Chapter 14: Peck
"Suenella, hija you are really good at baking! This taste good." Tita Ofelia exclaimed.
"Mukhang kailangan mo nang magpatayo ng bakeshop, Rico." Hirit naman ni Tito Damian kay Papa.
Nandito kami ngayon sa dining area. Katatapos lang naman kumain ng lunch, Jollibee foods na dala nila Kuya Vince. Si Diana ang nagprisinta na kainin ang binake kong leche nana para sa dessert. Kabadong kabado pa ako kanina pero agad rin namang nawala. Masaya akong makita na nagugustuhan nila ang ginawa ko.
"Pinag-iisipan ko na nga 'yan." Pagsakay naman ni Papa sa biro ni Tito Damian.
"That's great."
"Apo, sa susunod na pagpunta mo ay dalhan mo ulit kami nito ng lolo mo." Pagbaling sa akin ni Lola Feliza na syang katabi ko lang.
Tipid akong tumango nang may matamis na ngiti.
"Syempre naman po. Hindi nyo pa man sinasabi, dadalhan ko naman talaga kayo!"
Narinig ko ang marahan nilang pagtawa ni Lolo Julio. Parang natunaw na naman ang puso ko.
"Hep, hep. Pero po hindi lagi lagi. Kailangan nyo pong umiwas sa mga matatamis, hindi po ba?" pinaningkitan ko sila ng mata. Ginulo tuloy ni Lolo Julio ang buhok ko.
"Minsan lang naman, apo. Pagbigyan mo na... " ani Lolo Julio.
Peke akong bumuntong hininga. "Deal. Sige na nga po. Hindi ko naman kayo magagawang tanggihan ih." Tumawa ang dalawa sa akin.
"Hmm... this is my favorite na Ate Snow! Can you teach me rin po on how to bake this?" Diana pouted.
I slowly nodded while letting out a giggle. Ang cute naman nya!
"Sure. Basta ba nagka free time na ako, okay?" Masaya naman syang tumango sa akin.
"Yeah. This is really tastier than Amielle's cookies." saad ni Bryce suot ang mapang-asar nyang ngiti.
Inirapan ko na lang sya ulit. I want to be flattered at his compliment but I couldn't do so, knowing that he had to be rude and utter those words in front of her sister. Ang sarap rin kutusan si Bryce kung minsan e.
"Oh, talaga Kuya Bryce? Don't worry, you won't gonna taste my cookies anymore. Ah, yes... I will also pretend that I never saw you sneaking out late at night in the kitchen, grabbing a couple of cookies at my cookie jar. Hindi mo talaga gusto ang cookies ko." nanunuot ang sarkasmo sa boses ni Amielle. Potchi, gusto ko nang tumawa ng malakas.
Kitang kita ko ang mabilis na panlalaki ng mga mata ni Bryce. Huli ka balbon! Akala siguro sya ang makakapuntos sa inisan nila ni Amielle.
"Shut up. I don't know what you're saying, Amielle." Nagsalubong ang kilay nito at itinuon na lang ang atensyon sa pagkain.
"Okay, fine. Sinabi mo po, Kuya." Nakangiwi na nagkibit balikat si Amielle.
Hindi na nakikinig si Bryce sa amin subalit hindi rin lingid sa kaalaman ko na sinadya ng buang iyon. Napahiya ang loko ih. Napatawa na talaga ako nang makita kong nag-apiran si Amielle at Diana na kapwa pa nakangisi.
Kabisado ko na ang mga ganyan nila. Nagsisipagbunyi kapag natatalo nila ang nakakainis na Kuya. Pero syempre, alam ko rin na mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi ko rin maikakaila na ilang beses na rin akong nakaramdam ng inggit sa kanila. Mainggit at humiling na sana may ganyan rin akong mga kapatid. Na ano kaya sa pakiramdam na tawaging Ate? Na may kapatid na bukod kay Papa ay napagsasabihan ko rin ng mga bagay bagay.
"Are you okay? You're spacing out." ani Gadiel sabay sulpot sa harap ko.
Katatapos ko lang tumulong sa pagluluto ng handa para sa Noche Buena mamaya. Sa katunayan nga ay ako ang nagluto ng beef steak ala Llamera. Masyado lang sigurong lumipad ang isip ko dahil sa kaunting pagod.
At hindi ko rin sukat akalain na pati rito sa balkonahe ay masusundan ako nitong si Gadiel. Gosh, parang hindi sya hinahanap sa kanila ah?
"Ayos lang ako. Tsaka, teka nga ba't ba lagi kang nandito? Labas pasok ka na lang ba sa mansion na 'to?" Iritado kong anas sa kanya.
"Ah, I guess yes. Kaibigan ko ang Kuya Vince mo, hindi lang 'yon close rin talaga ako pati sa iba pang Ylarde." Proud nyang tugon. Yabang.
"Close nga ba? O feeling close?" Ismid ko.
"Oy, grabe ka naman. Wala ka bang tiwala sa socializing skills ko, Suenella? Huh, darling?" Binasa nya ang kanyang pang ibabang labi bago kinagat. Mas lalo tuloy iyong namula.
Hayy, ano ba 'tong naiisip ko?! Stop looking at those sinful lips Snow! Kaya sa inis ko ay napapikit na lang ako at tikom ng bibig. Hanggang sa marinig ko na lang ang mahina at nakahahalina nyang tawa.
Gosh, tempting laugh too! Ayoko na.
"Expecting for a kiss, darling?" I smelled his candy scented breath in front of my face.
Mabilis na nagsigapang paitaas ang dugo ko. At sa mga oras na ito ay alam kong pulang pula na ako sa kahihiyan at iba pang hindi maipaliwanag na dahilan.
"You won't get one. Be my girlfriend first, Suenella." he whisphered to me, his voice is tickling me.
And my heart skipped its beat when he swiftly gave me a peck on the side of my lips. I abruptly opened my eyes almost ready to protest when...
"Sweetpea?"
Pagmulat ko ay doon lang rumehistro sa akin ang posisyon namin. Gadiel crouched and cornered me on the railing of the balcony. Sa taranta ko ay marahas ko syang naitulak bago pa kami madatnan ni Papa.
"P-Papa!" Agad naman nya akong narinig at paglingon nga sa amin ay awkward akong napatawa.
"Good afternoon, Sir!" Bati naman ni Gadiel.
"Kanina pa kita hinahanap, anak. Nandito ka lang pala."
Hindi ko alam kung sinadya ba ni Papa o ano dahil hindi nya talaga binalingan si Gadiel. Nagmistulang hangin ang lalaki habang diretsahan naman ang paglapit sa akin ni Papa.
"Come on, sweetpea. Can you help me cook your favorite?" My father asked me softly.
"Of course, Pa! Ano po bang favorite iyon?" Papa neared me before he whispered something.
"Buttered chicken and bake mac. How's that sound, sweetpea?" I giggled.
"Tara na po, Pa!" Sabay hila ko na sa kanya pababa. Sa sobrang saya ko sa pagkain nakalimutan ko na ang presensya ni Gadiel doon sa balkonahe.
Medyo na-guilty ako na ang sama ng trinato ko sa kanya. Kaya pagkatapos namin magluto ni Papa ay pasikreto akong kumuha at inilagay iyon sa disposable food container. Balak kong ibigay kay Gadiel bilang peace offering ko.
Sa pag-aakala ko na nandoon pa rin sya sa balkonahe kaya doon ako dumiretso pero wala na pala sya. Nadatnan ko na lang ang isang kasambahay na naglilinis doon.
"Ate may nakita po ba kayo ritong lalaki kanina? Umalis na po ba sya?"
"Ah, si Sir Gadiel po ba?" Tipid naman akong tumango.
"Opo, kanina pa po sya umalis. Sumama po ata kay señorito Vince. Baka po maglalaro ng tennis."
"Gano'n po ba. Salamat po, Ate."
Nakasimangot akong napaupo sa hagdan. Nagalit o nagtampo kaya ang isang 'yon sa akin? Pero mali rin naman sya kanina ah? Nagnakaw na naman sya ng halik! Ang lalaking iyon laging taliwas ang sinasabi sa mga galaw nya.
Sayang naman pala 'tong pinuslit ko. Sayang nga ba? Hmph, of course not! Paborito ko 'to kaya akin 'to!
"Suenella, hija can you please give this to your Kuya Vince? Those are their snacks." pakiusap sa akin ni Tita Ofelia.
Seriously, tadhana joke ka ba? Ayokong makita 'yong malandi na 'yon tapos... hayy, ah basta ihahatid ko lang 'to. Bahala na sila.
BINABASA MO ANG
Kissed by the Wind
Romance"He's a strong wind I don't want to encounter. A tornado, I don't want to be trapped. And yet I was kissed by him." - Suenella Wynette Llamera. Suenella Wynette "Snow" Llamera is a simple, sweet and loving girl and daughter. She's a papa's girl. One...