The Typical Amesyl

106 14 5
                                    

Amesyl's POV

Tutal linggo naman ngayon, napagdesisyunan namin na maglaba ngayong araw.

Aba dapat lang na maglaba 'no. Reklamo ng reklamo ang kambal sakin na paubos na ang damit nila, aba't, paanong hindi mauubos?! Kung magpalit sila sa isang araw ay dinaig pa nila ang mga artista!

"Unggoy akin na nga yung mga damit pa d'yan! Bilisan mo! Ang kupad kupad mong unggoy ka!" sigaw ko sa kanya. Nakatayo ako sa gilid ng washing machine at hinihintay ang damit na dadalin nang unggoy na yun.

Mabilis naman n'yang nilagay ang damit sa basket at tumakbo papalapit sakin. "Eto na babylabs! Ano pang iuutos mo? Aba gusto naman ng gwapo mong asawa eh yung pangmalakasan! Sa gwapo kong to--" Hindi ko na s'ya pinatapos at tinaasan na lang s'ya ng kilay.

"Ah gusto mo ng pang malakasan? O s'ya labhan mo lahat yang damit, huwag kang gagamit nitong machine ha? Mano mano dapa--"

"Wengya! Biro lang, Babylabs. Hindi ka naman mabiro e. Ang init agad ng ulo mo, halika dito't i-ki-kiss kita para--"

"Nako, Tigil-tigilan mo kong unggoy ka ha! Ilagay mo na yan dito bilis!" Utos ko sa kanya at nakita ko namang nilagay n'ya ang mga damit isa isa. At nakita ko s'yang nakangiti.

"Wengya naman, Ma! Buong pamilya ba dapat pag naglalaba? Takte nangangalay na ang kagwapuhan ko sa pagsasampay." reklamo ni Azure habang nilalagay sa hanger ang damit at sinampay.

"Ako din, Ma! Pwede namang si Azure na lang ang utusan n'yo pero bakit pa ang maganda mong anak? Heller! Kanina pa kami nakatay---"

Pinalipat lipat ko ang tingin sa kanila at tinignan sila ng masama. "Ah nagrereklamo kayo? Gusto n'yong ipagtatapon ko yang mga damit ny---"

"Wengya! Sino bang nagsasabing nagrereklamo ako? Si Amber lang naman yun, Ma! Takte."

"Hoy Azure! Tigil tigilan mo ko ha, Wala akong sinasabi!"

Mga unggoy na to, Magrereklamo pa gagawin din naman ang iuutos ko. Kailangan pa 'kong pasigawin! -__-

------------------------------------------------------

What do you think? Haha.

Amesyl Lamperouge POV Compilation [MHIAMB FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon