Chapter 36

1K 36 0
                                    

(3rd Person)

"Kahit minsan ba hindi mo ako iiwan sa bahay! Lagi mo na lang ako babantayan?"
"Hindi nga  Kai..Sigh...."

Medyo na kukulitan na si Luna kay Kai. Gusto kasi ni Kai na umalis ng bahay si Luna.

"Mamasyal ka para malibang ka"
"Ayaw kong lumabas Kai,dito lang ako. Bakit gusto mo bang mamasyal sa labas?"
"Oo Luna"
"Sige sasama ako"
"Ay! Hindi na! Kasama ka naman!"

Huminga na lang ng malalim si Luna at tumingin kay Kai. Pagkatapos tinuloy ang ginagawa niya,pagtutupi ng damit.

"Bakit ba kasi gusto akong palabasin ni Kai? Hindi ko maisip kung ano binabalak niya..." sabi ni luna sa isipan niya.

Nakaupo lang si Kai at halatang bored. Nagkakamot lang siya ng likod niya tapos hihikab.

"Napaka walang kwenta naman dito!" sabi ni Kai sabay tayo.

Tuwing magrerequest si Kai ng bagay na kahinahinala hindi ito agad sinusunod ni Luna.

"Tsk tsk tsk.. Magkukulong nanaman iyon sa kwarto. Kaka-kulong niya sa kwarto,dito na ako sa sala natutulog hindi na sa kwarto ko....Iiwan ko na lang itong natupi niyang damit sa labas ng pinto."

At iyon nga ginawa niya.
"Kai! Nandito na damit mo sa labas.."
"Iwan mo na lang diyan..."
"Hmmm...Sige..malapit na tayong kumain pala..Dadal----"
"Hindi ako kakain..Ikaw na lang"
"....Sige"

Nalungkot si Luna dahil hindi sila sabay kakain ni Kai... Pero kahit ganoon pang dalawang tao pa rin ang hinanda niya.

"Baka magutom si Kai mamaya..."

Pero dahil sa nag aalala talaga siya bumalik ulit siya sa kwarto at kumatok.

"*Knocking* Kai, may pagkain sa baba baka sakaling magutom ka.."
"Oo na oo na..."
"Sige.....doon lang ako sa baba."

Nagabang kaunti si Luna kung may sasabihin pa si Kai pero wala na, kaya bumalik siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Aminado si Luna na miss na niya yung masiyahin at medyo childish na Kai. Tumatawa na lang siya magisa pag may na aalala siyang nakakatawang bagay na nangyari noon....

Pagkatapos ni Luna,agad niyang niligpit ang ginamit. Kinuha niya yung remote ng TV at pinindot ang power button

"B-bakit ayaw?? *pindot 3x* ayaw talag-- ay oo nga pala,sira yung TV. Hay!"

Hinagis niya yung remote sa kabilang upuan. Ihinalamos niya ang kamay niya sa kaniyanf mukha. Tumingin siya sa paligid at nagunat..

"May kasama nga ako sa bahay hindi ko naman makausap ng maayos"

Nagulat si Luna ng bigla niyang nakita si Kai na bumaba at pumunta sa kitchen.

"Kai? Nagugutom ka ba? Ako na maghanda sa iyo"
"Hindi...Iinom lang ako ng gatas"

Inilabas ni Kai ang dalawang box ng milk. Nakatayo lang si Luna doon at nagtataka kung bakit dalawa pa nilabas niya. Maya-maya pa ay...

"*gulp...gulp..gulp* Ubos na"
"K-kai?? Bakit mo ininom lahat!"

Nabigla talaga si Luna.

"Ubos na yung gatas...Bili ka na" sabi ni Kai sabay pamewang ng isang kamay.

"H-ha? Hindi naman pwedeng agad. B-bakit...Tsss...Kai,mag kanin ka kung gutom ka"
"Bili ka na lang ng gatas..."

"Ganito ba talaga siya ka-desperadong paalisin ako?" sabi ni Luna sa isipan niya.

"Bili ka na. wala ng gagamitin!"
"Kai, bakit mo ba ako gustong paalisin ha? Bakit kasi?"

Biglang sumimangot si Kai.

"Pinapabili ka lang! Dami mong satsat!" tapos biglang initsa ni Kai yung mga kahon ng gatas sa sahig. Kumbaga nagdabog siya.

"Nakakainis!" dagdag niya. Naglakad si Kai paakyat. Nagsalita bigla si Luna

"Kai! Alam mo.."

Nakayuko si Luna,nanginging yung mga kamay niyang nakakuyom.

"Inis at galit na din ako sa iyo! Tao din ako,may limitasyon lahat ng kakayahan ko... Hindi kita maintindihan!
N-nahihirapan ako tuwing nagkakaganyan ka! Hindi...k-ko m-malaman kung ano gusto mo."

Unti-unti nang umiyak si Luna habang nakayuko.

"Kahit masakit k-ka magsalita....Ina-inaalagaan p-pa rin kita.."

Napayuko bigla si Kai. Si Luna naman eh tumakbo papuntang banyo. Habang papunta siyang banyo ay bigla siyang nadulas.

"Iyaaaa!" bigla na lang napataas ang isa niyang kamay na para bang may tutulong sa kaniyang tumayo.

Lalo siyang naiyak ng makita niya si Kai na nakatayo lang doon at nakayuko pa rin

"Ano ba iniisip ko. Tsk!" sabi ni Luna sabay pasok sa banyo. Pinatahan niya ang sarili niya. Nakakulong lang siya sa banyo...

Si Kai naman,biglang naging kalmado ang mga mata niya.

"Kadalasan,nabibigla na lang ako sa mga nasasabi ko kay Luna..Tsss! Bigla-bigla ko na lang nasasbi!"

Sabi ni Kai sa isipan niya. Pumasok na lang siya sa kwarto.

"Para akong nasasapian ng hindi malaman kung ano...O baka naman..Iyon talaga ang tunay....n-na ako?...Tsss!......."

Itinulog ni Kai ang mga bumabagabag  sa kaniya. Si Luna din,Nakatulog siya sa banyo dahil sa kakaiyak. Sobrang tahimik sa bahay nila.

Pero lahat ng katahimikan na iyon ay nawala...

Makalipas ang ilang oras,parang may narinig na pitik si Kai. Kaya agad siyang napabangon. Tumingin siya sa paligid,at nakaramdam siya ng matinding sakit ng ulo.

"A-aray! A-aaaahk!"

Pinipigilan ni Kai ang pagsigaw niya sa pag diin ng mga labi niya.

"Mmmm..Ahak! Aaaaaaaaa! Ayaw ko naaaa!! Aaaaaaa! Ahaaaaaa!"

Kahit anong pigil niya sa sigaw niya ay hindi niya ito mapigilan.

Natigil lang siya sa kakasigaw nang hindi na niya talaga makaya at nawalan na lang siya ng malay..

**
"M-malapit na" kinakabahang sinabi ni Prof. En

"Hindi ko na nakikita sina Kai at Luna..Tsss! Napakaduwag ko!"

Sabi niya sabay palo sa pader

"Tuwing lumalapit na ang araw na iyon. Lagi na lang ako nagtatago at hinihintay na matapos ang araw. Nagsasawa na ako! Pero hindi ko talaga kaya. Baka hindi ko sila matulungan..Tssss!"

Napaupo na lang si Prof.En sa sulok.

The Awakening of the Black Wolf (EXO Kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon