Chapter 000: The Light and The Traveler

4 2 0
                                    

Naranasan mo na bang umakyat sa isang mataas na gusali? Naranasan mo na bang manghina dahil sa pagkalula ng pagtingin mo sa ibaba? Paano kung mapadpad ka sa mundong normal na lamang ang ganitong pakiramdam sa araw-araw?Tatagal ka ba?

Lupain, kapatagan at palayan. Mula sa pag-usbong ng sibilisasyon. Ang lupa na ating nilalakaran ang siyang isa sa mga dahilan kung bakit ang sibilisasyon ng TAO ay unti-unting humakbang patungo sa estado ng sibilisasyon natin ngayon. Maging sa kasalukuyan, Nanatili at itinuturing pa rin na kayamanan ang ating mga lupain. Umabot pa  sa puntong ang mga nasyon ay nagkaroon ng sigalot dahil rito.

Ngunit may karapatan nga ba tayong mga TAO na tawaging pagmamay ari natin ang isang lupain? May karapatan ba talaga tayong pagtabuyan ang ibang nilikha, hayop man o kapwa tao sa isang lupain dahil may pinanghahawakan tayong titulo?

"Paano kung mapadpad ka sa mundong walang ibang tao na nagmamay-ari ng lupang iyong natatanaw, Ano ang gagawin mo?"
Paumanhin, mali pala ang aking katanungan.
"Paano kung mapadpad ka sa mundong ang tao ay walang karapatan na magmay-ari o kahit na umapak lamang sa lupa, Ano ang gagawin mo?"

..November 3,2019..5:45 pm..

" Maari na ba tayong magpatuloy? Tiisin mo yang pagkalula mo, Masasanay ka rin" Ang maliit na boses na iyon ay sapat na upang basagin ang katahimikang umaalingawngaw sa gubat.

" Ayokong masanay sa gantong pakiramdam, mas gugustuhin ko pang magtalukbong na lang sa kumot at manuod ng paborito kong palabas sa bahay. " Wika ng lalaki na naka-upo sa sanga ng malaking puno.

" Bakit, sa tingin mo ba'y makakabalik ka pa sa  mundo niyo? " Natatawang wika ng bilog na ilaw na lumilipad-lipad paikot sa lalaki.

" Yun lang ba? Nakalimutan mo na ba kung sino itong kausap mo? " Pabirong sagot ng lalaki.

Tumawang muli ang bilog na ilaw.

"Nakakatawa namang marinig yan mula sa lalaking na parang maiihi sa sariling pantalon niya, habang sumisigaw ng
"GUSTO KO PANG MABUHAY "
Mas lumakas pa lalo ang paghalakhak ng bilog na ilaw.

" ... "

Hindi na sumagot pa ang lalaki, ngumuso na lamang ito habang namumula ang pisngi at tenga sa labis na pagkahiya.

Tuloy pa rin ang bungisngis ng bilog na ilaw. Napatigil lamang ito nang pitikin ng lalaki ang kanyang noo. " Ow!! "

Hindi pala ito isang ilaw lamang bagkos isa itong maliit na dilag na sinlaki lamang ng limang pulgada. Nagmumukha lamang itong ilaw kung tatanawin sa malayo dahil sa liwanag na nilalabas ng kanyang katawan.

" O siya siya, Tama ng biruan. Maghanap ka na ng mapaglilipasan mo ng gabi sapagkat lubhang dilikado sa mundong ito pagkagat na ng dilim. "  wika ng dilag habang hawak ang kanyang namumulang noo.

Agarang tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo. Napabuntong hininga ito at nag unat.

" Kailan kaya ulit ako makaka-apak sa lupa " Yumuko ito ng panandalian subalit sapat na yun upang siya ay malula muli.

Humakbang ang lalaki sa sanga patungo sa kabilang puno at ganoon din ang ginawa niya sa isa pang puno. paunti-unting naglaho ang imahe ng lalaki at munting ilaw sa kalaliman ng gubat, kasabay ng paglisan nila ay siya ring paglubog ng araw.

There's No Land In Promised LandWhere stories live. Discover now