Chapter 001: Sunrise in Eden

4 2 0
                                    

..6:00 am..November 4, 2019...

KAK-KAK KAK-KAK!!
KAK-KAK KAK-KAK!!

"Hirooo!! gumising ka na. Hirooo!!" Wika ng dilag na sinlaki lamang ng limang pulgada. Ginto ang buhok nitong mahaba na halos abot na sa kanyang talampakan. nakasuot ito ng dilaw na dress na siya namang pumupuri sa kulay ng kanyang kutis.

Patuloy na sumisigaw ang maliit na dilag habang pilit ng tinutulak ang pisngi ng binata gamit ang maliliit niyang mga bisig.

KAK-KAK KAK-KAK!!

"ow!!" Pinitik ni Hiro ang ulo ng maliit na dilag sa noo, tila ba pinatay nito ang nag-iingay na alarm clock. Makikita mo sa mukha ng dalaga ang pagka-pikon at may namumuo pang luha sa kanyang mga mata.

KAK-KAK KAK-KAK!!

"Ayaw mo talagang gumising?" Pinalobo ng dilag ang kanyang mga pisngi at buong lakas niyang hinipan ang tenga ng binata.

Napabalikwas ito at napasigaw. "letcheng manok yan" naalimpungatan ito mula sa kanyang panaginip na hinahabol siya ng higanting manok. Umalingawngaw ang sigaw ng binata sa buong gubat mula sa punong may butas na kanila pinaglipasan ng gabi. Malawak sa loob nito tila ba isang kweba na inukit sa loob ng isang malaking puno.

"Himala, akala ko'y di ka na magigising"

"Pasensya ka na at nadismaya kita." nakangiti at sarkastikong sagot ni Hiro. "Good morning, anong almusal natin prinsesang Tanya" dagdag niya tila ba walang pakialam sa naiinis na mukha ng dalaga.

"Almusal? Baka ikaw ang gawing almusal nyan" tinuro ng dalaga ang butas ng kanilang pinasukang puno.

KAK-KAK KAK-KAK!!

Napaatras si Hiro sa kanyang inuupuan. Ang akala niyang higanting manok na sa panginip niya lang makikita ay nasa harapan na niya. Pilit nitong ipinapasok ang kanyang ulo sa butas ng puno subalit nahihirapan ito 'pagkat mas malaki ang kanyang ulo kumpara sa butas.

"Tanya paano tayo makakalabas dito?"

" Anong tayo?ikaw lang. Nakalimutan mo na bang kaya kong tumagos sa pader?" Tumawa ito na para bang bumabawi sa pang-iinis sa kanya ni Hiro.

"Tanya,diba't utos ng Diyosa tutulungan mo 'ko. Baka nakakalimutan mong ang kontrata natin." Pangungumbinsi niya sa maliit na dalaga.

"O siya siya, wala naman akong magagawa sa utos ng inang diyosa" Wika nito na halatang napilitan lang.

"Hiro, sundin mo ang mga sasabihin ko. Bawat hakbang at detalye, kung hindi mo ito magagawa kalimutan mo na ang paglabas dito" Seryoso niyang tono.

Nabalot ng tensyon ang loob ng butas na iyon.

"Ang ituturo ko sayo ay tinatawag na Nature Blessings Manipulation, Sa mundong ito ang lahat ng nilalang mula tao hanggang sa mga hayop ay maaring hiramin at kontrolin ang enerhiyang mula sa mga kalikasan"

Tumango tango si Hiro.

"Unang hakbang, ibuka mo ang iyong mga palad. at sabihin mo ang mga katagang ito,"

"O diyosa ng paglikha, Ako'y pahintulutan mong hiramin ang iyong biyaya" Wika ng dalaga habang nakapikit.
"Gawin mong blangko ang iyong pag-iisip at ituon mo ang iyong pakiramdam sa paligid" dagdag niyang panuto.

Mula sa kawalan ay lumitaw ang mga ilaw na kulay berde. Maging ang gintong kulay na nilalabas ng katawan ng dalaga at napalitan ng berde. Unti-Unti itong naipon sa palad ni Tanya at nabuo ito na kasing laki ng isang Jolen.

"Hilom" bulong ni Tanya bago pinakawalan ang berdeng ilaw. Paunti-unting lumapit ang ilaw na ito kay Hiro at pumasok sa kanyang dibdib. Umilaw ang buong katawan niya.

"Nawala ang pananakit ng katawan ko" Natutuwang saad ni Hiro 'pagkat kahapon pa niya iniinda ang mga kasu-kasuhan niya. Nanibago ang katawan ng binata sa mundong napuntahan niya na ibang-iba sa buhay na tinatamasa niya sa syudad.

Namangha si Hiro sa kanyang nasaksihan. Ilang beses pa niyang kinusot ang kanyang mga mata at kinurot ang kanyang pisngi. Di niya inakalang ang mga napapanuod niya sa anime ay masisilayan niya sa totoong buhay.

"ganun lang ba ang gagawin ko Tanya?" Tanong ni Hiro na may bakas sa mata ng pagkasabik.

"Teka di lang yu-" Hindi na natuloy ang pahayag ni Tanya dahil nagsimula na sa engkantasyon si Hiro.

"O Diyosa ng paglikha, Ako'y pahintulutan mong hiramin ang iyong biyaya"
Sinambit niya ito habang nakadilat ang kanyang mga mata.

'May ipupurol pa ba ang utak ng tao na ito? Bukod sa hindi na nga niya pinatapos ang pagbibigay ko ng panuto, Sinambit pa niya ang engkantasyon ng nakadilat' bulong ni Tanya sa kanyang sarili. Napabuntong hininga na lang siya dahil sa pagkadismaya.

Subalit nagulat siya sa kanyang nasaksihan. Ang mga ilaw na kulay berde ay unti unting naglitawan. na ipon ito sa palad ni Hiro.

Nakaramdam si Hiro ng pagbabago sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya ay para siyang nasa ilalim ng karagatan. Ang pinagka-iba lamang nito ay nakakahinga siya ng normal.

Itinapat ni Hiro ang kanyang palad sa butas kung saan nakabungad ang Tuka ng Higanting ibon na mukhang manok.

"Explosion!!" Nagkaroon ng pagsabog sa mga palad ni hiro at sa basbas ng swerte ang tipak ng kahoy na tinamaan ng pagsabog ay tumama sa mata ng higanteng ibon. Ito ang naging dahilan upang mawalan ito ng balanse at mahulog mula sa puno.

Nabalot ng katahimikan ang paligid sa sandaling iyon. Sa mukha ni Tanya ay masasalamin mo ang pagkagulat. 'Di niya inakala na magkakamali siya ng konklusyon. Bukod sa di sinunod ni Hiro ang pinakaimportanteng hakbang, ang pagpikit at pagblangko ng pag-iisip. Hindi rin niya napaliwanag kay Hiro kung papaano maglabas ng spell na tulad ng Hilom o Heal sa ingles.

Sa kabilang banda, Makikita mo naman ang pagkadismaya sa mukha ni Hiro. Bakit kamo? Tulad ng kay Tanya, ang berdeng ilaw na kanyang nabuo ay sinlaki rin ng jolen. Ang kaibahan lamang, ang sukat ng jolen na ikinumpara kay Tanya ay ang jolen na nilalaruan ng mga bata. At ang kay Hiro naman ay sinliit ng jolen na nakalagay sa bote ng alak.

Hindi komportable si Tanya sa ganoong uri ng katahimikan, kaya agaran niya itong binasag.

"Ang galing mo naman Hiro, ay mali. Ang galing ko palang magturo" Tumawa ng malakas ang dalaga, pakiramdam niya ay malaki ang inilamang niya kay Hiro dahil sa pahayag niyang yun.

Di na lamang siya sinagot ni Hiro. Bukod sa gutom na siya dahil mula kahapon ay di pa sila kumakain. Naisipan niyang aksaya lamang sa oras ang makipagtalo kay Tanya.

Tumagos ang liwanag ng araw sa butas ng puno na kanina ay natatakpan ng malaking ibon. Sumilip dito si Hiro at sa unang sulyap niya ay nasilaw siya sa sinag ng araw na naging dahilan upang itakip niya ang kanyang palad sa kaniyang mukha. Subalit sandali lamang iyon. Ang bumungad kay Hiro ay ang magandang tanawin na dulot ng sinag ng bagong labas na araw. Paunti-unti nitong sinasakup ang luntiang paraiso ng gubat. Makikita mo din na puno ng buhay ang kagubatan lalo na't nakakawili tingnan ang mga nagliliparang ibon.

Tumingin si Hiro sa ibaba mula sa limampung metro na puno na kinalalagyan niya. At gaya ng inaasahan ay nalula ulit siya.

"Imposible, imposible"

bulong niya sa kanyang sarili nang maalala niya ang sinabi ni Tanya na "Masasanay ka rin" Napa iling na lamang si Hiro. Subalit wala pang dalawang minuto ay may narinig na siya.

KAK-KAK KAK-KAK!!

Isang malaking ibon na mukhang manok ang lumilipad patungo sa kanilang direksyon. Dali-daling umatras si hiro papasok sa puno. "Dejavu" Napangiti na lng siya pagkat ang sitwasyon na nakita niya kaninang paggising ay naulit nanaman na para bang bumalik ang oras.

Umupo siyang muli sa loob ng puno at tumingin sa munti niyang kasama na abala sa pag-aayos ng ginto nitong buhok.

nagpa-isip ang binata "Wala pa ring pinagbago. Mula nung nakaraang sampung taon hanggang kahapon at ngayon. Naghihina pa rin ako tuwing nalulula. Pero isa lang ang di nagbago, GUSTO KONG MABUHAY"

Dinukot niya ang maliit na libro sa kanyang bulsa at binasa ito. Ito lamang ang paraan niya para makalma ang kanyang sarili at makapag-isip ng plano kung papano sila makakalabas.

There's No Land In Promised LandWhere stories live. Discover now