Mema

31 12 0
                                    


"Pahiram ako ng susi ng kotse n'yo!" sa pagkakasabi ko na yun, lumingon sakin ang kambal pagkatapos ay nagkatinginan.

"P-pero, M-ma."

"Ma naman!"

"San ka pupunta?" tanong nung unggoy na nasa bukana ng kusina habang may hawak na baso ng tubig. Aba ang mokong! Hindi ako pinansin ng buong araw?!

*Flashback*

"Unggoy, paabot nga ng remote." pagkasabi ko nun ay s'ya namang tayo n'ya at umakyat ng kwarto. Kaya si Azure ang nag abot sakin ng remote. Peste!

"Anyare kay Papa, Ma? LQ kayo? Pft."

Mabilis kong sinamaan ng tingin si Azure. "Tigil tigilan mo ko, Azure ha. Baka gusto mong ipalunok ko sayo tong remote na to."

"Wengya!"

---

"Tawagin nyo na ang tatay n'yo baka bumubula na bibig non sa gutom." sarkastikong sabi ko sa kambal at umakyat si Amber para tawagin. Pagtapos ng ilang minuto ay bumaba ns si Amber pero walang unggoy na nagpakita sakin. "Mamaya na daw s'ya, Ma. May ginagawa daw si Papa. Err, pansin ng kagandahan ko kay Papa medyo hindi ko feel ang aura n'ya ngayon ha. Par--"

"Bwisit na unggoy talaga!! Hayaan nyo sya! Kumain na tayo!"

---

"Saan ka pupunta?" inulit n'ya ulit ang tanong pero this time may halong inis sa boses n'ya.

Lumingon ako sa kanya at tinapunan ng masamang tingin. "Sa malayo! Malayo dito! Lalong lalo nang malayo sayo! Akin na susi ng kotse mo, Azure! Bilisan mo! Pag hindi mo binigay isang buwan mong hindi magagamit yan!" sigaw ko kaya nataranta ang kambal. Dali daling nilabas ni Azure ang susi at inabot sakin. Bwisit!

Mabilis akong lumabas at binuksan ang gate para ilabas ang kotse mula sa garahe. Saan nga ba ko pupunta ngayon?! Nabwi-bwisit kasi ako sa unggoy na yon!

"Bye, Ma! I-ingat ha!" nakita ko si Azure na kumakaway mula sa labas ng bahay at halatang peke ang ngiti. Tss!

Tsaka pinaharurot ang kotse papalayo. Tignan mo! Tignan mo! Hindi manlang ako pinigilan ng unggoy na yon! Nakakainis! Wag na wag n'ya ko kakausapin mamayang pag uwi ko! At baka sungalngalin ko sya makikita n'ya!

-------------------------------------------------------------

Don't forget to leave some feedbacks!

Amesyl Lamperouge POV Compilation [MHIAMB FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon