A.A 7 ⚜ Olympus

155 9 1
                                    

Chapter 7: Olympus

“Samara.”

Na palingon-lingon naman ako nang may tumawag sa 'kin. Ngunit wala akong makita, parang nasa isa akong dimension na walang hangganan.

“Samara.”

P-tangina naman sasapakin ko talaga ang tawag ng tawag sa 'kin na 'yan. “Who are you?”

Nag lakad-lakad ako ngunit wala manlang akong makitang kahit katiting na liwanag. Na sa'n ba ako? Sa pag kakatanda ko na sa E-hall ako kanina linalabanan ang kalahi ni fire boy na isang dragon.

“Samara.” Putakte kanina pa 'to ah.

“What?! Where are you? Show yourself!” Linibot ko ang paningin ko habang patuloy na nag lalakad ng ma karamdam ako ng pagod ay umupo na lang ako sa gitna ng kawalan at pumikit.

Napa mulat naman ako ng maramdaman kung my liwanag na tumatama sa akin. Wala na ako sa madilim na lugar, na rito na ako sa parang isang paraiso. Tumayo ako at agad na inilibot ang paningin. Sadyang napaka ganda rito, sariwa ang hangin madaming mga magagandang hayop ang nag kalat. Berde. Berde halos lahat ang nakikita ko.

Marami rin ang ibat-ibang mga bulaklak na sa unang tingin pa lang ay alam kung makapangyarihan ito. Kumuha kaya ako? At dalhin ko sa Adrites baka ma gamit ko ito, may potion pa naman kaming klase. Pwede ring gawin ko itong lason para sa mga makakalaban ko.

Akmang lalapit na ako sa mga bulaklak ng my tumawag nanaman sa pangalan ko!

“Samara.” Hinarap ko naman ito ng may na iinis na mukha at agad na sinamaan ng tingin ang tumawag sa akin.

Sandali naman akong na tigilan sa taglay na kagandahan nito. Hindi ko na ito ma pag kakaila, agad kung sinuri ang kabouan nito, para siyang isang dyosa. Oh baka dyosa nga talaga tss.

“You're right samara, I am a Goddess. Goddess of Water to be exact.” Oh she read my mind, and why am I seeing a goddess right now by the way?

“That's because you're in our world Alexis.”

“World? But how? Paano ako napunta dito? At bakit na punta ako rito?”

“Calm down Sam. Nandito ka para mag training. We will train you hanggang sa maging handa ang katawan mo sa iyong kapangyarihan.”

Ba't isang dyosa talaga ang mag eensayo sa 'kin? Normal lang siguro sa kanila ang makiusap at ma ensayo ng isang dyosa, ba't ko ngaba ginagawang big deal ito tss.
“Halika, sumama ka sa akin ipapakilala ko sa iyo ang iba pang kasama ko.” Sumunod naman ako rito at hindi ko ma pigilang humanga sa mga nakikita ko. Kung pwede lang sanang tumira ako rito wala na akong hahanapin pa.

Muntik na akong ma tawa sa na isip ko. Kahit anong ganda ng lugar hindi ako ma bubuhay rito kung wala ang mga taong pinapahalagahan ko. Balewala ang lahat ng ito kung hindi ko rin naman sila ma kakasama.

Gusto kung ma muhay ng normal. Gusto kung ma kasama sina Auntie at Mich. Gusto kung bumalik sa panahong mag kasama pa kami. Baka sa kaling na pigilan ko ang nang yari sa kanila. Sabagay ako naman talaga ang pakay ng pumaslang sa kanila.

Hindi ko ma pigilan ang namumuong galit sa aking puso. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin sa iyo Auntie hindi ko masusunod ang iyong mga bilin. Hindi ko mapigilan ang galit ko. Patuloy itong umuusbong.

The Vengeance Of Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon