Amber Signal no. 4

42 12 2
                                    

Pansin kong kanina pa nakatayo si Amber sa may hagdan at mukhang malalim ang iniisip. Kakausapin ko na sana kanina pa kaso may unggoy na lingkis ng lingkis sakin.

Biglang bumaba si Azure ng hagdan at ngumisi. "Sis!" panggugulat nito.

"E-err! Ano ba, Azure?! Gusto mo bang ihampas ko tong Authentic Gucci Marmount bag ko sayo?!" inis na sabi ng kambal n'ya pero imbis na ihampas ay ipinatong n'ya yon sa mesa.

"Naknang! Hustisya na lang sa gwapo kong mukha, Sis! Pft! Ma! Mukhang ang lalim ng iniisip ni Amber ah!" umalingawngaw ang boses ni Azure sa buong bahay. Inirapan lang naman sya ni Amber.

"Aba malay ko. Nasa tabi mo si Amber diba? Bakit ako pa tinatanong mo?" sagot ko.

"Wengya! Ang iinit ng ulo mo babylabs ah! Sumabay pa sa kahotness-an ko. Pft---Aray naman tomboy!" Binatukan ko s'ya. Unggoy na nananaginip ng gising! Psh!

Bumaba ng tuluyan si Azure at humarap kay Amber. Ang lakas talagang mambwisit nitong mag-amang unggoy na to!

"Sis? Bakit ganyan itsura mo? Kasing dilim ng langit sa labas? Wengya!" Tanong ni Azure at ngumisi.

"Pwede ba, Azure? Kung babanggitin mo lang ang pangalan ng gagong yun, wag na lang? Ilang beses ko bang sasabihing, masyado akong maganda para isipin s'ya?"

"Naknang! Bat si Boul agad?! Wala naman akong binabanggit na pangalan ah? Ang defensive mo, Sis! Hahaha!" inakbayan n'ya ang kakambal n'ya at ngumisi ulit. Halatang bwisit na bwisit nga si Amber, "H-heller! For your information! Hindi ako defensive! Nagsasabi lang ako ng totoo!" sabay irap.

"Sa tingin mo, Babylabs? Totoo bang naka moved on na si Amber dun sa anak ni Boul?" bulong ng unggoy na nakatingin din dun sa kambal.

"Ano ba, Unggoy?!" tulak ko sa mukha n'ya. "Aray! Wengya!"

-------------------------------------------------------------

Wala na ko masabi hahahaha.

Amesyl Lamperouge POV Compilation [MHIAMB FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon