CHAPTER 8

1.8K 49 0
                                    

Sammy POV

Dream~~

"Ahhhhhh!!!"Rinig kong sigaw ng isang napakagandang babae habang nanganganak sa kama habang pinapalibutan sya ng mga nakaputing babae.

"Umire pa po kayo mahal na Reyna"Sambit ng nag papaanak sa babaeng hirap na hirap na nakahiga sa kama.

"Ahhhhhh!!"Sa isang ire na iyon ay namuo ang iyak ng bata sa loob ng kwarto tandang nailabas na ang sangol.

"Babae po ang inyong anak mahal na Reyna"Masayang balita nang babaeng nag paanak. Maingat na binigay ang anak sa nakahiganb babae at kita ko sa mukha nito ang saya habang nakatingin sa sanggol.Lalapit na sana ako para tingnan ang mukha ng sanggol ngunit may biglang pumasok na lalake.Gwapo ito at may katikasan ang pangangatawan habang may tiara sa ulo.

"Mahal na Hari"Sambit ng mga babae sa loob ng kwarto bago yumuko.Parang may humaplos sa puso ko ng makita ang saya sa mukha ng lalaki habang papalapit ito sa mag ina.

"Sya naba ang anak natin mahal ko?"May sayang sambit ng hari habang titig na titig sa mukha ng bata.

"Oo mahal ko.Sya na nga.Ang prinsesa nating dalawa."Masayang sabi ng Reyna habang hinahaplos ang pisnge ng Hari.

Binuhat naman ng Hari ang sangol at maingat iyong hinele.

"Napakagandang bata mahal ko.Ano nga pala ang ipapangalan natin sa kanya?"Tanong ng Hari.Lumapit ako para mapag masdan sila pareho.Napahawak ako sa aking dibdib dahil nakaramdam ako ng pangungulila habang pinag mamasdan sila sa hindi ko malamang dahilan.

"Almira......Almira Alia Marie Hiwond.Iyon ang matagal ko nang pinag iisipang ipangalan sa anak natin mahal ko."Ngumiti ang Hari ng sabihin iyon ng Reyna.Naikuyom ko ang mga kamao ko ng bigla nalang lumakas ang kalabog ng puso ko.

"Napakagandang pangalan mahal ko"Naputol lamang ang pinag uusapan nila ng may dumating na matangdang fairy dahil meron itong pak pak sa likod at may magandang tungkod.

"Sya na ba ang anak nyo mahal na Reyna?"Tanong ng matanda habang pinagmamasdang ang bata sa bisig ng Hari.

"Oo lolong Among sya nanga."Sagot ng Reyna.

"Napaka gandang bata ang iyong sinilang mahal na Reyna"Masayang puri ng Matanda.Ngumiti pareho ang Hari at Reyna.

"Baba's basin ko na sya bilang isang diwatang babae.Na may malakas na kapangyarihan sa lahat."Sabi ng Matanda na nag pagulat naman sa dalawa

"Sya nga ang nasa propeciya lolong Among?"Tanong nang Hari bago tumingin sa Reyna na may gulat paring nakaguhit sa mukha.

"Oo sya nga.Patawad at hindi ko ka agad na sabi sainyo"Buntong hiningang sabi ng matanda.

"Naiintindihan naming Among.Kung ganon isa palang malakas na diwata ang anak namin..."Sabi ng Hari habang nakatitig sa anak na nasa bisig.

"Tama ka mahal na Hari.Sya nga pala ano ang kanyang pangalan at sya'y aking ma basbasan"

"Sya si Almira Alia Marie hiwond"Sagot ng Reyna habang nakahiga parin.

Inihiga na nila ang bata sa maliit na puting malambot na higaan.Itinaas ni Among ang kanyang tungkod habang nakaharap sa bata.Lumiwanag ang tungkod at sya'y nag simula nang mag salita.

"Ikaw ay aking babasbasan bilang isang malakas na diwatang tinutukoy sa propeciya.May taglay kang malakas na kapangyarihan na tatapos sa darating na madugong digmaan.Ikaw ay may mabait na kalooban.Marunong mag patawad at hindi nag tatanim ng galit kahit kanino man.Ikaw si Almira Alia Marie Hiwond.Ang may malakas na kapangyarihan na sasambahin ng lahat."Mahabang sabi ni Among.Pag katapos niyon ay lumiwanag ang bata kasabay ang malamas na pag liwanag rin ng tungkod ni Among.

"Salamat ninunong Among."Pag papasalamat ng Hari.

"Walang anuman Haring walter."Sabi ng Among bago binaba ang tungkod.

"Aki-----"Naputol ang sasabihin ng Hari ng biglang may malakas na pag sabog ang namayani sa labas at mga tilian ng mga tal.

"May kalaban!!"Sigaw ng Hari.Kita ko ang kabang bumalatay sa mukha ng Reyna ng pumasok ang mga kawal.Tumingin ako sa bintana ng kwarto at kita ko ang mga apoy na nakapaligid sa mga puno.

"Mahal na Hari nandito po ang mga blood kingdom"Balita ng kawal.Doon lumakas ang singhap ng Reyna kaya napalingon ako sa kanila.

"Sige sabihin mo sa iba na mag handa at patayin ang mga kalaban."Galit na sabi ng Hari.Nag bigay galang muna ito bago lumabas.

"Aking mahal tumakas kana dalhin mo ang anak natin."Sabi ng Hari habang umiigting ang mga panga.

"Paano ka?Hindi kita kayang iwan Walter."May takot na sabi ng Reyna.

"Makinig ka sakin mahal.Tumakas na kayo bago pa nila makuha ang anak natin."Nag mamakaawang sabi ng Hari bago hinawakan ang kamay ng Reyna.

"Naiintindihan ko.Ngunit babalik kami mahal ko.Mag iingat ka."Sabi ng Reyna bago ito hinalikan sa labi.Kinuha ng Reyna ang anak nila at mahigpit itonh niyakap sa bisig.

Mag sasalita pa sana ang Hari pero tumakbo na ang Reyna papalabas kaya wala nang nagawa ang Hari kundi ang sugudin ang mga kalaban.

NG makapunta ang Reyna sa lagusan ay tinutok nya ang isang lumiliwanag na perlas na nasa kamay nya.

"Buksan ang portal."Sigaw ng Reyna habang nakatingin sa portal.Lumiwanag iyon kaya agad agad pumasok ang Reyna doon.Kaya naman ay sinundan ko ito sa pag pasok sa portal.

Mahigpit na yakap yakap ang sanggol habang tumatakbo sa madilim na kagubatan.Hangang sa may nakita syang mansyon na malapit sa gubat.Agad syang lumapit doon.

"Anak kong Almira.Sanay mapatawad mo ako kung iiwanan kita dito.Ito lang ang paraan para mailigtas kita habang nag kakagulo sa mundo natin.Tandaan mong mahal na mahal ka namin ng ama mo.Patawad anak.Ngunit alam kong darating ang araw na papasok ka sa tunay mong mundo.At sanay mahanap at matuklasan mo kung sino ka ba talaga."Pag katapos sabihin iyon ng Reyna ay nilipag nya ang sangol na may crib sa labas lang naman ng mansion namin.Hinalikan nya ang noo ng anak bago tumakbo papalayo.

Susundan ko pa sana ngunit bigla nalang may lumabas na babae sa gate.

"Mom."Gulat kong sambit.Kita ko ang gulat sa mukha ni Mom ng makita ang sanggol sa harap ng mansion namin.Luminga linga muna sya na parang hinahanap kung sino ang nag iwan sa sanggol.Ng makitang wala ay dahan dahan nya itong binuhat.

"Napakaganda mo namang bata.Bakit ka naman iniwan ng mga magulang mo dito."May awa na boses ng sabihin iyon ni Mommy.Pinag masdan nya ang mukha ng bata bago ngumiti.

"Ang ipapangalan ko sayo.Sammy."Nagulat ako ng sabihin iyon ni Mommy sa bata.Dahan dahan akong napa atras at lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

"Sammy?Ako iyon diba?"Tanong ko sa sarili ko.Hangang sa nag dilim ang nasa paligid ko.

Napabangon nalang bigla ako sa kama.Ramdam ko ang pawis ko sa noo ko.Halos gulong gulo ako kung totoo ba ang nasa panaginip ko.Tumingin ako sa dalawa kong kamay.Hindi ko alam kung sino nga ba talaga ako.Dahil noong bata pa ako ay nailalabas ko ang mga apoy sa kamay ko at nakokontrol ko naman ang hangin sa kahit anong gusto ko.

Yun ang mga ala alang gusto kong kalimutan dahil natatakot ako.Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako normal na tao.

Lumabas ako ng mansion dahil gusto kong mag pa hangin.Ngunit ng tumingin ako sa gubat na nasa harapan ko ay hindi ko na namalayan pang tumatakbo na ako habang may mga luha sa mga mata ko.Ngunit napatigil lang ako sa kakatakbo ng makita ko ang bangin sa harapan ko.

"Muntik na ako doon."Nakahinga kong sabi.Dahil muntik na akong mahulog doon.Ngunit habang nakatitig ako sa bangin ay hindi ko inaasahang may tumulak sa akin.

"Ahhhh!!!"Sigaw ko.Pinikit ko ang aking mga mata hangang sa nawalan na ako ng malay.

3rd Person

Nakatingin lamang ang babae sa bangin pag katapos nyang itulak ang isang babae doon.May lumabas na luha sa kanyang mga mata kaya naman pinunasan nya iyon.

"Patawarin mo ako Sammy kung basta nalang kita ihinulog sa bangin ngunit alam kong mapupunta ka sa tunay mong mundo.Sana ay patawarin mo ako dahil tinago ko lahat ang sekreto ko sayo.Sana ay maalala mo parin ako.Mahal na mahal ka ni Mommy, Sammy."Sabi ng babae habang umiiyak na nakatingin sa bangin.







 THE LONG LOST PRINCESS  [Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon