Chapter 6 - Sacrifice

19 10 0
                                    

Blake's Pov

"So anong plano?" sabi ni Roberto, nagisip ako ng mabuti at biglang pumasok sa isip ko yung napanood ko sa isang horror movie na may pamagat na Train to Busan kung papaano nila iniligtas ang mga tao sa kabilang parte tren, kaya sinabi ko ito sa kanila at sinang ayunan naman nila.

"Gawin na natin yan ng mabilis, baka nanganganib na sila doon." sabi ko at binuksan ko at pintuan papunta sa pang apat na bahagi ng tren at maswerteng wala ditong tao.

Nang biglang may humawak ulit sa braso ko. ano ba naman?! nakakailang tsansing na to ah.

Pag lingon ko ay nabigla ako.

Si Janna ito, at kitang kita ko sa mga nito na ayaw nitong maghiwalay kami.

Tingin na katulad ng bago kami maghiwalay dati.

no! mapapahamak ka lang, at hindi ko kakayanin yun.

"Dito ka lang Mhaa, babalik din kami kaagad. Wag ka ng magaalala sa akin." sabi ni Mico at hinawakan ang kamay ni Janna at inaalis sa akin pero ayaw niyang bumitaw.

"Ayokong umalis ka ng hindi ako kasama, baka mapahamak ka." malungkot na sabi nito at diretsong tumingon sa akin.

"Hindi ako maaano, lalo na may dahilan ako para bumalik." sabi ko at nginitian siya sabay tap sa ulunan niya.

"Magiingat kayo." sabi niya at tinanguan ko siya bago kami dumiretsong pumasok sa kabilang parte ng tren.

--

"Sinabi ni Rereign029, nasa ika anim silang bahagi nitong tren at may mga zombie sa kabila nito. Mainam ng handa tayo kung sakaling mapapalaban tayo." sabi ko na sinang ayunan nila.

Time check 1:30 am

"Dahan dahan ko bubuksan ito magiwan tayo ng cellphone dito para gamitin na distraction para makuha ang atensiyon nila." sabi ko at iniwan ko ang cellphone ko, at dahan dahan kaming pumasok kasabay ng pagsado ng pintuan. Dala ng sira ang mga ilaw dito sa loob ng ika limang kwarto at sinamantala ko ito at dahan dahan kaming lumakad sa upuan para hindi kami marinig ng mga zombie, kasabay ng pagpapa alarm ko sa cellphone ko para dun magpuntahan ang mga zombie at matagumpay ko naman itong nagawa. At dumiretso na kami sa pintuan patungo ng ika anim na bahagi ng tren.

"Rereign029?" bulong ko sabay katok sa pintuan nito na agad naman nilang binuksan.

"B..Blake?" tanong ng isang babaeng maputi na medyo chubby na sumalubong sa amin pagpasok.

Teka.

Siya yung babaeng nag alok sakin ng kape kanina.

"I..ikaw si Rereign029?" sabi ko na ikinangiti niya. wow! ang ganda niya.

Hindi na namin pinatagal pa ang paguusap at nagmadali na din na umalis, gaya padin kanina ay dumaan kami sa galid at nagiwan ng isang cellphone sa kwarto at isinet ang pinagalarm nito. Pinauna na namin sila para mas mapabilis silang makarating at saktong nasa pintuan na sila ng nagalarm ang cellphone na iniwan namin at nagsilapitan dun ang mga zombie.

"Move, faster." bulong ni Mico dahilan  para bilisan ng mga nasa unahan ang pagpasok nito. Malapit nang makapasok kaming lahat ng aksidenteng matabig ng isa sa mga kasama ko ang gamit sa taas, dahilan para makagawa ito ng ingay at tila ba pinaglaruan kami ng tadhana ng biglang gumana ang sirang ilaw at kitang kita kami ng mga zombie sa hindi magandang posisyon sa bandang likuran namin.

"Takbo!" sigaw ko at pumasok na sila sa loob ng bakanteng kwarto, papasok na din sana ako ng biglang may nahagip ako sa taas na lalagyan ng mga bagahe.

may baril.

--

"Blake! Bilisan mo, ano pa ba yang gagawin mo. Haysst!" sigaw ni Ethan at tila wala sa loob ay pumasok ulit kasama pa ang ibang kalalakihan at pinrotektahan ako sa mga zombie na lumapit sa akin.

"Gotcha!" sabi ko at kinuha ito kasama ang malaking bag na naglalaman ng mga magazine at bala nito. Agad kaming dumiretso sa pintuan at pumasok dito pero bigo akong maisarado ito, dahil may mga ulo na nakaharang sa pintuan nito.

Kaya tila ba nasa arcade ang mga kasama ko na may hawak na pamalo ang walang sawa na pinaghahampas ang mga ulo ng zombie hanggang sa maalis ito, at inilock namin pagkatapos.

Paglingon ko ay nakita ko si Janna at nakatingin ito ng diretso sa mga mata ko at agad akong niyakap.

"Ang tagal ninyo." sabi niya habang humihikbing nakayakap sa akin.

"Bakit nandito ka, anong nangyare sa loob?" tanong ko at hinawakan ko ang muka nito at pinunasan ang mga luha sa mata nito.

"Nagpasiya akong sumunod at pumasok ako dito, pagkatapos ay inilock nila yung pintuan at tinakpan ng diyaryo." sabi ko at tiningnan ang pintuang papasok kila John at totoo nga, nilock nito ang pintuan. pasneya!

"Buksan niyo to, John! Papasukin ninyo kami! Hoy!" sigaw ko habang walang sawang kumakatok pero tila para wala itong naririnig.

Maswerteng may nakita akong isang maliit na espayo sa pagitan ng mga diyaryo at kitang kita ko ang tumpukan nila dun na tila ba takot na takot na mamamatay.

Agad na hinanap ng mga mata ko si John.

Nandoon lang ito sa isang sulok malayo sa pintuan kung nasaan ako, naglalaro gamit ang cellphone nito at tila hindi ito aware sa nangyayari aa paligid niya.

"JOHN!!!!!" sigaw ko at gumamit na ako ng baseball bat para sirain ang pintuan pero talagang matibay ang salamin na ginamit dito kaya imposible na masira ito.

--

Someone's Pov

Mamamatay na kami.

Walang sinuman ang makakatulong para iligtas kami.

Mabubuksan na nila ang pintuan ano mang oras.

Hindi ako makakapayag!

"WALANG SINUMAN ANG MAKAKAPATAY SAKIN!"

"WAAAGGGGG!!!!!" sigaw ng mga kasama ko matapos kong buksan ang pintuan sa ikalawang bahagi ng tren.

Oh no!

--

Blake's Pov

Napaatras ako sa ginawa ni Leo.

Fuck!

"WAAAHHHHH!!!!!"

"BUKSAN NINYO ITO!"

"HAKDOOGGGG!"

"PAPASUKIN NYO KAMI!"

"BLAKE!!! PATAWAD!" sigawan ng mga nasa ikatlong bahagi ng tren matapos silang pasukin ng napakaraming zombie mula sa ikalawang bahagi. Tila ang kulay puting diyaryo ay napalitang ng kulay pulang dugo mula sa mga tao sa loob.

Wala akong magagawa kundi pakinggan ang kanilang pagmamakaawa at pigilan ang pagbukas ng pinto dahil kung nagkataon ay kami naman ang mapapahamak.

Hanggang sa tumigil na ang paggalaw ng knob ng pintuan na nangangahulugang patay na din ang nasa loob nito.

Lumingon ako sa mga kasama ko at kita sa kanilang mga mata ang sobrang kalungkutan ng mabawasan kami ng higit kalahati ng aming mga kasama.

"Wala na tayong magagawa, hindi lahat ay kaya nating iligtas pero hindi ibig sabihin nun ay kailangan na nating huminto. Eto na ang mundo ngayon Blake, kailangan na nating magpatuloy." sabi ni Mico at inalalayan akong umupo sa isang tabi.

Kasalanan ko ito.

Train to Sta. Cruzan ( Zombie Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon