*Hiro*
"Tanya, paano basahin ang sentence na ito?" 4 years na ang lumipas mula ng unang pagbisita ni Tanya, Tulad ng napagkasunduan ay bumabalik siya buwan-buwan. Sa tuwing darating siya ay may dala siyang mga libro.
Naalala ko pa ang unang libro na dinala niya. Sa umpisa ay excited akong basahin iyon pero nang buksan ko ito ay ni isang salita o numero ay wala akong naintindihan dito.
"Sentence?,ahh pangungusap?" Maging si Tanya ay ganun din sa mga libro ko, kaya sa unang apat na taon ay pinag-aralan muna namin ang mga lengwahe ng magkabilang mundo.
Inaral ko ang mga lengwaheng; Edenian, babylonian, amazonian at iba pang uri ng dayalekto na piling tribo lamang ang gumagamit sa kanila. Maraming uri ng lengwahe at pamamaraan ng pagsulat sa kabilang mundo kaya masasabi kong kahit na 'di ganun ka advance ang teknolohiya nila ay mayaman naman sila sa literatura. Halos apat na taon ang inabot ko upang pag-aralan ang mga iyon. Kung iisipin ay mabilis na nga ito kung ikukumpara sa mga kaedaran ko.
Si Tanya naman ay English at "nihongo?" ang inaral niya. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kanya na mag-aral pero talagang determinado siya.
Pagkatapos kong matutunan ang basics ng language and literature ng mundo nila ay isinunod kong aralin ang biography ng kabilang mundo. Nalaman kong ang pangalan ng mundong iyon ay Eden. At nahahati ito sa iba't-ibang nasyon. Ang tatlong nasyon na tinuturing na makapangyarihan sa kasalukuyan nilang panahon ay;
Amazonia, Ito ang nasyon ng mga mandirigma at mangagaso na bihisa sa pag gawa ng patibong at pag gapi sa mga malalaking halimaw. Babae man o lalaki ay pinanganak upang maging mandirigma. Subalit tanging babae lamang ang maaring magkaroon ng mataas na katayuan sa bansa nila.
Ikalawa sa listahan ay babylonia, Ang bansang ito ay napakasagana. Hindi nila kinakailangang makipagpalit ng produkto sa ibang nasyon 'pagkat sa bansa pa lang nila ay nasusustintuhan na ang mga pangangailangan nila. Subalit may mga mamayan pa rin dito na naghahangad ng karagdagang yaman. Tulad ng mga amazonian sa dugo naman nila nanalaytay ang pagiging merchant. Subalit isa sila sa pinapangilagan ng mga tao. 'Pagkat kung ano ang siyang ginaling nila sa pagnenegosyo at matimatika ay siya ring galing nila sa panlilinlang at pagiging tuso.
Ang ikatlong nasyon na siyang bubuo sa listahang ito ay ang Biringan, isa itong nasyon na walang nakaka-alam ng eksaktong lokasyon nito. Ayon sa libro kakaunti pa lamang ang nakakakita dito at walang nakakaalam kung totoo ba ang mga pahayag nila. Subalit isang diskripsyon nila ang nagtutugma, Maliit lamang daw ito na pamayanan at hindi raw aabot sa isang daan ang mga naninirahan dito. Subalit isa lamang ang tiyak, ang biringan ay malakas na nasyon dahil sa mga armas nilang binibenta sa iba't ibang nasyon. Ang mga merchant nila ay nakasalukbong(hood) kapag makikipagpalit ng produkto at sa isang kurap mo lang ay maglalaho na sila. Ayon sa libro, ang mga armas nila ay gumagamit ng advance na teknolohiya na nagresulta ng malaking pagbabago sa lakas ng bansa na makakahawak nito.
Napakahalaga ng mga impormasyon na ito subalit 'di ko alam kung bakit si Tanya na naninirahan sa Eden ay walang alam tungkol dito.
Nabasa ko rin ang tungkol sa mga puno na sa Eden lamang matatagpuan. Isa na rito ang tinatawag nilang "Spring Tree" naglalabas ito ng tubig sa dulo ng dahon niya at ayon sa libro ito raw ang nagsusupply ng tubig sa mga naninirahan doon.
"Ang naglalakad na trahedya." sagot ni tanya sa tanong ko. Habang nakaturo sa larawan na nasa libro hawak ko.
"hmmm" Napaisip ako kung bakit tinawag itong naglalakad na trahedya. Di hamak kung ikukumpara sa ibang nilalang sa mundong iyon na mga higante, ang nilalang na ito ay nasa 150cm lamang ang height "lumamang lang kay Tanya ng kunti"bulong ko.
YOU ARE READING
There's No Land In Promised Land
Fantasía-Update every 3 days- Naranasan mo na bang umakyat sa isang mataas na gusali? Naranasan mo na bang manghina dahil sa pagkalula ng pagtingin mo sa ibaba? Paano kung mapadpad ka sa mundong normal na lamang ang ganitong pakiramdam sa araw-araw?Tatagal...