20

4 0 0
                                    


I did not leave his side. Even though he's brain dead and the only thing that's keeping him alive is the machine, I still believe that one day, he'll woke up and will get back in my arms.


"Kumain ka muna." ani Ate Ayah at dinalhan ako ng pagalin dito sa k'warto ni Joshua. Kumuha siya ng stool na upuan at inilagay sa harapan ko. "Shiloh, huwag mo naman pabayaan ang sarili mo. It's been three months. Ngumingiti ka pero nararamdaman ko kung gaano kapeke 'yon. Dahil sa tuwing mag-isa ka'y tulala ka."


Nakatulala lang ako kay Joshua habang nakikinig kay Ate Ayah. Hindi na 'ko umiiyak pero palagi nga akong tulala sa t'wing mag-isa. Hindi na rin ako nakikijoin sa iba o nakikihalubilo.


"Ano'ng gagawin ko? Wala na 'kong makitang rason kung pa'no maging masaya." I simply said. Sa totoo lang, hindi na lang ako nagsasabi sa kanila pero araw araw sumasakit ang dibdib ko simula nang mangyari ito.


Ang mga unang gabing nawala si Joshua sa tabi ko ay walang oras na hindi ako umiiyak. Nang tumigil at mamanhid naman ako ay tulala na lang ako pero ang loob ko'y nananakit pa rin.


I sighed. "Kakakain na 'ko Ate Ayah. You can leave." I smiled. She smiled too and tapped my shoulder.


Habang kumakain ay nakatingin lang ako sa kan'ya. Maya maya'y nananakit na naman ang dibdib ko.


"Mahal, nararamdaman ko ma ang sinasabi mong pagod ka na. Pagod na rin ako." I smiled painfully. "Noon pa man ay gusto ko nang magpahinga, but Silas didn't stop to make me smile and he gave me a reason why should I be alive. Pero nawalan ulit ako ng pag-asa. Until you came... mas binigyan mo ako ng pag-asa. I... I'm getting weak each day. Look how pale I am."


Yumuko ako at nagpatuloy sa pag kain. Nagulat ako nang may pumatak sa kinakain ko na kulay pula. My hands trembled as I touched my nose. It's a blood. My nose is bleeding.


Nag blurred ang paningin ako at nanlabo hanggang sa tuluyan na 'kong mawalan ng malay.


"Señyorita?" dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Nanlalabo na ito ngunit alam ko ang tindig at liit ni Vicenta. "S-señyor! Ama! Ina! Tulungan niyo po kami!" nagtaka ako kung bakit siya nagsisisigaw ng ganoon ngunit napag-alaman ko rin nang maramdamang basa ang ilong ko.


Nagdudugo ang aking ilong at hindi ako makatayo sa sakit ng aking puso at ulo. Pakiramdam ko'y anumang oras ay p'wedeng huminto ang pagtibok ng puso ko.


A-ako'y naghihingalo na...


"Ama..." namamaos kong wika. Ni hindi na ako makapagsalita nang maayos. Pakiramdam ko'y buhat ito ng aking magdamagang pag-iyak at pagluluksa na napakasama para sa aking kalusugan.


"Cielo!" nakakabinging sigaw ni Ama at akmang bubuhatin na ako nang pigilan ko siya.


"Pakiusap... huwag. Nahihirapan na ako." nagsimula na namang tumulo ang aking mga luha. Ni hindi ko na sila matanaw ng maayos. Sobrang sakit na rin nang aking dibdib. "Ama... hindi na kaya ng aking puso. Maaari mo na ba akong pagpahingahin? Nais ko nang sumunod kala Ina, Tiya at... Anselmo."


"Hindi! Hindi ako papayag na pati ikaw na aking unica hina ay mawala! Cielo parang awa mo na! Huwag mong gawin ito sa akin."


Infinite Love (Black Soraia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon