Chapter 39

1.1K 44 10
                                    

(Luna)

May liwanag na tumama sa mata ko dahilan ng pag gising ko. Marahan kong minulat ang mga mata ko. Laking gulat ko ng .....

" nasa bahay ako?? S-seryoso?" agad kong sinampal ang sarili ko.

"Aray!! Totoo ito....Kung totoo ito.....Si Kai!!!"

Nakangiti akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto.

"Kai Kai!! Gising na!! Kai!" sabi ko habang hinahanap siya sa paligid.. Nawala na ang ngiti ko.

"W-wala siya...." napalingon ako sa kwarto niya.. Marahan akong lumapit at biglaan itong binuksan.

"W-wala din siya dito...At...ang linis ng kwarto. Parang walang gumamit.... So ibig sabihin,panaginip lang si Kai? Kakaibang panaginip?"

Napabitaw ako sa pinto at napaisip. Kung panaginip nga lang talaga,napaka detalye naman non... Bumalik ako sa kwarto at umupo sa kama.

"Hindi,ayaw kong maniwalang panaginip lang iyon! M-mag hahanap ako ng bagay na magpapatunay na totoo lahat n-ng iyon"

Medyo naluluha na ako. Tumayo na ako,paghakbang ko ng isa naramdaman kong may natapakan ako kaya agad ko itong tinignan at kinuha..

"R-ribbon ni Miyowi...Ribbon nga niya ito!!"

may tumulong luha sa mata ko.

Naalala ko ang masasayang araw namin ni Miyowi...

"Kung ganoon,totoo ang lahat.. Totoo lahat ng nangyari.."

Bigla na lang ulit akong natauhan..

"K-kung ganoon... Talagang patay na si Miyowi a-at...si Kai??"

Dire-diretsong bumuhos ang luha ko.

"Wala na sila... Wala na sila.. Wala na sila!!!! Waaah!!"

Hindi ko mapigilan ang pagiyak ko. Kasabay ng pagiyak ko ang pagsabunot sa buhok ko,para na akong mababaliw kasi napaka imposible nito.Lakad ako nang lakad sa loob ng kwarto habang umiiyak.

"H-hindi ko na sila makikita ulit..Hindi na...Ayaw ko ayaw ko!! Gusto ko silang makita muli.. Miyowi.. Kai!!!"

Lumabas ako ng kwarto at umiiyak pa rin. Para bang hinahanap ko si Kai sa bawat sulok ng bahay,pinupuntahan ko lahat ng lugar sa bahay..

"Miyowi...Kai... Miss ko na agad kayo.."

Tuwing pupunasan ko ang luha ko ay may bubuhos pa rin. 

"Eeeeeeeh!! Bakit? Bakit ganoon?!!!"

Parang napaka imposible talaga tuwing naiisip ko iyon. Napakasakit kasi eh. Hindi ko talaga mapigilang umiyak.

Napasalampak na lang ako sa sahig at parang bata na nagpa-papadyak ng paa.

"Kaiiiii! Miyowiii! Huaaaaaaaa!"

Ang masakit pa ay alam mo na kahit gaano kadaming luha pa iiyak mo eh hindi na sila babalik. Hindi sila bubuhayin ng luha ko.......

*

Sa kakaiyak wala ng luha lumalabas sa mata kundi hagulgol na lang. Nakaupo pa rin ako sa sahig. Minsan natutulala,tatahimik tapos iiyak na naman. Kahit agahan ay hindi pa ako kumain.. Ang hirap kumilos kapag sobrang malungkot ka at nagluluksa.

"Kai...Miyowi..."

Habang nakayuko,napansin kong nasa bulsa ko ang cellphone ko.

"Sassbihin ko ba kina mama??"

Agad akong nagdesisyong sabihin sa kanila.

*phone ringing..*

Hello?
Mama? Si L-luna po ito.
O? Napatawag ka. Kamusta na?

May gusto lang sana akong...sabihin..
Sure ano iyon?
........Wala na po si Kai gaya ng gusto niyo...

Natigilan si mama ng sandali

G-ganoon ba? Ma-mabuti at nagawa mo din ang dapat mong g-gawin.
Wag ako ang purihin niyo. Hindi ako ang gumawa. Si Kai mismo..Siya ang purihin niyo..

......Uhm,ano...Ang tamlay mo ata anak may sakit ka ba?
Yun lang sassbihin ko ma...

Sinadya kong hindi sagutin tanong niya. Ibababa ko na sana yung cellphone ko ng marinig ko si Ate Riona sa kabilang linya.

Ma! Si Luna ba iyan?? Pakausap naman....Hello Luna?
!!! Ate Riona..
Ako nga! Kamusta na?? Miss ka na namin..

Uhm....Ate,wala na si Kai..

Hindi ko nanaman napigilang umiyak

Tahana Luna..Tahana..
Hindi ko kaya ate eh.. Kanina pa ito..

Patuloy lang ako sa pagiyak

Kailan pa ba Luna?
Kahapon lang a-ate..

Narinig ko ang pagsinghap niya

Nakikiramay ako Luna. Sorry hindi man lang kami makapunta diyan. Tahana Luna. Wag ka ng umiyak.
P-parang hi-hindi ko yata kayang hindi umiyak ng isang araw man l-lang...

Malalagpasan mo din iyan Luna. Matapang at matatag kang babae..
Parang wala lang lahat iyon kung wala si Kai.
Wag mong sabihin yan. Magpakatatag ka pakiusap. Hindi pa katapusan ng mundo para umasta na wala ng pagasa,Luna.

Ang hirap kasing tanggapin ate Riona. A-ang hirap!
Ganoon talaga dahil bago pa lang. Kaya mo iyan. At pasensya himdi kita mapayuhan ng mabuti. Dahil hindi ko pa maranasang mawalan ng mahal sa buhay. Patawad..

O-okay lang ate...sige po ibababa ko na itong telepono madami pa akong gagawin. Bye.
Bye Luna. Ingat ka diyan..

Binababa ko na agad. Wala naman talaga akong gagawin. Gusto ko lng manahimik para makapag pahinga...

--------------------------------------

After 3 weeks......

To be continued..

-
A/N: gosh malapit na itong matapos. Ngayon pa lang po nagpapasalamat na ako sa mga sumubaybay, (kung meron man hehehe) yung mga nagvovotes at nagcocomment! Hindi ko man kayo masbi ng isa-isa kilala niyo naman na iyon sa sarili niyo.

Salamat po dahil naging patient kayo. Kahit kasing bagal ko ang pagong sa pagUD eh inaabangan niyo pa po ito. Salamat po talaga sa mga naka appreciate ng story kong ito. Meney tenks talaga. Sana wag po kayong magsawa sa stories ko. Kahit na minsan ay OA na. Salamat po talaga sa inyo. Kung gusto niyo po pwede niyo naman sabihin itong story ko sa iba baka sakali lang pong magustuhan nila (>_<v)  hehehehe. By the way,nagpapasalamat din ako sa mga silent readers kahit hindi ko alam kung naiinis na ba sila sa story ko at gusto na akong bitayin or kung nagugustuhan ba nila yung story. Thank you pa rin. Yun lang po mga dear readers thanks pow...

The Awakening of the Black Wolf (EXO Kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon