Maaga akong ginising ni Ate Ayah para sa treatment ko. Si Silas naman ay maaga ring nagising dahil maaga raw siyang nagutom. Which is not new.

"Ate Ayah..." kinalabit ko si Ate Ayah na nag-aayos ng medicines ko. She looked at me and raised her eyebrows. "Is Joshua's still... sleeping? 10:00 am na kasi. Hindi pa ba siya... mag bebreakfast?" I asked.


"Ha? H-hindi niya sinabi sa inyo?" nagtaka ako sa sinabi ni Ate Ayah kaya napaayos ako ng tayo.


"What do you mean by that?"


"Ngayon siya ichechemo, Shiloh. Nandiyan 'yong Nanay at Lolo niya." nabitawan ko ang hawak kong baso. Buti na lang at hindi iyon babasagin at wala ng laman na tubig.


Ichechemo siya ngayon... and he didn't tell me! I mean, us! Wait, baka naman sinabi niya kay Silas?


Without hesitation, I immediately stood up and went to Silas' room. "Silas!" I shouted.


"Anak ka ng tupa!" he fell on the floor when I slammed and enter his room. "Sino ba 'yan--" tumayo siya habang himas himas ang ulo. Hindi niya na natuloy ang sasabihin nang makita ako. "Ikaw lang pala. Bakit ka naman nanggugulat--"


"Joshua's chemotherapy is today. Do you know about that? Please be honest."


"Ano?!" his eyes widened as he approached me. "Nasaan 'yong siraulong 'yon?! Bakit hindi manlang nagsabi?!" so he didn't know...


"Tara na!" I said and pull him.


"Aghhh!!! Ayoko pa po talaga! P'wede po ba sa susunod na lang? Or kahit next week?" napahinto kami nang marinig ang boses na iyon. Si Silas ang nagbukas ng pinto nang dahan dahan. Ang mukha niya'y nasa taas ng ulo ko. Konting uwang lang kasi ang ginawa namin para hindi kami makita.


"Anak, masyado ng matagal ang isang buwan. Kailangan mo ng simulan ang chemotherapy mo. Nakalimutan mo na bang stage--"


"'Ma! Opo alam ko po! Pero kasi..." I could see the frustration on his face. But I understand him. This is his first time. My jaw dropped when I saw his tears. "Hindi ba kapag nagchemo mas lalong..."


"Pero mas may chance rin. Hindi ka gagaling kung hindi ka magpapachemo Joshua." sambit ng Lolo niya. Yumuko si Joshua at dahan dahang tumango. Kasabay naman noon ang pagpatak ng mga luha niya. "Nandito lang kami apo. Palagi."


At nang iangat ni Joshua ang mukha niya ay saktong tumapay ito sa direksyon ko. He saw me! He saw us!


I thought he'll be surprise but he gave me a weak smile which made me SURPRISE.


"Shiloh tara na..." I was too pre occupied to talk so I just let him pull me. "Okay ka lang ba?" he asked and sat on the floor. Nandito kami ngayon sa rooftop.


Umupo na rin ako at ngumiti. "Oo naman..." nakakalungkot lang na sa likod ng ngiti ni Joshua, may tinatagong paghihirap.


Hindi na 'ko nabigla nang bigla niya akong higitin at isandal sa balikat niya. I smiled as I leaned on him.


"Hanggang kailan kaya tayo rito?" I asked out of nowhere. "Hanggang kailan tayo lalaban? O... baka naman lumalaban na lang tayo para sa wala?" I looked at him.


Infinite Love (Black Soraia Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon