa. Maya maya pa ay huminto na ang tren, kaya dali daling naglabasan ang mga tao.

"Pumasok tayo sa loob ng Station!" sabi ni Sir Gaite habang tumatakbo at sama sama kaming dumiretso sa loob ng Train Station at inilock ang pintuan para hindi makapasok ang mga zombie.

"Kasalukuyan pong nasa State of Calamity ang buong WAMAC dahil sa isang virus na kumakalat ngayon, pinagiingat po ang lahat at pinapayuhang lumipat na sa Mars, este manatili po tayo sa ating bahay at magdasal na magkaroon na po ng bakuna sa lalong madaling panahon. Keep safe, God bless." sabi ni reporter sa cellphone ng isa sa mga taong nasa station habang pinapanood ang balita tungkol sa nangyayari.

"May zombie? A..akala ko hindi sila totoo." tanong ng operator ng tren na kinakabahan na rin mula ng malaman kung anong nangyayari sa loob ng tren.

"T..teka lang guys." pautal na sabi ni Roberto at lumingon lingon sa paligid.

Nasaan yung mga tao?!

Train to Sta. Cruzan ( Zombie Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon