Time check 2:45 am
Natutulog ang ilan sa mga kasama ko habang nagaantay nalang ako na matapos ang biyahe habang nakatitig sa bintana.
"Hey." sabi ng isang babaeng lumapit sa akin at tinabihan ako.
"Oh ikaw pala Rereign029, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko dito na ikingiti niya at mas lalong dumikit sa akin.
"Hindi din kasi ako makatulog, tapos nakita kita kaya nagpasiya akong kausapin ka. Btw, enough of that IGN wala naman tayo sa comshop eh. My name is Reign, Reign San Raphael." sabi niya at inaabot ang kamay nito sakin, agad ko ding inabot ang akin at nakipag shake hands sa kanya at sinabi ang pangalan ko.
"Blake, Blake Faulkerson." sagot ko.
--
Janna's Pov
"Baka naman malusaw sila sa titig mo, Bebe. Kanina ka pa ganyan simula ng nagusap sila. Aminin mo, nagseselos ka no?" sabi ni Rosie mula sa tabi ko na nagpakaba bigla sakin.
"Ano? A..ako? Magseselos? Sa kanila? Hindi no? As if naman eh, patawa ka." sabi ko na ikinangisi niya.
"Indenial, so bebe tell me. Mahal mo pa no?" sabi niya na nagpaisip sakin.
<<FLASHBACK
"Hi byy, I miss you." sabi nito at niyakap ako mula sa likuran habang nagbabasa ako ng lectures sa ilalim ng puno ng acacia sa ground namin.
"Hello, I miss you too." sagot ko at nakiusyoso na din siya sa lectures ko, as in idinungaw nito ang buo nitong muka dahilan para matakpan ang binabasa ko. Agad kong isinarado ang notebook ko dahilan para ibalik nito ang muka nito at hinalikan ako.
"Grabe ka! Baka may makakita satin, nakakahiya." sabi ko pero hindi ko mapigilan ang pamumula ko dahil sa ginawa niya.
"Edi hayaan mo sila, magsawa sila at mainggit kakatingin sa atin wala akong pakeilam. Eto, etong dalawang mata ko na to sayong sayo lang nakatutok hanggang sa ikasal tayo, magkapamilya at habang buhay na magkasama pa tayo. Mahal na mahal kita." sabi nito na lalong nagpamula sakin kasabay ng paghiga nito sa lap ko habang nakaupo ako. awts ang sweet.
"Lovers, kamusta?" biglang sulpot na sabi ni Roberto kasama ang gf nitong si bebe Rosie at nakigulo din sa amin.
"Okay lang naman eto inistorbo niyo, hahahaha." sabi ni Blake na ikinatawa namin.
"Sorry pero may batas po tayo na bawal po ang PDA lalo na sa mga ganitong public place." pangaasar pa ni Rosie at nagtawanan kami.
"Btw, magla lunch time na den. Saan ninyo balak kumain? Sabay sabay na tayo para masaya, Double date." nakangising tanong ni Roberto at tiningnan ko si Blake at..
Nakatitig pala ito sakin habang nakangiti na parang nakakaloko. Hinawakan niya ako sa kamay at ngumiti lang ito, ngumiti lang at dahan dahang bumigkas.
"Kung saan ang mahal ko, dun ako. Kahit sa impyerno pa yan, sasama ako basta kasama kita." sabi niya na tila ba nagpahinto sa mundo ko.
"Ayyts, pang K-drama. Tara na nga sa Farmer's Carenderia at mabubusog pa tayo dun kesa naman langgamin tayo sa ka sweetan ng dalawang to." sabi ni Roberto at inalalayan nitong tumayo si Rosie at pagkatapos ay si Blake, sunod naman ako.
At naglakad kami patungo sa kainan habang nakaholding hands ng mahigpit at buhat buhat nya ang bag ko.
--
END OF FLASHBACK>>
"So anong connect ng flashback na yun sa tanong ko kanina, bebe?" tanong ni Rosie at nagsimula na ngang tumulo ulit ang mga luha ko na agad naman nitong pinunasan.
"Ang hirap sabihin na hindi ko na siya mahal, mahal ko parin siya bebe eh. Siya pa din yung laman nito." sabi ko at yumakap sa kaniya at humagulgol ng iyak kahit na maraming nakakakita, wala akong pake gusto ko lang ilabas tong nararamdaman ko. gusto ko pa din siya, siya lang at wala ng iba.
"Totoo ba lahat ng yun?" sabi ng boses mula sa likuran ko na nagpatigil sa akin panandalian sa pagiyak.
Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali, siya yun. Ang lalaking mahal ko at sinayang ko.
"Mahal padin kita." sabi nito na dahilan para mas mapahagulgol ako na parang bata.
--
Blake's Pov
<<FLASHBACK
"The smile on you let's me know that you need me, there's a truth in your eyes saying you'll never leave me, the touch of your hands say you catch me if ever I fall, you say I'm best when you say nothing at all." sabi ng kanta mula sa pinapakinggan ko sa bilihan ng cd kung saan naglalaman ng napadaming opm at international na kanta ng mga sikat na artist, pero itong kanta ito talaga ang pinakagusto ko dahil maganda yung meaning nitong kanta at damang dama mo yung pagkakabigkas ng kumanta kaya tatablan ka talaga.
"Kuya, magkano po ito? Bibilin ko po." sabi ko sa tindero at binayaran ito, it's been a year ng naging kami ni Janna at sobrang saya ko magmula ng naging kami, kaya ngayong nagcecelebrate kami ng anniversary namin syempre mas gusto ko yung romantic kahit hindi gaanong nagastusan, although ganung type siya gusto ko padin yun special at alam niya na pinageffortan ko talaga.
--
"Hello byy, happy anniversary." sabi nito pagkasagot ng tawag ko sa cellphone.
"Happy anniversary byy, I got something here na regalo para sayo. Hindi ko lang alam kung magugustuhan mo." pagkikibit balikat ko na ikinatawa niya.
"Alam mo naman na anything basta galing sayo, special na yun para sakin. I love you, nagluluto ako ng dinner para mamaya. See you here." sabi niya na ikinangiti ko ng palihim.
"I love you too, Byy. Antayin mo po ako ah, wag mong uubusin yang niluto mo darating po ako." sabi ko bago nito patayin ang tawag.
Saktong palakad na ako pauwi sa bahay namin ng nakita kong hindi gaanong nakalock ang pintuan nito at nasa sala ang mga pinamiling ulam ni mommy.
Agad ko itong hinanap sa kusina pero wala, sa likod bahay wala den, maski sa kwarto nila wala din, hanggang sa makarinig ako ng pagiyak mula sa banyo. ano yun?! may multo na kami sa banyo? astiggg.
At nakita ko doon si mama, nakaupo at umiiyak hawak ng cellphone nito kung saan may text message na hindi ko mabasa mula sa kinaroroonan ko kaya nilapitan ko siya at kinuha ang cellphone para malaman kung bakit ito nagkakaganun.
(Its a prank.. Charing! :)
"naaksidente po ang mister niyo, wag po kayong mabibigla. mabilis po ang pagpapaandar ng nasa likuran nitong truck sa kasagsagan ng traffic, nasa harapan naman nito at isang pay loader at dahil sa pagbangga nito at naipit po ito na tila ba isang sandwich."
BINABASA MO ANG
Train to Sta. Cruzan ( Zombie Series 1 )
УжасыZombies don't die, THEY MULTIPLY. Isang road trip ang napagpasyahan ng eskwelahan kung saan naroroon din ang isang estudyanteng nagngangalang, Blake Faulkerson. Madami silang pagdadaanan patungo sa kanilang paroroonan, sa lugar kung saan walang kasi...