Chapter 2 ( The Old book)

4.4K 110 0
                                    

(Luna)

Yaaaaawn... Nandito ako sa isang library malapit sa pinagwoworkan kong resto... Tapos na akong magwork kahapo..nEvery other day lang trabaho ko at hanggang 7 am to 5 pm lng ako.. O diba sosyal!! Ok balik sa library.... Nagiikot ikot ako sa mga folklore at myth section ng books....Lalalala~ Hoh?? Ang old naman na ng book na to.. wala ding title... Mabasa nga..

Umupo ako sa pinakamalapit na table na nakita ko...Dahan-dahan kong binuksan yung libro... napansin ko na may kulang na pages yung book... Ok lng, babasahin ko parin..

Maraming taon na rin ang nakalipas bago buhayin muli ang halimaw ng isang mayamang tao..Tanging dugo ng wala sa sarili ang makakabuhay dito ,hindi balanseng emosyon ang tawag doon....Hindi nila alam kung gaano kalaking problema at kapestehan ang ginawa nila.

Kabaitan ang unang ipinakita sa kanila ng halimaw.. Natuwa sila at sinimulan agad ang pagsaliksik sa kaniya...Pinakain nila pero hindi nila inaalagaan..

Ano?! Eh di anong tawag dun?? Basahin ko parin..

Pagkatapos, dudungisan nila ang kamay ng halimaw ng dugo mula sa mga biktima nya...

So yung experiment nila eh utusang pumatay yung halimaw??

Bibigyan ng pabuya pagnagawa.. Ini-lilista nila lahat ng makikita nila at ang pagbabago nito... Iniisip nila na mapapagalaw nila ang halimaw sa pamamagitan ng salita  nila at magkakaroon ng malakas na kapangyarihan para sambahin ng tao.. Patuloy ang pagsaliksik... Sila ay nag---

Ah?! Nawawala yung isang page!!! Sayang!! Mukhang maganda panaman yung susunod...

Inatake ng halimaw ang buong bayan.. Maraming tao ang namatay, pinagkakakain nya ang mga tao.. binubuksan ang tiyan o kinukuha ang puso.. Babae,bata,sanggol man o lalaki hindi niya pinapalagpas.. Huli nyang pinuntahan ang taong bumuhay sa kaniya... Sinarado ng halimaw ang pinto at sinung----

Ha??? Nanaman!!! Daya naman ng librong to!!!

Huli na ang laha nang dumating ang tagapagmana o anak. Nagkapira-piraso na ang kanyang ama. Kitang-kita sa liwanag ng buwan ang matingkad na kulay dugong mga mata niya, mahahabang kuko na naliligo sa dugo at matatalim na ngipin. Ngumiti siya ng dahan-dahan at----

Grabe na ito >< maganda na nga eh... Ang ganda tlga ng kuwentong ito XD..

Dahan-dahan nilagay ng tagapagmana ang putol-putol na katawan ng halimaw at ang pusong may nakabaon na kahoy sa isang malaking lalagyan na gawa sa semento.. Hindi nagtagal nawalan din ng buhay ang tagapagmana dahil sa sugat nito sa leeg. Ang mga nakatagpo nito ay nagsimu--

Ay last page na ito :-( ... Binuhat ko ang libro para magtanong sa librarian kung natago yung ibang pages nung book.. May nahulog na papel mula sa libro... At halatang isa ito sa mga pages kaso ngalang may malaking punit iyon..

Patawad anak at nagawa ko sayo yun..

Ano kaya yun?? Letter nung author sa anak nya?? Lumapit na ako sa librarian..

"Excuse me, meron po ba sa inyo yung mga pages nito??"

tinignan ako ng masama nung librarian

"Ano yan?!" sabi nya... libro malamang!! :[ kainis lang...

"Nakita ko po kasi ito sa shelf nyo kaya baka po na-"

"Wala! wala kaming ganyang book!"

"Pero nakita ko to doo-"

"Hindi nga yan samin.. ang luma luma na nga o!"

sa inis ko,umalis nalng ako at nilagay ko sa bag ko yung libro...eh hindi naman daw sa kanila eh!! Bahala sila!!!

Umuwi ako sa bahay at paulit ulit kong binasa yung book. Grabe! Nd talaga ako maka getover dun sa story!!!XD Sana makahanap ko yung ibang ganitong book at sana kumpleto na noh!! Kung sino man gumawa nun eh napaka-brainy!! Ag hirap kayang gumawa ng isang story tas mapupublish...

Binuksan ko laptop ko at nag usap kami through webcam o videocall...

"Hi kuya Roian!!!"

"Hi Luna!! Kamusta naman ang baby sis ko??? Babalik ako diyan sa Black City ^^"

"Talaga kuya? you're already done with your work there?"

"Hahahaha! Hindi pa Luna..Magbabakasyon lang ako dyan ng two days.. pero matagal pa yun..."

"Awww :-( kala ko this week na.. Miss na kita kuyaaaaaaaa!!

"Hahaha ako din naman Lil sis.. Kamusta si Riona??"

"Ok lng xa kuya sabi ni mama.. Miss ka na din nun ^^"

"XD Alam ko.. Lagi nga nya akong sinesendan ng email eh na umuwi na daw "

"Hahahaha!!"

"Luna,anong gusto mong pasalubong pag uwi ko?? Manga ulit yung supernatural yung genre??(yung book po)"

"Hahaha! Hindi na kuya,andami ko na ngang ganyan dito sa bahay.. Chocolate nln ^^"

"Ok,yun nlng....Kamusta na kayo ng boyfriend mo??"

"Ayun :))) Ok lang kami.... pero nitong mga nakaraang araw hindi na xa maxadong nagpapakita sakin... sabi nya busy xa.. Ok lng,may trabaho naman tlga xa eh :) di bale tatawagan ko nlng xa bukas para kamustahin siya..."

"Good good! O sige out na ako.. May reporting pa ako bukas.... Bye! Ingat ka dyan baby ha???"

"Ok kuya Roian.. Ingat ka din dyan mwah!!! Bye!!" off...

Haaaay!!!! Bukas papasok ulit ako sa work kaya dapat maaga nang matulog...^^

The Awakening of the Black Wolf (EXO Kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon