Chapter 19: Glow up
Tulala pa rin akong nakatitig sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan rin ako sa kung anong dahilan. Ang kanina nitong ngiti ay abot pa sa mata ngunit sa isang kisapmata'y umahon ang galit sa kanyang mga mata.
Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang tumaas sa ere ang kamay nya. Napapikit ako at handa nang saluhin ang sampal na wala akong kaide-ideya kung para saan.
Ngunit nakalipas na ang ilang segundo ay wala akong natanggap. Napamulat ako't likod ni Gadiel ang tumambad sa harap ko.
"What are you doing, Dad?" madiin nyang tanong.
Tumaas ang sulok ng labi ko. Ano? That's his father? Pasimple akong sumulyap ulit kay Mr. Montejo at doon ko nga napansin ang labis nilang pagkakahawig sa isa't isa. Iyon nga lang tuwid ang kulay tsokolateng buhok ng ama nya.
"Who is she, son?" Mabilis na nabawi nito ang kamay sa anak bago ako binalingan ng tingin. Wala namang imik si Gadiel at bahagya pa akong itinulak sa likod nya.
"Don't act ridiculous, son. Why don't you formally introduce me to the lovely young lady, eh?" anito sa nasisiyahang boses.
"She's my girlfriend, Dad. You don't have to know her name." Gadiel uttered in a monotone voice.
"Is that so?"
Gadiel pulled my arm and whisphered, "Let's go, darling. I'm getting displeased by the ambiance here." I simply nodded at him.
Hindi pa man kami nakaiilang hakbang ay nagsalita ulit ang ama nya.
"By the way, hija why is that your beauty reminds me of someone dear to my heart. Are you an Ylarde?"
Napatigil kami sa paglalakad. Lilingunin ko na sana ang ama nya nang pigilan ako ni Gadiel at ilang beses pa itong umiling sa akin. Naguguluhan man pero itinikom ko na lang ang bibig ko. Marahan na muling hinila ni Gadiel ang kamay ko kaya nagpatangay na lang rin ako.
Napakabastos man ng ginawa namin ngunit ito na lang ata ang nakabubuti para hindi na tumaas pa ang tensyon.
"Bilis na bish! The nerds won't like it if we're going to be late!" Pagmamadali nito sa akin. Sya na rin nga ang nagpresintang magtago ng gamit ko sa bag.
"Teka lang nga! Hindi pa ako nakakapag-ayos." I hissed at her.
"Ay gaga. Pakibilis bilisan naman oh. Anong oras na? Ang bagal bagal." Sita naman ni Hisha nang may kasama pang pagtapik sa wristwatch nya.
"Alam nyo, bakit kaya 'di na lang kayo mauna? Hiyang hiya na ako sa kaapuraduhan nyo!" Inirapan ko na nga ang mga kurimaw.
Sina Hisha at Resha bilang mga sarili nila hayan, syempre hindi nagpatalo at umirap din sa akin. Habang si Atara naman ay napapahagikhik lang sa tabi ko. Nagsusuklay sya ng buhok bago iyon ipinusod sa isang messy bun. At nang maglalagay na nga sya ng liptint ay doon naman nagsipagkumpulan ang dalawang kurimaw.
Tipid na lang akong napailing sa itsura ng dalawa. Mukha pang nag-aagawan pa kung sino ang mauunang manghingi ng liptint kay Atara.
"Huy, mga kurimaw talaga! Ang yaman yaman nyo, nakikihingi pa kayo ng liptint. Eww!" Ismid ko sa kanila. Umasim lang ang mukha ni Resha samantalang nakangiwi naman si Hisha sa akin.
"Kuripot!" dagdag ko pa.
"Kuripot my ass!" asik naman ni Hisha.
Hindi ko na lang nga pinansin. Mas pinagtuunan ko na lang ang mukha ko sa salamin. Medyo maputla na ang labi ko kaya naglagay ako konti ng pink lipstick at face powder. Sinuklay ko rin ang maalon kong buhok na hanggang baywang ko na. At tinapos ko iyon sa pagpapabango ng Cleo, ang paborito kong scent sa AnScents, perfume company ng mga Ylarde.
BINABASA MO ANG
Kissed by the Wind
Romance"He's a strong wind I don't want to encounter. A tornado, I don't want to be trapped. And yet I was kissed by him." - Suenella Wynette Llamera. Suenella Wynette "Snow" Llamera is a simple, sweet and loving girl and daughter. She's a papa's girl. One...