Chapter 28: Wish
My sobs bated when I felt a coat being draped on my shoulders. My heart skipped a beat thinking it might be him but when he spoke...
"Don't cry all by yourself. You know you can always cry on my shoulder, Ate Snow." he gently pulled me closer to him and hugged me tight.
I gripped his arm and shed another bunch of tears. I sobbed and cried until I get tired. Tahimik lang si Bryce habang niyayakap ako at inaalo.
Why the hell did I think that he would come after me? That he would somehow explain and enlighten me? I guess, we're really through...
Suminghot ako at marahas na hinawi ang mga luha kong maya't maya ang pagpalis ni Bryce. Tama na, wala rin namang magbabago kung mag-iiyak ako. Kaya tama na.
"S-Salamat Bryce..." kaagad kong tinanggap ang panyong inilahad niya.
"S-Sila Kuya Vince?" medyo poot ang boses na tanong ko.
"Umuwi na sila, kasama niya na sina Amielle at Diana pauwi ng mansyon. Don't worry Ate Snow, ipinadala ko ang kotse ko. Gusto mo na bang umuwi?" malumanay niyang tanong sa akin at mariing pinakatitigan ang buong mukha ko.
I gave him a weak smile before nodding slowly. Inalalayan ako ni Bryce na tumayo ng maayos hanggang sa naglalakad na kami papuntang kotse niya. Hindi pa man ako tuluyang sumasakay sa shotgun seat nang muli kong tanawin ang resort.
Is this really goodbye? For us? Hindi mo ba talaga ako susundan? Gano'n na lang ba talaga iyon?
Weeks before this party, his mother, Madame Regina visited Big Bites Diner-- third branch here in Dalux. But not to order nor to dine-in instead she came only to talk to me.
I don't know why right at this moment, that scene flashed through my mind. It successfully added another cut to my bleeding heart.
"Ma'am Suenella? Pasensya na po sa abala pero may customer po kasi sa labas na naghahanap sa inyo." saad ni Alita matapos niyang kumatok sa opisina ko.
"It's all right. Why? Is there any problem?" tugon ko naman at ibinaba ang tasa ng tsaa na iniinom ko kanina.
"Hindi ko po alam, Ma'am Suenella. Basta ang sabi po ay gusto niya raw po makausap ang manager ng diner."
"Gano'n ba? Sige, salamat Alita. Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo."
Matapos ni Alita sabihin sa 'kin ang table number ng nasabing customer ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Pinuntahan ko na iyon. Kalmado ako habang ilang lamesa na lang ang layo ko sa babae. Mga nasa mid 40's na ginang kahit may kalayuan pa ang agwat namin ay nadarama ko na ang tindi ng presensya niya. Nakakailang siya at nakakatakot. Mayroon akong nakilala na pareho sa aurang ibinibigay niya.
"Are you the manager of this diner, hija?" her voice was cold and intimidating enough to send me chills down my spine.
Ganoon pa man ay nagawaran ko pa rin siya ng magiliw na ngiti. Ikinalma ko ang puso kong kanina pa marahas na kumakabog. Pa-simple niya akong tinaasan ng kilay at pagkurap ko'y nakangiti na rin ito sa 'kin.
"Have a seat, hija. I have no complaints with regards of your menus and service. I'm just here to have a talk with you-- not as the manager of this diner but the girlfriend of my son." She smiled sweetly.
Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong kakaiba sa ngiti niya. Tila hindi totoo. Natutop ko ang bibig ko. Hindi ko magawang makapagsalita habang wala sa sarili ay naupo akong tahimik sa tapat niya.
"Don't worry, I'll make this quick, hija. And thank you for accepting my invite. But let me just get straight to you, I do not like you for my son. As much as I wanted to, I do not want any Ylarde to be associated with my family anymore. So, leave my son. He will be much better off without you."
BINABASA MO ANG
Kissed by the Wind
Roman d'amour"He's a strong wind I don't want to encounter. A tornado, I don't want to be trapped. And yet I was kissed by him." - Suenella Wynette Llamera. Suenella Wynette "Snow" Llamera is a simple, sweet and loving girl and daughter. She's a papa's girl. One...