Chapter 6: Hardinero
Alas diyes pasado ng umaga nang makarating ako sa mansion. Nagpababa lang ako sa tapat ng gate. Wala pang ilang segundo ng salubungin ako ng guard na sya namang nagbukas sa akin ng gate. Nagprisinta pa itong samahan ako hanggang sa pintuan ngunit tinanggihan ko.
Hindi ako sanay. At isa pa kaya ko namang maglakad ng mag-isa. Nagpasalamat nalang ako kay kuya guard bago ako nagpatuloy na sa paglalakad.
Bago ko marating ang pinto ay madadaanan ko muna ang isang napakagandang fountain. Sa gitna nito ay may nakatayong babaeng anghel na may hawak na banga at doon umaagos ang tubig. Naalala ko noon na mas maganda itong pagmasdan tuwing gabi dahil sa nag-iiba ang kulay ng tubig sa disenyo nitong may pa-ilaw. Ngayon ko lang rin napansin ang iba't ibang uri ng santal sa palibot nito.
Hindi ko namalayan na napahinto na ako habang may ngiti sa labi.
"It's been so long since I've seen your smile." Napalingon ako sa nagsalita na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi.
He is wearing a Nike white headband, sky blue shirt, white tennis short and white wristbands. Still looking handsome as usual. Nakapatong pa ang tennis racket sa kanang balikat n'ya.
"Kuya Vince!" Nagmadali ako sa pagpunta sa kanya.
"W-wait I'm full of sweat."
Hindi ko sya pinakinggan sa halip ay mas lumapit pa ako para mayakap sya. Muntik pa kaming matumba pero nagawa nya ring mabalanse ang bigat namin. I giggled. Gumanti rin sya ng yakap.
"Why do you always do that?" He chuckled. Marahan pa syang napapailing sa akin.
"I miss you, Kuya Vince." I winked at him nang kumalas ako sa yakap nya.
"Ang bango mo pa rin kahit pawis na."
"Liar!" Ginulo nya ang buhok. "Come on, let's go inside so that I can take a shower. Pinagtitripan mo na naman ako, Suenella Wynette."
Natawa nalang ako sa naging reaksyon nya. Mabango pa rin naman sya wahaha. Iyon nga lang amoy araw na.
"Ito naman si Kuya Vince Raphael hindi na mabiro! Wala man lang bang 'I miss you too' dyan?" Hirit ko pa pero inunahan nya ako sa paglalakad.
"Hey wait up! Kuya Vince!" Napatakbo na ako para mahabol siya.
Nakatanggap siya ng hampas sa balikat nang maabutan ko siya. Nakakainis kasi kahit kailan hindi tinubuan na pagka-sweet sa katawan!
"Ouch! Suenella respect. I am still your kuya!" Daing niya sa akin. Inirapan ko nalang nga.
"And I am your cousin. Can't you be sweet for once? Buti nga umuwi ako para sa birthday mo kuya." May bahid ng tampo ang boses ko.
Nagpapadyak ako papuntang pinto para pumasok na sana nang hilahin niya ako. His eyes softened. Pero kalaunan ay ngisi ang lumitaw sa labi. Umirap ulit ako.
"Tampo queen. I miss you too, little Snow."
Ako naman ang napadaing ng pisilin nya ang pisngi ko. Marahas kong tinabig ang kamay niya.
"Arouchhh! Ayoko na mapanakit 'yang miss mo! And I'm not a little girl anymore." Napanguso ako bago ko tuluyang iniwan.
Nakakainis talaga si Kuya Vince lagi nalang baby ang tingin nila sa akin especially him. When I'm not, I'm not a little girl anymore!
Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang maganda at eleganteng disenyo ng bahay. Hinayaan ko ang mga mata ko na pagmasdan at hangaan iyon. Saglit kong nakalimutan ang pagkainis ko kay kuya Vince. White at gold ang nakapalibot sa loob ng mansion, malayong malayo na sa itsura nito noon. Mas gumanda at mas naging maaliwalas. Sa salas palang ay bumungad na sa akin ang gawa sa diyamante at gintong chandelier. One word, wow.
BINABASA MO ANG
Kissed by the Wind
Romance"He's a strong wind I don't want to encounter. A tornado, I don't want to be trapped. And yet I was kissed by him." - Suenella Wynette Llamera. Suenella Wynette "Snow" Llamera is a simple, sweet and loving girl and daughter. She's a papa's girl. One...