Expect The Unexpected

67 11 0
                                    


[Noong hindi pa sila magasawa ni Kaizer]

PART I.

𝘼𝙢𝙚𝙨𝙮𝙡'𝙨 𝙋𝙊𝙑

Naalala ko pa noon, kung paano kami nagkakilala ni JK Blood. Kung paano kami unang nagkausap.

Yun yung mga panahong parang nawala si Insan sa katinuan dahil kay Tita Alyana.

Naglalakad-lakad lang ako nun, hindi ko alam ang pupuntahan pero hinayaan ko na lang kung saan ako mapad-pad.

Nakabunggo ko siya.

Balak ko na sana siyang tarayan at barahin, pero hindi ko alam kung ano ang pumipigil sakin sa mga oras na 'yon at hindi ko natuloy.

"Ako nga pala si JK Blood." Ang pormal niya masyado.

Ang ganda niya pa manamit. Lalaking-lalaki din siyang kumilos. Para bang angkop na angkop sa kaniya ang pananamit, boses at pangalan niya. Hindi katulad nung baklang betty boop na Birkins na 'yon, parang bata na laging nawawala -__-

At hindi ko rin akalain na mauutal ako dahil sa lalaking yun. Tsss. Nahawa pa ata ako kay Insan nun na lumilipad ang utak. Hindi pwede! Kaya kahit hirap kong pigilan ang sarili ay kinaya ko. Masama ito, ayokong maging katulad ni Insan no. Edi hindi na kami nagkaintindihan kahit kailan. Tsk.

Sinabihan pa ko ng cute ng mokong. Nagpintig ang tenga ko nung narinig ko 'yon. Pero aba, isip-isip ko. Kailan pa ko naging tuta para sabihang 'cute', aber? Pero hindi iyon ang naisip ko sa mga oras na 'yon, para bang mas nanaig ang tuwa ko no'n.

"Leche!" bulyaw ko dahil sa inis.

Bwisit. Hindi ko ba alam kung tama ba 'tong nararamdaman ko.

Ganito rin ba naramdaman ni Insan noong nakilala niya si Ezekiel Roswell?

Hindi maipaliwanag?

Naguguluhan?

Tss, ano ba 'yan!

Amesyl Lamperouge POV Compilation [MHIAMB FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon