CHAPTER 6

1.8K 45 0
                                    

Sammy POV
Masaya kong nilagay ang cake sa karton.Halos tatlong oras ko ginawa ang cake para sa aming dalawa ni Red.Balak ko sana supresahib sya sa araw ng monthsary naming dalawa.Sa mga nag daang araw.Sobrang saya ko na nakakasama ko sya araw araw.

Lagi akong binubusog sa pag mamahal ni Red at ganiyon din ang sinusukli ko sa kanya.

Humarap ako sa salamin bago ko inaayos ang mukha ko.Wala ngayon si Mommy dahil may meeting ito ngayon.Sayang lang dahil dapat kasama ko sya gumawa ng cake ngunit nag ka emergency sa kompanya.

Kinuha ko na ang bag na naka patong sa lamesa at saka kinuha ang kahon na may lamang cake at tatlong lobo.

Ng maka pasok sa kotse ay pinaandar ko na iyon papuntang bahay ni Red.Nag text ako sa kanya kung nasaan sya at nasa bahay lang naman daw sya at gumagawa ng project nila.

Ngunit napatigil ako ng makita ang mga taong nag kukumpulan sa may kalsada.Nag tataka rin ako kung bakit may mga pulis at ambulansya sa paligid.Dali dali akong lumabas ng kotse ng maiparada ko iyon.Hindi ko na nakuha pa ang cake at lobo sa loob ng kotse dahil sa pag mamadali ko.Habanh lumalapit ako ay nadidinig ko ang mga bulungan ng mga tao.

"Ang gwapo niyong lalaki noh?Sayang lang at naaksidente."

"Kaya nga.Naku!May girlfriend na kaya yung lalaki?"

"Sure akong meron.Sa gwapo ba ga naman nyan?Sure na sure akong meron yan."

Unti unting bumagal ang takbo ko ng lagpasin ko ang mga taong nag bubulungan.Walang atubling sumiksik ako sa mga taong nag

Natigilan ako ng mapansin ang mga dugo sa sahig.Tumingin ako sa harap at puro likod lamang ng mga pulis.Para akong natulos sa kinatatayuan ng makita ko ang sasakyan ni Red na sira sa gilid.

Lumapit ako at sya namang pag lingon ng mga pulis sa akin.Halata sa kanila ang gulat ng makita ako.

"Miss bawal ka dito.Pasensya na po ngunit kailangan nyo pong lumayo dito."Sabi ng pulis sa akin ngunit patuloy parin akong lumakad hangang sa makita ko ang lalaking mahal ko.

Nag simulang tumulo ang mga luha ko tuloy tuloy itong umaagos sa dalawang pisnge ko.Hindi ko alam kung ano ang nangyayare sa paligid ko dahil sa kanya lamang nakatuon ang tingin ko.

Nakahilata sya sahig na naliligo sa sarili nyang dugo na umagagos sa mukha nya

Ng hihina ako at gusto kong sumigaw sa sakit na nararamdaman ko.

Napaupo nalamang ako habang nakatitig sa walang buhay nyang katawan.

Wala na sya,wala na. bakit ngayun?Bakit sya namatay kung kailan masaya na kaming dalawa doon pa guguho ang Mundo ko.Dapat susupresahin ko sya dahil monthsary namin ngayun.Ngunit ako yata ang na supresa ng madatnan ko sya na puno ng dugo.Dahan dahan akong lumapit sa kanya at nanginginig kong hinawakan ang malamig nyang kamay at doon na ako nag simulang humagulgol.

Bakit?

Bakit kung kailan na nahanap ko na ang para sa akin saka pa sya babawiin?

Bakit mo ako iniwan Red? Mahal na mahal kita pero bakit?....

 THE LONG LOST PRINCESS  [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon