Epilogue

6 0 0
                                    


Kunot noo akong tumitingin sa bawat gilid habang naglalakad. Nasa gilid ko si Mama na bitbit ang ibang gamit ko. "Dito po siya sa room 733." sabi ng nurse at ngumiti sa akin. Parang ka-edad lang ni Marcus, ang Kuya ni Jaxon.


"'Ma, mauna ka na." sambit ko.


"Bakit? Saan ka pupunta?"


"CR lang." paalam ko at tumango naman siya. Naglibot ako at hinanap ang CR pero may nakapukaw ng atensyon ko. Ang magandang hardin. Dire diretso akong naglakad hanggang sa makapunta sa pasukan nitong garden.


Huminto ako at inilibot ko ang mga mata ko sa loob hanggang sa may natanaw akong isang babae at isang lalaki. Nnaingkit ang mga mata ko pero nang maaninaw ko ang babaeng nakatingin sa direksyon ko ay napatulala ako sa kan'ya.


Parang nangyari na ito sa buhay ko. She looks familiar at parang may koneksyon ang aming mga puso habang magkatinginan kaming dalawa. My heart felt happy but feels like someone's stabbing it too.


Noong araw rin na iyon ay napagdesisyunan kong magpahangin. Umalis na si Mama, babalik na lang daw siya. Hindi naman required ang may nagbabantay rito. Marami ring nurses dito. Balita ko nga ay rito mag iintern si Ivy.


"Gaano kaya 'yon katagal dito? 'Di naman siguro siya magtatagal-"


"Sino?" sabat ko. Nandito pala sa balcony 'tong babaeng umiyak kanina sa garden.


"Oh shoes!" nagulat siya? Hindi ko naman siya ginulat ah? I just said sorry and shrugged my shoulders coldly.


I felt numb when I entered this place. Ayoko rito. Pero wala akong magagawa sa gusto ni Mama at ni Papa. Si Lolo rin iyon ang gusto. Kaya um-oo na lang ako kahit hindi ko gusto.


She got my interest when she started to be rude to me. I found her cute too. At first I thought Silas is his boyfriend. Napaka close kasi nilang dalawa. Pero sabagay, hindi naman lahat ng close magkarelasyon. Issue lang talaga ako.


"What does the idiot needs?" she asked. Teka ako ba ang sinasabihan niya? Tingnan mo 'tong babaeng 'to napakasama!


"I...diot?" I asked. Baka kasi mamaya akala niya ako sa Silas.


"Idiot ka pala eh." sambit ni Nurse Venice na nasa tabi ko. Ah, sinama ko nga pala siya dahil papakilala ko siya kay Shiloh pero mukhang hindi siya natuwa kasi nagtaray siya.


"Mama hired her." paliwanag ko. "Mama wants me to have a personal or a solo nurse. Para raw... mas mabantayan ako or matutukan."


Pero hindi rin nagtagal ay bumalik din naman ako kay Ate Ayah. Si Nurse Venice naman ay rito na nagtrabaho.


Nang makilala namin si Vicenta, doon namin nalaman ang lahat. Ang mga tanong ko na hindi nasagot ay siya ang nakasagot. Dati pala siyang tagapagsilbi ni Cielo.


"Mama please ayoko po... Lolo." pakiusap ko. Ayokong ichemo dahil alam ko ang magiging side effects nito sa akin. Pero ayaw talaga nilang makinig. "Aghhh!!! Ayoko pa po talaga! P'wede po ba sa susunod na lang? Or kahit next week?"


"Anak, masyado ng matagal ang isang buwan. Kailangan mo ng simulan ang chemotheraphy mo. Nakalimutan mo na bang stage-"


"'Ma!" I cut her off. I don't want to hear what stage I am anymore. At kagaya dati, wala akong nagawa. Nakita ko sina Shiloh at Silas na nakasilip. Pero imbes na mainis dahil sa pagsilip nila ay ngumiti na lang ako. Ayoko mang kaawaan nila ako ay hinayaan ko na lang sila.


Infinite Love (Black Soraia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon