A.A 13 ⚜ Fenrir

95 10 0
                                    

FENRIR
Nakakita naman agad kami ng matutuloyan. Crostel City is just a normal city, nothing special. Papalabas na ang buwan ng makarating kami rito kaya hindi ko na pinagtounan ng pansin ang paligid.

Ang nakakuha lang ng pansin ko ay hindi masyadong magkadikit ang mga bahay rito. May tatlong metro'ng layo ang bawat isa. Simple lang rin ang disenyo nito at halos mag kaparehas lang ang laki at disenyo ng bawat bahay. Marami rin ang mga puno at halaman na nag papapresko sa hangin. Masasabi mong nasa gitna ng gubat ang Crostel City dahil napapalibutan ito ng mga punong kahoy.

May dalawang kwarto lang ang nakuha naming ma tutuloyan kaya sa kabilang kwarto ay ang mga lalaki at sa kabila naman ay kaming mga babae. Good thing there's two bed in every room.

Dumiretso ako sa banyo dala ang pamalit ko. Nanlalagkit ang katawan ko kailangan ko ng maligo. 'Yung iba ay nag hahanda na ng makakain namin. Maaga pa kami bukas kailangan na naming makuha ang Verntale Flower.

I heard that the name of the flower is derived from the name of the forest, which is Vern Forest. How lame of it, and its too obvious and common, for me.

Tapos na 'kong mag linis ng katawan kaya lumabas na ako. Nadatnan ko naman silang naghahanda na ng pagkakainan namin at 'yung iba naman ay naka upo lang.

Nag si-upo na kami at kumain na dahil alam naming lahat kami ay gutom. I always want to have something to eat that's why I'm not that use to set aside my growling tummy. Minsan naman pag wala ako sa mood kahit ramdam ko na ang gutom wala akong pakealam lalo na pag tinatamad ako gumalaw, tss sayang effort magugutom din naman. Same cycle, eat poop eat poop.

"'Asan ba 'yung Vern Forest na 'yan?"

"Malamang sa gubat! Forest nga eh!" Ok they're starting.

"Aba't, hoy kidlat! Pwede bang gamit-gamitin mo sa maayos yang utak mo! Ay wala ka pala nun."

"Anong wala? FYI hangin! I'm born to have a beauty and brain!"

"Ugh! Shut up you two!"

"Ikaw din Ariel manahimik ka wag ka ng makisali."

"W-what? Ariel?! What kind of name is that!? Its Riel okay! Riiiieeelll!" Ang sakit nila sa tenga! Mabibingi na ata ako! Ikaw ba naman pagitnaan ni Hera at Riel.

"Oh ito Chocolate para hindi na kayo mag ingay."

"Waah! Akin nalang yan Nia hehe." Hinablot naman agad ito ni Skie.

Bangayan kong bangayan silang apat. Si Skie at Darlene naman busy sa mga candies, nakikipag trade sila sa isa't-isa! Habang si Bea naman ay tahimik lang na pinagmamasdan sila. Kahit rinding-rindi na ako hindi ko nalang sila sinasaway dahil tinatamad ako magsalita! My saliva is too precious to use.

"Wake up early tomorrow." Natahimik lang sandali dahil sa biglang pag salita ni Flin at agad rin namang bumalik ang ingay ng tumayo ito.

Pumanhik na kami sa aming silid. May dalawang kama rito kaya ang ginawa namin ay pinagdikit ito para magkaroon kami ng mas malapad na espasyo. Nasa kanan naman pumwesto si Bea kasunod nito si Darlene katabi nito si Riel, katabi naman ni Riel si Hera at ako na ang sumonod. Bali napapagitnaan namin ni Darlene ang dalawa.

Nakatunganga lang ako sa kisame sa ka dahilanang hindi pa ako inaantok. Napagpasiyahan kung lumabas na muna at napadako naman ang paningin ko sa tatlong mahinang humihilik senyales na malalim na ang pagtulog ng mga ito. Mabuti pa sila tsk.

Dahan-dahang umalis ako sa higaan at buong ingat na huwag makagawa ng ingay dahil batid kung pagod ang mga ito at ayaw ko namang maistorbo ang tulog ng mga ito.

Pinihit ko ang pinto at sumalobong sa akin ang madilim na tanawin. Walang kaliwa-liwanag ang makikita mo, purong kadiliman lamang. Sa kwarto kase ay may lamp shade roon kaya nakalimutan kung dalawang ilaw lang pala ang naririto sa labas. Ang nasa sala at kusina, and I don't know where is the fvcking switch.

The Vengeance Of Cursed ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon