Chapter 40

1.2K 45 4
                                    

(Luna)
After 3 weeks....

Gumising na ako mula sa kama. Gagawin ko na kung ano ang palagi kong ginagawa 3 weeks ago simula ng mawala si Kai..

Gigising,kakain,maglilinis,tutunganga, matututulog,maliligo..siguro...tapos matutulog ulit... Bumaba na ako at pumunta sa kusina.

"Walang makain... Tinapay na lang ulit at itlog..."

Agad na akong nagluto, pagkatapos niyon ay kumuha ako ng pinggan. Bigla akong natigilan nang mapansin kong sobra ang nakuha kong plato,dalawa...

"Tss! Haha! Ako nga lang pala ang kakain.. Ako na lang"

Lumapit ako sa lababo at nilapag ang pinggan. Hindi ko napigilang umiyak. Hanggang ngayon paulit-ulit na lang pagkakamali ko... Marahan kong binalik yung pinggan sa lalagyanan.

"O-oo nga..ako na lang ang nandito sa bahay.. Ako na lang...."

Pinunasan ko ang luha ko pero may tumulo pa rin. Bumalik ako sa kainan at tinakpan ang niluto ko.

"Hindi na muna ako kakain..mamaya na lang siguro..."

Humiga ako sa lamesa at patuloy lang sa pagiyak. 3weeks na ang lumipas pero ganito pa rin ako. Nakita ko yung ribbon ni Miyowi na nakasabit ngayon sa pader..

"Nandito ka pa rin sana Yowi."

Tumayo muli ako at naglinis na lang ng bahay.... Minsan parang nakikita ko si Kai sa bahay. Parang may biglang dumadaan pero wala naman. Meron pa,noong nasa bayan ako. Parang nakita ko siya. Pero ng sundan ko ito eh wala naman.... Ang weird....

"Si prof. En kaya? Hindi ko na siya nakikita... Kamusta na kaya siya? Nalulungkot kaya siya gaya ko?"

Naluluha na naman ako pero pinilit ko itong pigilan...

"Sana okay lang din siya.... Makakahanap kayo ako ng katulad ni Kai. Na lagi akong pinoprotektahan at sigurado akong ako lang ang mahal niya?? Napaka imposible....................................................................."

----------------------
After 3 months...

Lumabas ulit ako sa bahay. Nagsa-sideline ako bilang waitress ulit sa pinasukan ko dati pero hanggang 12pm-3pm lang ako...

At may nalaman ako nang pumasok ulit ako doon. Kahit isa sa kanila ay WALANG nakakaalala kay Miyowi. Nasaktan ako ng sobra! Bakit ganoon? Hindi ko alam kung pati si Kai eh nakalimutan nila pero minabuti kong wag ng tanongin.

Papasok na sana ako ng may nakita akong pamilyar na mukha.

"K-kai??"

nakasuot siya ng itim na hoodie. Baka namamalikmata nanaman ako.. Pero tinitigan ko pa ito.

"K-kai??!! Kai!! Kai!!!"

nagsisisigaw ako at pinagtinginan na ako ng mga tao. Wala akong pake. Sinundan ko ito agad. Pinagtutulak ko ang mga tao. Matagal na kitang gusto mayakap ulit kai.... Kahit nadapa na ako! Tumayo pa rin ako. Hinabol siya. This time hindi pa siya nawawala. Nilakihan ko na ang mga hakbang ko,hindi na ako sumigaw pa. Ibinuhos ko lahat ng lakas ko sa pagtakbo.

At sa wakas! Tumigil siya sa isang dead end.. Hingal na hingal ako,huminga ako ng malalim at saka nagsalita.

"K-kai? Ikaw ba yan Kai??"

Marahang lumingon yung lalaki. Pagkalingon niya, bigla akong napaluha at napaluhod...

.

To be continued..

The Awakening of the Black Wolf (EXO Kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon