Sweet Moments Part 2

37 12 0
                                    

Amesyl's POV

Habang nakaupo sa sofa at nakatingin sa t.v. ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung saang jungle na naman nagsuot ang unggoy na yon. Kaya tinanong ko si Amber na arteng-arte na nakaupo sa tabi ko.

"Asan ang magaling mong tatay?" kalamado kong tanong sa kaniya.

Aba. Kanina pang umaga wala. Simula ng magising ako hanggang ngayon, walang unggoy akong nakita kundi itong mga anak niya lang.

"Kasama ata sila Tito Sebastian, Ma." sabat ni Azure. Kaya lumingon ako sa kaniya. "Kelan ka pa naging si Amber? Ha?" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.

Sagot ng sagot hindi ko naman siya kinakausap. Pag siya naman ang tinatanong ko hindi sumasagot. Parang tanga lang -__-

"Oo nga, Ma. Kasama nila Tito Seb at Tito Jacob. Err, ikaw naman, Ma. Miss na miss mo agad si Papa!" kantyaw ni Amber. Mabilis kong kinuha ang remote, "Kung isungalngal ko kaya to diyan sa bibig mo?" banta ko sa kaniya.

Kunyaring itinikom niya ang bibig niya at nagpatay malisya. Tss. Manang mana talaga sa tatay nilang unggoy kahit kailan.

----

Lumipas ang ilang oras at hanggang ngayon nakaupo pa rin kami dito. Maya-maya ay tumayo si Amber at sabing kukuha lang siya ng chichirya sa kusina dahil ubos na nga naman ang kinakain namin.

"Juice, Ma? Wengya, kukuha lang ang gwapo ng juice sa kusina, ha?" paalam din nito. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Mga ilang minuto ay sabay bumalik ang kambal at pinag-gitnaan ako. Inilapag nila ang mga dala nila sa glass table at napansin kong nagkatinginan ang dalawa.

Anong meron?

Nakita ko ring tumango-tango si Azure at kumindat. Aba't!---"Hoy! Anong kinikindat-kinday mo diyan ha?!" bulyaw ko kay Azure.

"A-amputs! Wala, Ma ah! Inaasar ko lang si Bal, wengya!" depensa nito.

"Ikaw naman, Amber! Kanina ka pa bulong ng bulong diyan bubuyog ka ba?" baling ko naman kay Amber.

"Heller, Ma! Sa ganda kong to, bubuyog?! Hindi no! Ayaw lang naman naming naiistorbo ka sa panonood kaya hindi na namin nilalakasan ang boses namin." paliwanag nito.

Pinaningkitan ko sila ng mata parehas pero binigyan lang nila ako ng nakakalokong ngiti. Tss, akala nila nakakaganda yon. Nakakaasiwa!

Maya maya narinig namin na may nagdoorbell kaya tinignan ko si Azure, "Buksan mo yon. Baka tatay mo na yon." utos ko.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at humawak sa tiyan, "A-aray. Ang sakit ng tiyan ko, Ma! Nac-cr pa ata ako. Ikaw na, Ma." angil nito.

"Bakit?! Tiyan mo ba magbubukas ng pinto?!" sigaw ko.

"Ma, Ikaw na kasi. Maawa ka naman diyan kay Azure. Baka lumabas na mga lamang loob niya pag---"

"Inuutusan mo ba ko, Amber?"

"Err, Ma! Hindi no! Pero ikaw na po ang magbukas. Baka mamaya si Papa nga iyan, diba? Sampolan niyo na," sabi nito sabay kindat.

Ibinato ko sa kaniya ang hawak kong remote at tumayo. Binuksan ko ang pinto at laking gulat kong hindi lang si Unggoy ang nakatayo don. Kundi pati si Sebastian Lerwick, Jacob Lee na may hawak ng isang bungkos ng bulaklak, Vash Boulstridge na may dala-dalang gitara at si Unggoy---na nakangiti sakin.

Lahat sila nakapormal ang damit, parang aakyat ng ligaw.

Anong meron?

Naramdaman ko ang kambal sa likuran ko, "Oh akala ko ba masakit tiyan mo, Azure?" tanong ko sa kaniya.

"Kanina lang yun, Ma. Ngayon hindi na, pfft!"

"Aba't!!---"

"Ang gwapo ni Papa no, Ma? Aminin!" bulong ni Amber sabay tusok ng daliri niya sa tagiliran ko. Pumalatak ako at tinignan siya ng masama.

"Babylabs. Namiss mo ba ko?" nakangiting tanong niya.

Hindi ako sumagot at pinagkrus ang mga braso ko.

"Tol, bigyan mo nga ko ng magandang intro." sabi nito kay Jacob Lee. "Lerwick, ayusin mo." dagdag pa nito.

Nagsimulang mag-strum ng gitara si Jacob. Hanggang sa lumipas ang sampung minuto pero hindi pa rin magawang kumanta ni Unggoy dahil sa panay strum nito sa gitara.

Kaya sabay na binatukan ni Sebastian at Unggoy si Jacob. "Aray!---ano ba?!" angil niya.

"Walanghiya ka, Lee! Parang gago eh!" -Sebastian.

"Ayusin mo, Lee! Sasamain ka sakin mamaya!" Banta ng unggoy.

"Sabi mo kasi intro! Mga ul*l!"

"Ayusin mo na, Lee. Para matapos na to." sabi ni Vash na halatang nababadtrip na sa mga kasama.

"Oo, eto na! Pfft!"

Nagsimula na ulit itong mag strum. Sa pagkakataon na yon ay maayos na. Umayos ng pagkakatayo si Unggoy at nagsimulang kumanta.

𝘐𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘴𝘦𝘴 𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨-𝘢𝘸𝘢𝘺
𝘏𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢𝘯
𝘕𝘢 '𝘥𝘪 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘮𝘶𝘭𝘢𝘯

𝘗𝘢𝘵𝘪 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘭𝘪𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺
𝘕𝘢 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘶𝘴𝘢𝘱𝘢𝘯
𝘉𝘪𝘨𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘸𝘢𝘺𝘢𝘯

𝘕𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘨𝘢𝘯𝘪𝘵𝘰
𝘔𝘢𝘥𝘢𝘭𝘢𝘴 𝘯𝘢 '𝘥𝘪 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘴𝘶𝘯𝘥𝘰
𝘐𝘬𝘢𝘸 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘱𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨
𝘚𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘰

Umiwas ako ng tingin. Bakit ganito? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Tsk.

Nahahawa na ata ako sa kakornihan ng unggoy na to.

Ibinalik ko ang tingin sa kanila. Napako ang tingin ko kay Maxwell na nasayaw-sayaw pa. Napaka pormal niya ngayon. Sobra. Mukhang tao na talaga siya ngayon.

Gwapo.

Ang nagiisang gwapo sa paningin ko.

𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘣𝘪𝘯𝘢𝘣𝘢𝘵𝘰 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘶-𝘢𝘯𝘰
𝘐𝘬𝘢𝘸 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘰
𝘒𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰'𝘵
𝘚𝘪𝘯𝘪𝘴𝘪𝘱𝘢'𝘵 𝘯𝘢𝘴𝘶𝘴𝘶𝘨𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘮𝘰
𝘐𝘬𝘢𝘸 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯
𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢
𝘈𝘯𝘨 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢

Kinuha niya ang bulaklak na hawak hawak ni Vash at lumapit sa kanatatayuan ko sabay inabot sakin.

𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢

Ang nagiisang lalaking minahal ko.

𝘞𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢

Si Kaizer Maxwell Lamperouge lang.

-------------------------------------------------------------

Noong ginagawa ko to kinikilig din ako. Same thoughts, Amesyl. Seym tots ket di halata.

Amesyl Lamperouge POV Compilation [MHIAMB FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon