Finale

1 0 0
                                    

Yoshiro's POV

We didn't use our bicycles to go to school today because I just brought out dad's rusting Lamborghini. We totally snatched the spotlight when we got to school. Murmurs were all around us but I really don't care. Dumiretso kaming tatlo sa JCR and found it occupied. Lahat sila tumigil sa ginagawa nila at nakatingin lang samin.

"I-send niyo sakin yung mga natapos niyong articles pag meron na. Itinuro naman siguro ni Sir Alfred kung pano di ba?" walang sumasagot, nakatingin parin sila sakin. I then put liquid eyeliner at my upper eyelids and they all gasped.

"Sa tingin ko mas kilala nila si Devily kaysa kay Yoshiro" Walder chuckled then someone came rushing in.

"Sir Alfred, kumusta" bati ko na parang walang nangyari.

"Dev--"

"Ah, Ms. Steves na lang" putol ko at halatang nagulat siya sa sinabi ko.

"Pero siyempre ako parin si Devily pero Ms. Steves na lang itawag niyo sakin" dagdag ko at humarap sa mga bagong recruit.

"Ako nga pala si Yoshiro Steves, also known as Devily and your editor-in-chief. Pasensya na at wala ako nung seminar at interview pero alam kong karamihan sa inyo nakahinga nung hindi ako nagpakita. Ngayon, titignan ko kung anong kaya niyong gawin. Kung may problema man andito kami ni Sir Alfred na pagtatanongan niyo. Alam niyo naman siguro kung paano ako magtrabaho. Bigyan niyo ako ng sample article na ive-verify ko kung kailangan bang ilagay sa paper o hindi. Pag pasado yung article, bibigyan ko kayo ng request to pass complete article. Pero pag hindi, makakatanggap kayo ng denied. At dahil nga andito na kayo, tutulungan ko na din kayong mag level up. Ituturo ko sa inyo lahat ng alam ko sa bawat page, editing, at format. Isa lang ang gusto kong maging produkto ng JCR, ang school paper na magiging top 1 nationwide. Malinaw ba?" nagulat na lang ako nung bigla silang nag cheer ng napakalakas pati si Sir Alfred at yung dalawa sa tabi ko.

"Anong meron?"

"Sino siya ulit?" tanong ni Sir Alfred

"Devily! Lahat possible!" sigaw nilang lahat that made me laugh. It made them quiet.

"Sinong nakaisip niyan?" tanong ko habang sinusubukang tumigil sa pagtawa.

"Ako, bakit?" tanong ni Sir Alfred na mas lalong nagpatawa sakin.

"Kaya pala ang pangit sa tenga"

"So anong gusto mo? Yoshiro siraulo?" tanong niya at nagpatawa saming lahat.

"Now that's better" sabi ko at sa wakas, tumigil na ako sa kakatawa. May dumating na naman na muntik masubsob sa floor dahil sa bilis niyang tumakbo.

"Valor, may problema ba?" tanong ni Sir Alfred at tumingin kaming lahat sa bagong dating.

"Hannah?" ah, alam ko na.

"Guys, kung sino man sa inyo ang makaka gawa ng article para sa title na ibibigay ko, siya ang magiging assistant ko" anunsyo ko at hindi humihiwalay sa titig ni Valor.

"Yoshiro Steves won Ms. Muse in the Kentstone High Sports Festival"

"Ikaw si Hannah?!" tanong nilang lahat. Inalis ko ulit yung eyeliner ko at bin-nraid yung buhok ko saka ko sinuout yung anti radiation glasses ko.

"Let's play basketball!" sigaw ko using the same soft voice I used when I was pretending to be Hannah.

"Haaaaaaa???!!!"

"And this dude has a crush on me" I teased and patted his cheek that went beet red. Then Kyouhei pulled me towards him.

"And you won't go beyond that" sabi niya at pinakita yung singsing naming dalawa.

"Big scoop din to!" sigaw ni kuya.

"Kaibigan, pwede ba?" tanong ni Valor.

"Sure, but go beyond that and I'll make sure you won't see the sun again"

"Asus si Kyouhei. I was yours ever since so you don't need to worry" sabi ko sa kanya at dumiretso sa desk ko.

"Kayong dalawa, members na din kayo ng JCR kaya maghanap na kayo ng trabaho niyo"

BugsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin