1

14 2 0
                                    


The breeze is cold. The surroundings are quiet. The sky is dark. The birds are roaming around and there's a girl who's sitting here on her bed and always staring at the space. And yes, i'm that girl.


"Shiloh! Shiloh!" I immediately stand up when I heard his voice. "Hi." he said as he entered my room. I rolled my eyes. Akala ko naman kung ano na'ng nangyari. "Hehehe natakot ka ba?" he asked and put his hand on my shoulder.


"Kasalanan mo talaga 'pag namatay ako ng maaga." his smile fade away.


"Shiloh." he said seriously. Ayaw niya talagang sinasabi kong mamamatay ako. Tss mamamatay rin naman ako. Lahat naman ng tao mamamatay. "Tara na kain na tayo. Pumunta talaga 'ko rito para ayain kang bumaba. Iinom ka pa ng gamot." but before I could react, he pulled me already.


"Silas."


He stopped walking and looked at me. He raised his eyebrows and stepped closer. "Bakit? May problema ba?" he asked. I shook my head and looked away. "Oh, eh bakit?"


"Pagod na 'ko." I said and tried to smile.


Natigilan siya sa sinabi ko. Sa tatlong taon ko rito sa ospital, at sa tatlong taon naming pagkakaibigan ni Silas, kahit kailan hindi ko sinabi 'yon. "Shiloh..." lumungkot ang 'itsura niya saka ako niyakap.


This is why I hate hugs. Mabilis akong naiiyak. Hindi ko na napigilan ang pag hikbi ko at niyakap din siya pabalik. "Shh... naalala mo nung una kong sinabi sa 'yo na kahit ano'ng mangyari, lalaban at lalaban tayo. Kung sakaling h-hindi tayo magtagumpay at least... lumaban tayo."


I nodded. "May kakaiba ka bang nararamdaman?" he cupped my face and looked at me seriously. I shook my head and wiped my tears.


"I'm sorry for the drama. Meron kasi ako." I said and tried to laugh. "Tara kain na tayo." alam kong hindi siya naniniwalang iyon ang dahilan ng pag-iyak ko. Alam kong alam niyang nahihirapan na rin akong lumabas.


I'm Shiloh Andrada Gabriel. 19 years old and stuck here in the hospital since I was 16. But when I was 6-8 years old, balik balik na talaga 'ko rito sa hospital. I cried so much when they told that they will put me here. This place is like a jail. When they put me here, hindi na nila 'ko masyadong binisita. Thrice a year nga lang yata nila 'kong dalawin dahil busy sila pareho sa trabaho. I have CHD or Coronary Heart Disease. Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha itong sakit na 'to dahil wala namang may sakit sa pamilya namin, ako lang.


"May bago kayong magiging kaibigan. May bagong pasyenteng ipinasok kanina ritong madaling araw." masayang sambit ni Ate Carol. Siya ang naka-assigned sa amin at siya na talaga ang nurse namin noon pa man.


"Talaga po? Sino?" Silas asked.


"Hindi ko naitanong 'yong pangalan pero tingin ko'y kasing-edad niyo lang. G'wapo!"


"Lalaki?" i suddenly asked. She nodded and smiled. "Ano'ng sakit niya?"


"Brain tumor."


Oh, damn.


"Sana ay kaibiganin niyo siya. Tahimik siya eh at medyo mahiyain. Kayo nama'y maingay at masiyahin kaya tiyak kong kaya niyong kaibiganin iyon." she said. Silas nodded.


After we ate, Silas decided to go to the garden. Since ayoko namang ma-stuck sa kwarto ko, sumama na 'ko. "Nabusog ako ro'n. 'Kaw ba?"


"Medyo." sagot ko habang nililinga linga ang ulo. Baka sakaling makita ang bagong pasyenteng tinutukoy ni Ate Carol.



"Sino'ng hinahanap mo riyan?" he asked.


"Ah... wala naman..." sagot ko pero ang ulo'y nililinga linga pa rin.


"'Yong bagong pasyente?" tanong pa niya na ikinatigil ko. Tiningnan ko siya at umiling na lang.


"Hindi ka ba nagsasawa sa lugar na 'to?" i asked.


"Dito? Hindi, bakit? Nakakarelax kaya sa mga mata ang bulaklak." sagot naman niya sabay lagay nung rose sa tenga ko.


"Hindi rito!" hinampas ko ang dibdib niya pero natawa lang siya habgn inaayos ang nilagay niyang bulaklak sa tenga ko. "Dito sa 'ospital."


"Hmm... nagsasawa rin. Pero hindi ka naman kasi nakakasawang kasama." he said with a serious face. I knew Silas since I was 16. I treated him like my true brother and I love him. But my love for him is completely platonic. "'Yon nga lang ang boses mo ang nakakasawa." napasimangot ako sa sinabi niya. Kaya naman dali dali ko siyang hinabol hanggang sa maikot na namin ang buong garden.


"Teka taympers!" I shouted and hold my both knees. Mabilis akong mapagod totoo iyon, pero ang hindi totoo eh 'yong pagod na 'ko ngayon sa simpleng takbuhan namin.


"Okay ka lang?" tanong niya at hinawakan ang likod ko. Dali dali ko namang nahuli ang kamay niya saka ko siya inakbayan at kinaltukan. "Aray!!!! Madaya ka Shiloh!!!" hindi pa ako nakuntento. Pumunta ako sa likuran niya at doon naman siya sinakyan. Wala siyang nagawa kundi hawakan ang mga binti ko kasi malalaglag ako at masasaktan kapag binitawan niya 'ko.


Sinakal ko siya pero hindi naman mahigpit at sinabunutan. "Aray ko tama na talo na talaga ako sa 'yo! Hindi na 'ko lalaban!" he shouted. Tumigil na rin naman ako dahil pagod na 'ko at inihilig ang ulo sa balikat niya sa hingal. "Oh, edi napagod ka rin." sambit niya at nag lakad lakad habang ako'y nakapasan pa rin sa kaniya.


"Baba," sambit ko pa makalipas ang ilang segundo dahil baka nabibigatan na rin siya sa 'kin. Sakto naman at pagbaba ko sa kan'ya ay may natanaw kaming isang lalaki sa may pasukan dito sa garden. Natulala ako nang makita siya sa hindi malamang dahilan.


May katangkaran siya, matipuno ang katawan, itim ang buhok at brown ang kulay ng mga mata. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko kaya naman napahawak ako rito habang nakatingin pa rin sa kan'ya. Maging siya'y nakatingin sa akin at nakita ko ang lungkot sa kan'yang mga mata.


Magkakilala ba kami? O... nagkakilala na ba kami noon?


Umihip ang malamig na hangin. Kasabay noon ang pagpatak ng mga luha ko. Dalawang pakiramdam ang naramdaman ko sa puso ko habang nakatingin sa kan'ya.


Saya at sakit.


~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~>~


twitter acc: @/lunametstellas


please vote and comment. thank you. :)

Infinite Love (Black Soraia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon