Chapter 18: Sharifa
"Long time no see, couz!" Sharifa greeted me with her honeyed voice. But I know her too well that behind her sweet smiles and cheerful greetings are fakeness and wickedness.
Napalingon ako sa paligid ilang minuto lang ang nakalipas bago umalis si Gadiel para umorder sa Mcdo. Matapos kasi naming manood ng movie ay nagyaya akong kumain. Hindi naman kasi naging sapat iyong popcorn tsaka drinks kanina at nagrereklamo pa rin ang alaga ko sa tiyan. Kaya ang lalaki, ayon inasar asar muna ako bago umorder. Mabilis naman akong nakahanap ng upuan at hindi naman ganoon katao ang Mcdo ngayon.
Iyon nga lang, iisa lang ata ang alam na kainan nitong si Sharifa. O sadyang napakaliit lang talaga ng mundo?
Pumikit ako ng ilang segundo. Ngunit sa huli ay wala ring nangyari, bwisit akong tinapunan sya ng tingin.
"Don't give me that look. Namiss ko lang talaga ang favorite kong cousin! Is that bawal?" Akmang yayakap pa ito sa akin nang iharang ko sa harap nya ang palad ko.
I threw her a disgusted look. Ako? Hahayaang yakapin ng babaeng ubod ng plastik? Uhuh? No, thank you. Sorry not sorry.
She grimaced. Nagtaas kilay bago tuluyan nang umirap sa akin. Finally, the real Sharifa Ashley Vigor is infront of me.
"So, who are you with?" Taas kilay na tanong nito sa akin.
"Hmm, take a guess." Hamon ko rito.
"I'm not in the mood of guessing kasi. So, would you mind just spilling the tea?" anito sa pinakamaarteng paraan ng pananalita.
"Well, I'm not also in the mood of talking to you. Mind if you just leave me alone?" mataray kong saad naman sa kanya.
"You!" She gasped. "But I'm not leaving unless I confirm something to you." Dinuro duro nya pa ako. Taena, ginawa pa akong turo-turo.
Kung tao lang ako na hindi nakikita, siguradong nausog at nabati na itong babae na 'to!
Oh goodness, asan na ba 'yan si Gadiel? Pwede bang sumulpot na lang sya bigla nang lumayas na ang babaeng 'to sa paningin ko. Naririndi na naman ako sa kaartehan at ka conyo-han ng boses nya!
"Lowly bitch." She uttered in a grating voice.
"What did you just say?!" pag-alma ko sa sinabi nya. Mali ba ako ng rinig?
Bakas ang galit sa ekspresyon nya ngunit sa kabila nito ay nagawa pa ring lumitaw ng isang mapanuyang ngiti sa kanyang maumbok na labi.
"So you're acting like bingi ka? Clearly proves how low class bitch you are, my dear cousin!" Itinukod nya ang siko sa lamesa at inabot ng isang kamay nya ang buhok ko at marahas na itinapon sa likod ng balikat ko.
"Is this some kind of your revenge at me? Huh?!" Angil nya at akmang hihilahin ang buhok pero napigilan ko ang kamay nya.
Masama ko syang tinitigan habang humihigpit ang hawak ko sa palapulsuhan nya. Hindi pa kami nagkasakitan simula bata na ganitong aabutan sa buhatan ng kamay. Nakakatawa lang na kung kailan malaki na kami ay tsaka pa kami magkakaganito. At sa anong dahilan? Dahil na naman sa isang lalaki.
Ayoko rin naman at hinding hindi ako papayag na masaktan nya ako nang hindi ako nakagaganti. I know that my mother once told me to let kindness always fill my heart but then, my heart isn't that good like Cinderella. So, I'm sorry Mama, wala atang magiging mabait sa harap ng impaktitang pinsan na ganito!
"Ouch!" she winced while looking pained exaggeratedly. "Let go of my hand, bitch! If a pantal would be visible on my skin, you'll be dead to Mommy and Daddy!" she shouted dramatically at me. As if I would buy her words.
BINABASA MO ANG
Kissed by the Wind
Romansa"He's a strong wind I don't want to encounter. A tornado, I don't want to be trapped. And yet I was kissed by him." - Suenella Wynette Llamera. Suenella Wynette "Snow" Llamera is a simple, sweet and loving girl and daughter. She's a papa's girl. One...