"Silas..."


Napatingin sa akin ang aking kaibigan na nakapikit kanina at ang kanang palapulsuhan ay nakapatong sa noo. Ngumiti siya bigla at namumutlang umupo. Tumakbo ako palapit sa kan'ya at tinulungan siya.


"A-ano'ng..."


"Ayos lang ako." ngumiti siya muli nang makaupo ng maayos. Umupo ako sa tabi ng paanan niya at hinawakan ang tuhod niya. Parang ako ang nanghina sa itsura niya. Putlang putla kasi siya tapos parang mas lalo pang pumayat.


Kalbo na si Silas, 2 years ago nakalabas na siya ng 'ospital talaga pero dumadalaw pa rin dito dahil ayaw niyang maramdaman na mag-isa raw ako. Pero ilang buwan palang ang nakakalipas, bumabalik na naman ang mga sintomas at last year, 'ayun. Bumalik ang leukemia niya.


After a long silence, Silas hugged me tight. He's not like this before so I assumed that he's really in pain right now. Habang nakayakap siya sa akin ay isa isa nang nagsituluan ang mga luha kong pinipilit kong pigilan. I bit my lip to suppress my sob.


"Alam kong umiiyak ka." sambit niya bigla at para ito ang nagtulak sa akin na iparinig na ang hikbing hindi na mapigilan. Naisandal ko ang baba ko sa balikat niya at niyakap ko rin siya. Ayoko... ayoko siyang...


"Silas, kaya mo pa naman hindi ba?" tanong ko sa gitna ng paghikbi ko at tiningnan ang mga mata niyang namumula na. He gave me sad smile and nod. "Silas!" I said and hit his chest lightly. He's saying 'yes' but his body's saying otherwise!


"What?" he chuckled. God, I really love Silas and he treated my like a princess. He treated me like his real family. The family that I will never experience with my parents.


I sit properly and covered my face and started to sob softly.


"Shiloh..." niyakap akong muli. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nag-usap. Actually, siya lang ang nagkkwento habang ako ay tumatango tango lang habang umiiyak. Hindi ko na tuloy namalayan na nakatulog na 'ko sa tabi niya.


"Silas... Shiloh... gising na kayo. Mag tatanghalian na. Walang nag breakfast sa inyo kanina." nagising kami kay Ate Ayah. Napadilat ako at nakita si Silas na nakaharap sa akin at nakapikit. Ang dalawang kamay ay magkadikit at iyon ang ginagawang unan.


"Sige Ate... sunod na kami." namamaos kong saad at ngumiti. Ngumiti rin siya at tumango. Ginising ko na rin kaagad si Silas at sabay na kaming pumunta sa kainan. Hindi ko na nga siya dapat isasaa at dadalan na lang ng pagkain dito kaso gusto niya raw bumaba at gusto niyang kamustahin ang kumag na si Joshua.


Pagkababa namin ni Silas na hawak hawak ko pa sa braso kasi baka matumba siya, ay ako ang halos mawalan ng balanse nang makita ang tatlong tao sa iisang table. Si Mommy at Daddy... at... Joshua. Nasa iisang table sila. Magkatabi si Mommy at DDaddy habang nasa harapan nila si Joshua.


Hinanap kaagad ng mga mata ko si Ate Ayah kung bakit magkakasama ang tatlo pero mukhang nauna pa kami kay Ate Ayah bumaba rito.


"Hindi ba't sila--"


"Tara, sa taas na lang tayo kumain." I cut him off because I know what will he say. He saw my parents with that idiot guy. Hinila ko na siya para matalikuran namin sila.


"Eh nandito sila Tito--"


"Shiloh? Silas?" napapikit ako nang marinig ang boses ni Joshua. Shit naman.


"Ayaw mo na naman sila makita?" tanong ni Silas.


"Oo kaya tara na--"


"Shiloh!" tawag ulit ni Joshua. I sighed. "Sila pong dalawa 'yong tinutukoy kong mga kaibigan ko rito sa 'ospital." napakunot ang noo ko sa narinig. Hindi niya alam na magulang ko 'yang kinakausap niya?


Infinite Love (Black Soraia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon