23 : Gingivitis

37.9K 1K 116
                                    


Aviona

Dinagsa iyung opisina ko ng mga reporters na gusto akong mainterview. I've expected it already pero hindi iyung ganito karaming reporters. I did not entertain a single. Sapat na iyung sinabi ni Luke kanina.

I started working. May mga articles akong kailangang tapusin para sa araw na 'to ngunit wala sa isip ko iyung mga articles na tatapusin ko pa. My mind was stuck on my current situation.

" Maraming reporters sa labas, Avi. Anong gagawin natin sa kanila?" It was ma'am Claire who had spoken.

" At nagkalat ang mg nude na pictures mo sa internet." Napapikit ako sa sinabi ni ma'am Claire. Alam kong sobrang panira na ang ginagawa ng mga tao sa akin. They see me as the antagonist in Luke and Cassandra's love story and I can't even voice out my own feelings and point of view for that matter.

" Miss Aviona nasa labas po si ex governor Arthur Buenavista" Gulat akong napatingin kay Henry na kakapasok lang. His information was like a bomb that dropped in front of me.

Hindi ko inaasahan ang pagpunta ng dating gobernador. My relationship with Luke is really sending too much chaos.

He asked for a private talk with me na agad ko namang sinunod.

I gave Ma'am Claire a promising look before following the ex governor.

Galit ang bumungad sa akin ng makita ko ang dating gobernador.

" How dare you insult me like this Avi? Hindi pa ba sapat na binigyan kita ng maayos na trabaho? Walang may gustong kumuha sa 'yo noon na paper company. Ako ang nakiusap sa expressions para tanggapin ka nila tapos ito ang igaganti mo sa akin. Alam mong maayos na ang lahat. Kasal nalang ang kulang. Do not put shame on my family." Ang sakit ng loob ko dahil sa pananalita ng dating gobernador sa akin na kailanman ay hindi naging ama sa akin.

" Your sister had been deeply hurt. Magparaya ka nalang Avi. Lalaki lang naman. Marami pang lalaki diyan. Hindi ka mauubusan niyan" Parang kutsilyong tumusok sa puso ang mga binitawan niyang salita.

" Ni minsan hindi ko mo ako tinuring na anak. Lumaki akong walang tinuturing na ama dahil kailanman ay hindi niyo ako tinanggap. I never called you father because you don't want me to. Tinago niyo ako dahil nahihiya kayo. Ikinakahiya ninyo ako hanggang ngayon. You always favored Cassandra over me but that was never a problem to me. Tanggap ko na siya ang mahal niyo at siya lang ang tinuturing niyong anak. Pero ngayon lang ako humingi ng pabor sa inyo. Si Luke lang. Hindi lang basta lalaki sir. Wala akong hininging kahit ano sa inyo bukod sa pagtulong niyo sa sakit ko sa puso. But now, I will ask for the last time to give me the chance to be happy with Luke" I wiped my tears as I cried infront of him.

" Your sister loves Luke, Aviona. Buo na ang desisyon ko. Let that man go. He's not good for you. And please, stop making this an issue. Nasisira ang pangalan ko. Ayokong malaman ng publiko na anak kita sa labas dahil kinakahiya ko ang kagaguhang ginawa ko." Dirediretso niyang wika.

" Mapipilitan akong pababain sa puwesto si Luke kung mananatili ka sa tabi niya. I gave up my career in politics because I thought of him to marry my daughter Cassandra. Walang alam si Cassandra sa pulitika kaya si Luke ang magtutuloy ng nasimulan ko. Stop whatever you have with Luke, Avi. Or else I won't have any choice but to take back his position" He said seriously.

" Pinaghirapan ni Luke lahat ng meron siya ngayon. Binoto siya dahil mabuti siyang pinuno. At hindi dahil sa inyo. Hindi ko hihiwalayan si Luke, Sir. Ipaglalaban ko ang meron kami dahil mahal namin ang isa't isa" I have spoken with finality.

" Then prepare to suffer the consequences, Aviona. Politics and love combined was never a bed of roses. Thorns are always there to inflict pain. Remember that" He muttered.

Wala akong imik habang sinundan ko siyang umalis.

Everybody might be against us but I will surely fight for what we have, Luke. Hindi kita susukuan.

-----

Unholy Sinner  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon