Chapter 003: First Visit

5 2 0
                                    

January 2, 2010..
Hiro's age: 9 yrs old.

"Hiro, ito na si Luna kakatapos ko lng siya paliguan. Iiwan ko na lang siya sa tapat ng pintuan mo, kung sakaling may kailangan ka tawagin mo lang si tita ha."

tatlong buwan na ang lumipas mula ng maganap ang mala'impyernong trahedya. Dahil wala nang mag-aalaga kay Hiro ay kinupkop siya ng kapatid ng kanyang ina.

Sa loob ng tatlong buwan ay nasa loob lang ng kwarto si Hiro at binabasa ng paulit-ulit ang librong ipinahiram sa kanya. Si Luna lamang ang pinapapasok niya sa kwarto at lumalabas lamang siya tuwing gabi para maligo.

Ang tapang na ipinakita niya ng gabing iyon ay panandalian lamang dahil sa mga sumunod na araw ay walang tigil siyang umiiyak tuwing gabi hanggang sa makatulog na lamang siya sa bigat ng mga mata niya. Pag nakatulog na siya ay binabagabag siya ng imahe ng kanyang mga magulang na humihingi ng tulong habang nasusunog sa apoy at tila may sinabi ang mga ito ngunit 'di niya maintindihan.

"Kuya Hiro! lumabas ka daw muna sabi ni Mama, may naghahanap daw sayo. Pinapasabi niya pasensya daw kong natagalan ang pagbalik niya." Nagising si Hiro sa pamilyar na boses na iyon.

Matagal-tagal din ang pagkatok nito bago tuluyang binuksan ni Hiro ang pintuan. Sumalubong sa kanya ang isang matangkad na babae na may buhok na hanggang balikat. Sa tatlong buwan niyang pamamalagi sa bahay ng tita niya ay ngayon lang sila muling nagkita.

Iyon ay ang pinsan niya. Nagulat siya 'pagkat noong huli silang nagkita sa family reunion ay mas matangkad siya dito at isang taon lamang ang lumipas mula noon.

Nagkatinginan silang dalawa pero naputol din ito kaagad nang maalala ng pinsan ni Hiro ang inutos sa kanya.
"Sumunod ka sakin kuya Hiro nasa sala naghihintay ang bisita mo."

....

"Tanya?"

Agad na tumayo mula sa sofa ang bisita ni Hiro. Madilim noong una silang nagkita subalit ngayon ay nakikita na ni Hiro ang buong pustura ni Tanya. Mukha itong dalagita na 15 Yo. 'Di katangkaran si Tanya subalit nakakamangha tingnan ang sobrang itim niya buhok na halos hanggang talampakan na ang haba. Kung ano naman ang ikinaitim ng kanyang buhok ay siya naman kabaliktaran ng suot niyang dress at angkop rin ito sa mala porselana niyang kutis.

Lumapit ito kay Hiro at pinisil ang pisngi nito. Nag-alala ang tita ni Hiro sa ginawa ng kanilang bisita.

"Hiro magkakilala ba kayo?"

"Opo" mahinang sagot ni hiro habang nakayuko.

"Tita pwede ko po ba siyang papasukin sa kwarto? may paguusapan lang po kami."

Napangiti ang tita ni Hiro dahil sa nakalipas na tatlong buwan ngayon niya lang muling narinig si Hiro na magsalita ng buong pangungusap. kadalasan ay Opo at hindi po lang ang sagot nito.

"Pwedeng pwede iho, Ipapadala ko na lang ang meryenda niyo sa pinsan mo."

"Wag na p-"

"Bawal tanggihan ang grasya."

Agad na nagtungo sa kusina ang tita ni Hiro na nakangiti at sila namang dalawa ni Tanya ay nagtungo na sa kanyang kwarto.

...

"Hiro, Nagpunta ako dito para pag-usapan natin ang kontrata."

Napabuntong hininga si Hiro. Dahil sa loob ng tatlong buwan ay sobrang gulo ng pag iisip niya. Akala niya'y imagination at halucination niya lang ang nangyare ng mga gabing iyon. Subalit pag dating ni Tanya ay naliwanagan sa kanya ang lahat.

"Tungkol ba ito sa pagpunta ko sa ibang-mundo?"

"Oo Hiro, sa ayaw mo o sa hindi, Iyon ang kapalit ng pagligtas sa inyong dalawa ng kaibigan mo. Sampung taon mula ngayon, isasama kita sa lugar na ibang-iba kumpara sa mundong ito." Napalunok ng laway si hiro.

There's No Land In Promised LandWhere stories live. Discover now